Sorry ang tagal hindi nakapag update. :/ Ekasi naman, wala pa ring net until now. Kaines. But anyway's, please believe that I have not forgotten about you guys. :)
LOVE YOU! :D Salamat po sa patuloy nyong pagbabasa kahit na ba ang tagal kong hindi nakakapagsulat.
Mahal na mahal ko kayong lahat. WAHAHAHA~
Kadramahan -_-
Okie, let's get this over with. MWAH! :*
- DerpDerby
***
Ngumiti si Paula sa kanya, kahit na ba nakatingin pa siya sa malayo at nakasimangot sa hangin. "I think my work here is done," sabi niya. "Mukhang maipapasa mo nang tuluyan ang exam mo bukas. You've mastered 80% of everything I've taught you so far. At idagdag mo pa yung pinag aralan natin today, at hindi malabong 100% mo siyang maitatama. Congrats, Mr. Espino."
Tinitigan lamang siya nito, nakamangot pa rin at matalim ang mga mata. "Yeah, sana nga."
It made her worry na hindi pa rin siya nakakamove on sa pangyayaring iyon kanina.
Dalawang oras na ang nakalipas— dalawang oras ang tinagal para matapos nilang reviewhin ang lahat ng chapters na itatackle para sa exam bukas.
Ngunit batid ni Paula na magpahanggang ngayon, si Syl pa rin ang iniisip ni Oliver.
Hindi niya ito masisisi.
Mahirap makaaway ang bestfriend mo.
Nag aaway sa loob mo ang sarili mong katwiran, at ang konsensyang nagsasabing, 'hindi ko makakayang mawala sa buhay ko ang isang mabuting kaibigan'.
Paula understands very well how Oliver feels right now.
"Pasensya na ha," Paula stands up, at pinagpatong patong ang mga librong hiniram, at inayos ang mga gamit na nakakalat sa mesa.
Nagulat si Oliver sa sinabi nito. "Pasensya saan?"
"Ako ang dahilan ... kung bakit kayo nag away ng bestfriend mo."
"Heh," napangiti nito si Oliver. "Hindi noh." He stood up as well. "Hindi ikaw. Si Natalie."
"Pero ako naman talaga ang puno't dulo ng lahat ng ito, eh."
"Wala kang kasalanan." Oliver patted her shoulder. "Biktima ka. At kung hindi maintindihan ni Syl yon, eh ... problema na niya yon."
Paula blushed.
Nagkatitigan nanaman sila ni Oliver ng tagus-tagusan.
Ramdam na ramdam niya ang concern nito para sa kanya.
Oliver ... maraming maraming salamat.
Pero hindi niya mapigilang ma-guilty. Typical Paula.
"Ganun siya kasi nasaktan yung babaeng mahal niya." sabi ni Pau. "Hindi ko rin siya masisisi. He's just trying to protect the person he loves. Anong gagawin mo kung ganoon din ang nangyari sayo?"
Hindi nakasagot si Oliver sa tanong na iyon.
Ipinagpatuloy ito ni Paula. "Sabihin na nating si Nat nga ang may kasalanan. Siya yung naparusahan. Let's say, she does deserve it. Let's say, she have made mistakes. If you were in Syl's shoes, what would you do?" Paula stared at him, eye-to-eye. "What would you do, if you really loved the person?"
BINABASA MO ANG
If I End Up With You
RomanceAll she wanted was to love and be loved, pero niloko lang siya ng mga taong pinakamamahal niya. Now she's back, and no one can stop her from getting her juicy revenge! Pero kakayanin ba nyang saktan ang pinakamamahal-- ibalik lahat ng sakit, at gum...