CHAPTER 5: Bestfriend VS. Girlfriend

37 3 0
                                    

Naiinip na ko, gusto ko na mag-fast forwaaaaaaaard!

Pfft.

Anw, hindi naman pwede gawin yun kasi magugulo yung story line -_-

Guys, paki-sabi po pag nabo-bore na kayo sa mga pangyayari sa kwento.

Ako kasi, oo :/

- derbyyyderpie

***

They were starting.

Well, okay ... not really.

Naikabit na ang mga decorations-- christmas lights, lanterns, garlands, ribbons of various colors at kung anu-ano pang ek ek na pamasko. Why not? Eh magpapasko na rin naman. Bakit hindi nalang pagsabayin? HAHA!

Mas mahalaga pa rin sa kahit na anumang mga dekorasyon ang nakapaskil na tarpaulin sa may entrance.

WELCOME, CHAMPIONS! -- ang nakasulat rito, na may malaking malaking litrato ng buong team, at isang solo shot ni Oliver Espino, the season's MVP.

Malaki laki ang garden nila Syl, mayroon pang area kung saan pwede kang maghold ng event, katabi ng mawalak na swimming pool-- resort lang ang peg?

Ang tanging flaw lang siguro ng lugar na ito ay maliit lamang ang garahe nila. So napilitang mag-park sa labas, sa may kalsada, ang lahat ng may dalang kotse na imbitado sa victory party. Eh alam nyo naman ... halos lahat naman sila mga naka-kotse.

Some of the guys-- mga classmates at katropa-- ay nauna nang pumunta sa bahay para maghanda. Mga volunteers yon from the team na hindi naman naisali sa game, some are from the student council who were willing to help, others are fans na ginawang excuse ang preparations para maka-sama sa exclusive party na yon, na ang mga guests ay specifically dapat ininvite lamang ng team members.

Pag hindi ka naisama sa listahan, hindi ka papapasukin, kahit gaano ka man kataas sa estado o gaano ka man kasikat sa paaralan.

Sa isang gilid ay nagse-set up na ng sound system, at ang iba nama'y nagwa-walis walis sa stage na kaka-patayo lang. Some maids were fixing some rooms, especially yung kwarto kung saan pansamantalang magse-stay yung banda na nirentahan ni Syl para sa event na ito.

Bongga, may live band pa.

Some were setting up tables and chairs at isang maliit na bar ang inilabas sa may tabi ng stage kung saan nagpa-practice ng pagwawasiwas ng baso at bote yung bartender. A photo booth was placed on the gate and one classmate who worked for the school press volunteered to take pictures. At sa taas ng stage ay ang verada ng bahay nila kung saan naka-kabit ang disco ball na gagamitin maya-maya, pag nalasing na ang mga tao at gusto nang magsasayaw ng party-party.

This is going to be the party of the century.

"Buti pinayagan ka ng parents mo," sabi ni Prince sa kaibigan. "Anlupit nito, pre. Daig pa JS natin."

"Losers naman nag-organize nun eh,"  sagot nito, waving the drink in his hand.

Nagbukas na rin si Prince ng kanya. Nagtakal siya ng yelo sa baso at binuhos rito ang beer mula sa bote. "Sige, next year, sasabihin ko, ikaw nalang."

"Gago, wag."

Nagtawanan sila at nag-toast ng hawak na inumin.

Mga ilang sandali pa, isang dark blue Toyota ang nag-park sa labas ng gate.

It was Oliver. 

Lumabas siya, closed the car door, and approached them both. "Isn't that a little too early?"

If I End Up With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon