Chapter 8

25 6 1
                                    

It's been 2 weeks mula nung lumaban ako ng Quiz Bee, hindi naging matunog ang nangyari sa school, ang iba sinasabing naniniwala sila sakin dahil ilang beses nakong nanalo at isa ako sa mga estudyante na nagbibigay nang karangalan dito, Wala akong ibang ginawa kundi ngumiti


" Hoy balita ko may lilipat daw dito" napatingin ako sa unahang mga nagtutumpukan, may mag transfer sa Montecillo High?

Hanggang pagdating ng recess hindi ako mapakali, narinig ko rin kasi na sa section namin sya mapupunta bakit sa Grade 10 Fire pa pwede naman sa Water

" Zai! Ayusin mo naman pagkain mo! Gigil na gigil lang!" Bulyaw sakin ni kuya, nandito kami sa bilihan ng fishball



" Kuya" napatingin naman ito sakin, nacu-curious talaga ako kung sino

" Ano nanaman? Nakasagap kananaman ng chismis?" Kilalang kilala talaga ako nang Isang ito

" May naririnig ba kayong magtransfer dito?" Umiling naman ito sakin

" Wag mo nang isipin pa yan, diba malapit na exam, mag review ka nalang" saad nito at nagtuloy tuloy pauwi


Dumating kami sa bahay na natutulog si mama, agad naman akong naghanap nang unan napwedeng ilagay sa ulunan nito


" Ay nako ma, may kama sa kwarto dito ka pa nahiga sa sofa" inilagay ko ito sa ulunan at kinumutan

Nagluto nako nang pang hapunan para may makain na si mama pag gising, gustuhin ko man na tumigil mag aral at ipagpatuloy nalang next year pero alam Kong hindi papayag si mama, 'palagi syang pagod pag uuwi kinabukasan mag tatrabaho ulit para samin



" Hintayin nyo akong makapagtapos, maiiahon ko rin kayo ni kuya balang araw ma" bulong ko dito

Hinding hindi magiging hadlang ang kahirapan para hindi ako magpatuloy! Basta rules are rules zai



" Graduate muna bago love" Sabi ko sa sarili ko


Nag review ako nang nag review para sa exams namin ng 2nd quarter, I'll pass this! I need to pass this! 'sinulat kong muli ang mahahalaga at ini-highlight ito


" I need to focus more on math" ito talaga ang sisira nang buhay ko, hindi naman sa wala akong naiintidihan may time lang na sobrang hina kong maalala lahat pag dating dito, Hindi katulad ni Luis


Naalala ko pa noon may ipinasagot samin si Mr. Brondo 'halos lumuwa yung utak ko noon dahil hindi ko magets kung paano ko icocompute, magsisimula palang ako mag sagot pero si Luis tapos na minsan may pagka pagong talaga ako

" Zai" narinig kong kumatok si kuya kaya pinagbuksan ko ito, natawa naman ako sa muka nito dahil pinoproblema nya yung requirements nya

"Patulong naman ako oh" pinakita nya sakin lahat nang mga tinatapos nyang requirements, nginitian ko naman ito

" Maling tao yata napuntahan mo kuya" nag peace sign pa ako dito at sinarado agad yung pinto, sumasakit na nga ulo ko sa math tapos patutulungin ulit ako sa math, lagi nalang bang math


Sa sobrang dami kong gawa nakatulog nako sa mesa, nagising nalang ako sa sikat nang araw, napatingin ako sa mga gamit ko at ayos na may kumot din ako, pumasok siguro si kuya



Inayos ko na ang higaan ko at nagsuklay, pero nagulat ako sa muka




" Yaaaaaaaaaa!" Sigaw ko, ang kapal nang gumawa nito sakin! " Sinong nagdrawing nang ballpen sa muka ko!!?

"Kuya humanda ka sakin!!" Papalabas palang ako nalaglag nayung sticky note na nakadikit sa likuran ko


Ang cute mo! Bagay sayo panda zai!

Whisper Of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon