Hi peeps! :) Been long sinc the last update.
Namumrublema kasi ako about enrollment ><
Thought I'd stop by para ma-relax.
KASAMA KO SI ICHIGO NGAYON!
Say Hi, Ichigo :)
"Meow!"
Haha! Ang cute niya noh? Can you hear her purring? lol
Geh na. Pa-cute lang. Nababaliw na ko eh.
- Derbaluu
***
"Ez, bumaba ka pala? Hindi kita napansin," sabi ng malanding receptionist na parang puputok na yung labi sa kapal ng pulang lipstick na suot nito.
"Oo, eh, may kausap ka kasi kanina sa telepono." sabi nito, casually. "Geh akyat na ko."
"Sure." kindat nito. "Call me when you need anything."
"Thanks."
"ANO BA, KUNG MAKIPAG USAP KA JAN PARANG WALA AKO RITO AH! IBABA MO NA KO! AND YOU~ HEY LADY! COULD YOU GIVE ME A HAND HERE? I'M BEING ABDUCTED BY THIS PSYCHO!" Sigaw ni Paula, nakatihaya, banging on Ezra's broad back habang sinisigawan ang nadaanang receptionist.
The woman gave a grossed out look upon seeing her face, saka tumalikod para pumasok sa opisina niya na tila ba walang narinig.
Naroon pa rin siya sa balikat ni Ezra, nakasukbit na parang isang sako ng bigas na nakalaylay lang sa gilid. Ginawa na niya lahat-- mangagat, magsisipa at maglulumikot pero para bang sanay na sa pagbubuhat ng nagwawalang tao itong lalaking to at hindi siya binitawan kahit saglit. Ni hindi rin ito nagrereklamong mabigat siya o malikot o anu pa man. Basta dere-deretso lang itong naglalakad sa may hallway, minding his own business, pasipol sipol pa.
Nanggigil si Paula.
"San mo ba ko dadalin ha?!"
"Ang ingay mo." sabi nito. "Konti nalang at bubusalan na kita."
Kinilabutan si Pau. "Papatayin mo ba ko?!"
"Heh," natawa si Ezra sa sinabi nito, at tumigil sa paglalakad. "Gusto mo na bang mamatay?"
"Gago, hindi ah!" at nagdadabog muli ito sa mga tuhod niya.
"Nagtatanong lang." napangiti ito sa kanyang sarili, at nagpatuloy muli sa paglalakad.
They entered a tight elevator kung saan nakita nila ang isang bellboy na may dalang trolley ng mga kumot at unan. Nauna pa itong bumati sa kanila. "Huy, Ezra! Paakyat ka pa lang? Pupuntahan sana kita don pagkatapos ko ibalik to sa mga kwarto, baka pwedeng sumali sa inom, sawi rin ako ngayon eh."
"Dapat yayayain rin nga kita eh kaso," napatingin siya kay Paula. "Pasensya na pare, babawi nalang ako. Libre ko pa rin. Punta ka sa Origin."
"Geh, next time." He fist-bumped Ezra and eyed Paula strangely. "Mukhang busy ka rin eh."
Bumukas ang pinto ng elevator sa 9th floor. "Dito na ko. Kitakits."
Tumango lang si Ez dito at pinindot ang close button ng elevator.
BINABASA MO ANG
If I End Up With You
RomanceAll she wanted was to love and be loved, pero niloko lang siya ng mga taong pinakamamahal niya. Now she's back, and no one can stop her from getting her juicy revenge! Pero kakayanin ba nyang saktan ang pinakamamahal-- ibalik lahat ng sakit, at gum...