Tina-try niyang matulog kanina pa pero hindi talaga niya magawa. Nag aalala na siya kanina pa ... sa maraming maraming bagay.
Pau ... sana okay ka lang.
Nery's been staring at their picture as kids for hours now, simula pa noong umuwi sila mula sa airport pagkasundo sa Papa niya.
Then, suddenly, a drop of tear falls down from her eyes, landing on the photo.
"Sana mapatawad mo ko, Paula." she whispers to the air. "Sorry ... sorry ..."
***
"HAHAHAHAHA! OO, NAAALALA KO NA!" Halakhak ni Oliver, waving his glass of Iced Tea. "Nagtatatakbo siya ng hubad sa hallway, eh!"
Paula sips from her glass. "Grabe ka naman, hindi naman hubad na hubad. Well ... naka-brief? HAHAHAHA!"
"Ganun na rin yon, ano ka ba?! HAHA! And the best part-- nabundol pa niya si Madame Principal! I was there! IT WAS HILARIOUS!"
"Ako rin kaya!" Paula said. "Pero tumakbo na ko nang dumating si Maam. Baka nga kako madawit pa yung witnesses. Alam mo naman yung si Maam. Kapag may kalokohang ginagawa ang mga estudyante, walang ibang bukambibig kundi--"
EXPULSION! Para sayo! Sa kanya! Para sa lahat! EXPELLED KAYONG LAHAT! IPASARA NA NATIN TONG ESKWELAHANG TO! HAHAHAHAHAHA!" they both exclaimed at the very same time, at sabay rin namang nagtawanan.
This is the first time Paula and Oliver ever chatted this way.
Napag-usapan nila ngayong gabi yung mga nakakatawa, nakakahiya at memorable na pangyayari noong middle school kung saan sila naging magkaklase, kung saan niya unang nakilala si Oliver Espino-- noong mga panahong hindi pa nag-eexist si Paula sa malawak na mundo niya. What's awesome is that, ngayong kausap na ni Pau ang pinapangarap niyang lalaki, natuklasan niyang napapansin rin pala siya nito noon, kahit konting konti lang.
They just finished eating at nagrerelax nalang ngayon, leaning on their table, kasi pinili nila yung tall cocktail table na walang seats. A while ago, Oliver offered na ikukuha niya si Pau ng upuan, pero eto namang si pakipot ay humindi. So they settled just there. Standing.
"Ugggghhhh ... I'm so full," sabi ni Paula, sabay botoms up ng juice niya sa baso.
"Ako hindi pa. Haha. Malapit na." at sumubo si Oliver ng shortcake. "Sarap ng food."
"Sooooobra."
Napangiti si Oliver. "Nage-enjoy ka ba?"
"Oo naman."
Nahuli niyang nakatitig sa kanya sa mata si Oliver, kaya iniwas niya ang tingin.
Maya maya'y tumugtog ang isang pamilyar na kanta, sa isang hindi pamilyar na boses.
It was Chris Daughtry's Life After You, a song Paula is very familiar of.
Lumingon sila pareho sa stage and saw a live band-- exactly what Oliver told her a while ago.
THEY SOUNDED AWESOME!
And, aside from that, may isa pang napansin si Paula.
"OLIVER, YUNG VOCALIST!" Turo ni Paula sa lalaking nasa gitna, stage front.
"Hm?"
"Siya yung lalaki kanina!"
Tinitigan ito ni Oliver ng mabuti, medyo madilim kasi. "Aba, oo nga noh. Kaya pala hindi ko siya kilala, hindi siya classmate o alumni o ano ..." Napangiti ito. "In fairness ... magaling sila. At ang ganda ng boses."
"T-tama ..."
Pero natulala lang si Pau.
For a few minutes, ganyan lang siya ... staring.
BINABASA MO ANG
If I End Up With You
RomanceAll she wanted was to love and be loved, pero niloko lang siya ng mga taong pinakamamahal niya. Now she's back, and no one can stop her from getting her juicy revenge! Pero kakayanin ba nyang saktan ang pinakamamahal-- ibalik lahat ng sakit, at gum...