HI! :D
Tanong ko lang~ malala ba ako?
Napansin ko lang kasi, halos lahat ng ibang writers tigti-3 pages lang.
Would you guys prefer kung iiklian ko per chapter?
I know I'm just starting here pero gusto ko namang mabigyan ng magandang experience ang readers as much as I can. Kahit hindi na para humakot ng votes kung ano pa man.
Wala lang. Haha. Medyo ... conscious kasi akong tao. HAHA!
Pasensya na. Anyway, let's get back to business. Thanks for indulging me!
- derby
***
"NAG-GOODMORNING, TAPOS DINEDMA MO LANG?!"
"HUYYYY! Shhhhhh! Wag ka nga maingay~ bunganga mo ah!"
Tinakpan ni Paula ang bibig ni Nery. Napalakas kasi ang pagkakasabi nito.
Pang-umagang talak, maingay na boses ni Nery ang malalasap.
Ganito araw araw.
Parang nakaka-loka kung nasa posisyon ka ni Paula, pero masaya naman rin pag nakasanayan na. Yun nga lang ... minsan ... yung volume, eh, sumosobra na. Patungo lang naman sila sa cafeteria ng eskwelahan at maraming tao silang nakakasabay sa paglalakad. May iba pang kakilala nila't kaklase.
Nakakahiya.
Well, at least, for Pau, nakakahiya.
"Eh, loka loka ka naman kasi, eh!" Nery voice quieted a bit, pero batid pa rin ang kaparehong energy tulad ng kanina.
Bakit nga ba hyper nanaman si Nery?
This morning, mga 8 am, Paula received a message from Oliver, her love. Goodmorning! Sabi nito. Ang pinuputok ng butsi ni Neh ay dahil ... hindi siya nag reply.
"Malay ko ba kung GM yun," ang dahilan ni Pau.
"Ano ngayon kung GM?" Ginuguray na ng sobra ni Nery ang buhok niya sa frustration. "Sasabihin mo lang, 'Goodmorning din!'. Big deal ba yun?!"
"So ano, gusto mo, ipakita kong patay na patay ako sa kanya, ganun?" Paula crossed her arms, rolling her eyes as she sighed. "I may like him a lot pero hindi ako ganun ka-cheap noh."
Nanguna si Pau sa paglalakad.
Haaaayyy Paula, oo na nga. "Sabi mo eh," Nery just accepted what Paula said, kahit na sa tingin niya ay sinayang nito ang isang mahalagang pagkakataon. But that did not stop her from making her regret things. "Ikaw rin! Aba, last week lang, inaasar asar lang kita sa kanya, tapos ngayon, sinusuyu-suyo ka na." Tatawa tawa itong humabol sa kanya sa paglalakad. "E mahiwaga yata talaga tong dila ko eh. HAHAHA!"
"Can we just stop talking about him?" Paula says, nagtataray na.
Ikinagulat ito ni Nery. "O-okay ... ?" Then she smiled. "Ay basta. Diyan kaya nagsimula yung lolo't lola ko. HAHAHA!"
Alaskador.
Tatak-NERY.
"Tss," was all Pau can say right now.
Inakbayan ni Nery ang kaibigan niya. "Alam mo, imbis na mairita ka sa mga sinasabi ko, why don't you just wish for all of it to come true? Afterall, yung akala nating imposible last week, unti-unti nang nagkakatotoo ngayon, diba? Mano naman yung ...
... yung magustuhan ka niya talaga?"
Paula blushed at the thought.
Magustuhan niya ...
BINABASA MO ANG
If I End Up With You
RomanceAll she wanted was to love and be loved, pero niloko lang siya ng mga taong pinakamamahal niya. Now she's back, and no one can stop her from getting her juicy revenge! Pero kakayanin ba nyang saktan ang pinakamamahal-- ibalik lahat ng sakit, at gum...