CHAPTER 19: Friendship, Over

14 2 0
                                    

Cats.

Sobrang cute, pero naaaaapaka-pasaway. -_-

- derp






***






"Grabe, totoo ba yung nababalita?"

"Na ano?"

"Expelled na daw from Serrano sina Amber Lipio at Natalie Horataleza!"

"HAAAH?!"

"Hala, grabe naman~"

"Oo nga, totoo ba yan? Hindi ako makapaniwala,"

"Ako rin, nung una kong marinig. Pero sabi nga, totoo raw. You can ask Irish— balita ko nadawit rin siya sa kwento."

"Yeah, ask Irish. Kahit kailan, hindi nagdamot sa kwento yun."

"Tama. Eh wait lang, bakit nga daw ba sila in-expel?"

"Napatunayan nga raw kasi na sila yung may pakana nung Soya Madness kay Paula dun sa Victory Party ng Crocs. As in, umamin talaga sila. Ambongga nga daw nung harapan eh, parang hearing. May witness, may evidence, at naroon mismo ang principal bilang jury kuno— jusko parang husgado."

"Grabe namang effort. Hinanap talaga ni Paula kung sino may gawa."

"Tama. I can't believe someone like her would have the guts to do that to both Amber and Natalie. Grabe ring tapang ng apog nya eh noh?"

"Oo, ang kapal nga naman ng mukha."

"SHUSH! Parating na siya, wag kayo maingay!"

Dire-diretsong pumasok sa loob ng classroom si Pau galing CR. She walked beneath them, staring at her feet, adjusting her glasses.

Hindi siya tanga.

Hindi rin siya bingi.

Rinig na rinig niya lahat ng mga pinagsasasabi ng mga ito sa kanya.

Sanay na naman siyang makarinig ng ganoon— kinagulantang nga lang niya ang nasbing balita.

Expelled? Hindi siya nagtatanong, pero halos tumili na siya sa loob ng isipan niya. Expelled sina Amber at Natalie?! K-Kelan?! Paano?!!!

Umupo siya sa kanyang silya, ramdam na ramdam ang mga matang nakatitig sa kanya sa likuran. Nagbubulungan pa rin ang mga ito— mahina na, and she can't decipher the words they were saying, but she was sure without a doubt that she was still the topic.

Nilapag niya ang gamit nya sa mesa, nakakaramdam ng guilt.

Maling mali.

Hindi ito dapat nangyari.

Kargo pa tuloy ito ng konsensya nya habambuhay.

Kung tutuusin, tama naman yang mga nagbubulungan niyang kaklase— that soy souce prank is not enough to ruin a person's life through expulsion. Kung humingi man sila ng tawad or something, ibibigay naman niya eh.

Handa siyang magpatawad.

Handa rin siyang magmove-on.

Hindi na ito dapat nangyari pa.

If I End Up With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon