Chapter 33

13 1 0
                                        

"Gago kung ginigising niyo na kasi!" Nakapikit ako ngunit gising ang diwa ko hindi ko magawang gumalaw, alam kong dahilan ito nung itinurok sa'kin parang namanhid ang buong katawan ko sa hindi malamang dahilan.


Nakarinig ako ng alone maging ang hangin na sobrang lakas na dumadampi sa mu'ka ko.

" Boss ano na? Anong gagawin natin dito tutunganga lang kay Zai?" May narinig akong kasa ng baril para akong binuhusan ng malamig na tubig nasaan nga ba ako?

" Wala kayong ibang gagawin kundi sundin ang sasabihin ko Haro" seryosong sabi ni Luis " Oras na makita ko siyang masaktan ito na huling buhay ninyo" ito na ba? Ito na ba ang Luis na hindi ko kilala? Anong ibig niyang sabihin? Papatayin niya sila Haro?

" Oh eh ano pa palang silbe at kinuha natin yan? Akala ko ba gusto mo siyang pahirapan?" Malokong sabi ni Haro parang maiiyak ako sa mga sinasabi nila ngayon.


Pinagkatiwalaan kita Luis buong akala ko noon.. mabuti ka.. pinaikot mo lang ako.

" Ang usapan ay usapan boss ang sabi mo sa'kin noon dadalhin mo sa'kin si Zai kapalit ng video file" dahan-dahan kong iminulat ang mata ko.


May hawak na baril si Luis habang si Haro naman ay may hawak na patalim, nakaupo ito sa batohan " Nakakainip maghintay akala ko magagawa mo agad kaya ako na mismo ang gumawa ng paraan" pijilit kong tumayo nag-iingat na hindi nila mapansin pero hindi ko napansin ang nakabantay sa gilid ko.

" Gsgo gising na pala ang prinsesa natin!" Napatingin sakin ang dalawa kita ko kung paanong sumibol ang pagaalala sa mata ni Luis, Galit ako sa kanya at alam ko sa sarili ko na hindi na yun mawawala, hinding hindi ko siya mapapatawad.


" Anong pakiramdam ng ginamit lang Maria Zaybelle?" Sabay sabay silang nagtawanan may kung anong kirot sa puso ko itinuring ko na rin na kaibigan si Luis lahat lang ba pagpapanggap?

"Stop Haro" napatigil sila sa pagsasalita dahil sa seryosong boses ni Luis " I..I can't do this.." Saad niya at tumingin sa akin.

" Pakawalan niyo siya yan ang utos ko" seryoso nitong sabi ngunit tanging tawa lang ang naging sagot ni Haro.

" And why would I listen to you?" Palaban nitong tinitigan si Luis at pinaikot-ikot sa ere ang kanyang patalim.

" Isa ka lang namang lider na duwag at walang kwenta" panduduro niya rito.

" Kapatitan niyo yan!" Agad na sumunod ang mga grupo nito at walang awang pinagsusuntok si Luis hindi ko alam kung anong mararamdam ko.

" Luis.." Hindi ako makapagsalita ng maayos hindi siya lumalaban " Tama na..wag niyo siyang saktan!" Sigaw ko


" Akala ko ba maangas ka Luis! Isang suntok lang tumba kana agad eh" pang-aasar nito.


"Traydor ka Haro hayop ka!" Agad na sinuntok ni Haro si Luis dumudugo na ang panga nito.

" Ako traydor?! Sino ba ang nang-iwan? Ako ba? Hindi ba't ikaw?!" Sigaw nito " Mas inuna mo pa ang lola mo kaysa sa amin!? Sa tingin mo sino ang bumuwag?! Ikaw!"

" Nung araw na iyon nasan ka? Ang sabi mo hindi mo iiwan ang kapatid ko? Pero ano ginawa mo ilang beses mo siyang pinaikot-ikot Kheirol!? Kitang-kita niya kung pa'no mo siya niloloko nung araw na iyon!" Naguguluhan ako sa nangyayari.

Whisper Of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon