"Paki-balik nga ulit," sabi ni Paula. "Y-yun oh."
Medyo nagtatagal na rin sila sa loob ng camera room. Apat sila roon-- sina Syl, Oliver, Natalie, at siya. Hinayaan na rin nilang maki-party muli ang mga kasama-- sayang naman ang gabi eh.
Paula just insisted on looking through the cams. Gusto niyang makilala kung sinuman iyon. She grasped the jacket tight, curious na curious sa pagkatao ng misteryoso niyang tagapagligtas.
Pero ... kahit anong replay at fast forward, hindi makita sa cams ang mukha nito.
Nakasoot ito ng cowboy hat at naka sleeveless shirt. Unfortunately, black and white ang kuha sa CCTV kaya hindi nila malaman kung ano bang kulay ng soot nito.
"E andami daming naka-sando sa party eh," sabi ni Natalie. "Sino naman kaya dun yan?"
"How about the hat?" tanong ni Oliver. "Kung naka soot siya ng cowboy hat, makikilala siya agad. Wala naman akong nakitang ganyan kanina eh."
Napakamot sa ulo si Syl. "Eh pre, pasensya ka na. Props kasi yan sa photo booth. Baka naman hinablot lang nya bigla."
"Ay, ganun?"
They were losing hope already.
"Paano ko ibabalik to ngayon?" sabi ni Paula.
"Eh kung mahalaga naman sa kanya yan, siya ang pupunta sayo para bawiin." sabi ni Syl. "Branded pa naman ata oh. Ganda rin eh."
"Oo nga, Paula." Ngumiti si Oliver. "Hintay hintay lang tayo."
"Okay."
"T-teka ano to?" Syl saw something in the video.
Nasobrahan siya sa rewind.
Nakita niya yung recording earlier that day, nung hindi pa nagsisimula yung party.
Irish, Amber and ... and Natalie-- papasok silang tatlo sa inner part of the house, lagpas ng lobby where the inner CCTVs were.
"Bhie, san kayo papunta kanina?" tanong ni Syl suspiciously.
"H-ha??" Good God! "Uhmm ... sa ... sa CR."
"Sabay sabay kayong tatlo?" tanong ni Oliver, nangingilid ang mga mata.
"O-oo! Magreretouch lang kami ng make-up. Bakit?" sabi nito. "Tanungin nyo si Paula. Walang malisya kapag sabay sabay nagbanyo ang mga babae. Hindi ba, Pau?"
"Ah, oo." tango nito.
Oliver wasn't convinced. But since andun si Paula, and she looks like she wants to go home already, di na niya pinansin ang nakita sa video.
I'll deal with them later, sabi niya sa sarili. "Pau, hatid na kita sa inyo?"
"Oo, salamat." hindi siya tumanggi.
***
A-ANO TO?!
Nery arrives early, seeing various photos of Paula!
Oo. Kalat na kalat na sa school, sa internet, sa social networking sites at sa kung saan saan pa, ang tinatawag ng lahat na 'Best Prank of the Season'.
Nagngingitngit ang mga ngipin ni Nery sa sobrang galit!
Pero hindi pa tapos!
Naglakad lakad lang siya ng konti pa, she saw a group of girls, giggling, at maingay na nagkekwentuhan.
"I was there! Actually may copy rin ako ng video, pero itong isang to, mas HD." Sabi ng may ari ng phone na pinagkakaguluhan nila. "Mas malapit ang kuha-- makikita mo talaga yung pagbagsak nung toyo sa mukha niya."

BINABASA MO ANG
If I End Up With You
RomanceAll she wanted was to love and be loved, pero niloko lang siya ng mga taong pinakamamahal niya. Now she's back, and no one can stop her from getting her juicy revenge! Pero kakayanin ba nyang saktan ang pinakamamahal-- ibalik lahat ng sakit, at gum...