CHAPTER 21: The Unexpected

33 2 0
                                    

Mahirap maging mabuting estudyante.

Kung kelan pakiramdam mo, nagsisipag ka, at okay naman ang performance, saka nagiging sobrang nakakatamad ng pang araw araw na buhay.

Tas pag nag-petiks ka naman, manghihinayang ka sa kalalabasan. -_-

Bakit ang hirap maging masipag?

Bakit ang sarap maging tamad?

Bakit ang init na sa Earth?

At bakit ba ako pumayag sa lintik na Calendar shift na ito? :/

Totoo nga talaga yung kasabihang, "You never know a good thing till it's gone." Akala ko, mas okay kung June-July ang bakasyon.

Maling mali, pare.

Maling mali.

- Derby






***






"All students are obliged to attend the election announcement. Class-hours are hereby cancelled to make way for this event. Please, proceed to the Auditorium. I repeat, please proceed to the Auditorium. Thank you so much."

Pangatlong beses nang inulit ang mensaheng iyon, at marahil maya maya ay ulitin pa, hanggang pumatak ang alas 9.

8:30 AM— 30 minutes na lang ay magsisimula na ang announcement of the newly elected. Mahalagang bagay ito para sa Serrano dahil ang Student Council ay ang utak, dugo at laman ng buong SPHS— sila ang nakaka-recieve ng command mula sa higher board, nagpapalaganap at nagpapatupad nito. At the same time, it's also their job para ipagtanggol ang mga estudyanteng naaapi sa school, para ipromote ang student rights at magcampaign para sa betterment ng performance ng school when competing with others.

Sa Serrano, napakahalaga ng Council. These people, once elected, gain respect, automatically from their subjects, at kahit anumang mangyari ay maaasahan mong titingalain sila ng mga estudyante. Yan naman din ang maganda sa Serrano— nirerespeto talaga nila yung mga na-upo sa pwesto.

Pag magaling ang namumuno, magaling rin ang pinamumunuan.

For the past year, napatunayan ng maganda at sexing sexing president na karapat dapat siya para sa pwestong kinalagakan.

Today, the entire student body has chosen the heir to her throne, and for the last weeks, she has readied herself to pass her crown to the next generation.

30 minutes pa ay malalaman na natin kung sino yon.

Pero sa ngayon, makikita natin si Paula, nasa labas ng kwartong reserved para sa Trademark, nagdadalawang isip kung kakatok ba siya o hindi.

Alam ko, hindi ko na dapat siya iniistorbo sa mga panahong to, she says to herself. Pero parang hindi ko ata kakayanin yung pinag usapan namin. Kailangan ko ng ... ng lakas ng loob!

At makukuha ko lang yon mula sa kanya.

She breathed in and out.

Malalim na malalim na hininga.

Saglit na saglit lang talaga, I promise.

I just ... have to hear her voice one last time ... bago ko gawin tong kabaliwan kong to.

If I End Up With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon