W: SUICIDE
Sa bawat araw na lumipas 'palapit na din ng palapit ang Vocal Competition, I need to practice more, wala akong ibang ginawa nitong mga nakaraang araw kundi hasain ang boses ko.
Wala naman akong ibang gagawin kundi atupagin ito, mag mula nang huli namin na pag uusap ni kuya, bigla siyang naging ilap sakin.
Gusto ko mag tanong, may nagawa ba akong mali para layuan niya ako? Wala akong ibang nililihim sa kanya, kung tutuusin pakiramdam ko ako ang pinaglilihiman nila.
" Anak? Ok ka lang?" Napatigil ako sa pag sa pag iisip ng mapansin ni mama na malalim ang iniisip ko.
" Ok lang po ako' nakauwi napo ba si kuya?" Madalas na din siyang umuwi nang gabi, kadalasan pa uuwi dito puro galos ang kaliwang kamay.
" Hayaan mo na muna ang kuya mo, mamaya narito nadin yun" ngumiti lamang ako kahit na masama ang kutob ko.
Kahit sa pag pasok sa school hindi ko na sya nakakasabay, pilit kong inaalala lahat ng mga pangyayari noong huli kaming mag usap, ok pa naman kami noon diba?
Hindi rin ako makapag focus sa mga acads ko, napapagalitan na din ako ni Ms. Rose dahil mababa ako sa mga Quiz, minsan pa tatanungin ako hindi ko agad nasasagot dahil lumilipad kung saan ang utak ko.
Wala akong ibang nagawa kundi mag patuloy ng mag patuloy sa pag eensayo.
Mas ikatutuwa ni kuya pag nag tiyaga ako sa vocal, sya ang may gusto nito, at gusto kong patunayan iyon, kapag nag kita kami ni kuya tatanungin ko agad kong ano ba ang problema.
Nasasaktan ako sa sitwasyon namin, maging si mama ay masyadong kakaiba, minsan maitatanong ko na lang sa sarili ko, parte paba ako ng pamilya?
Kung nandito kaya si papa? Mahihirapan ba kami? Minsan napapahiling ako sana, ibalik yung panahon na buhay pa siya, na sana nakilala ko manlang siya, nakasama, pero wala eh, even if I wish to go back to the time when he is still alive , I know in myself that it will never happen.
Susuportahan din kaya nya ako tulad ni mama at kuya? Mag tatrabaho din kaya siya para saamin? Namimiss ko siya kahit hindi naman talaga kami nagkita, napakasakit para sakin.
" Practicing?" Napatingin ako sa pintuan ng music room, nakangiting pumasok sa loob si Luis at naupo sa huling upuan.
" Member ka ng dance club?" Pareho sila ng Lace ni Ellyse noong nakita ko siya na nagsisigaw dahil nakapasa siya.
" Oh this?" Pinakita pa nya sa akin ito " I was forced by her" hindi na ako mag tataka.
Nag patuloy ako sa sa pag warm up ng tone ko, naalala ko noon nag vo-voice drill ako sa banyo dahil mas magandang pakinggan boses ko dahil kuom, pag hindi naman tuwing nag huhugas ako.
" Pwede ko bang marinig ang boses mo?" Natigilan ako sa sinabi nito kaya humarap ako, nakaupo na ito at pinapanuod ang bawat galaw ko.
" Wala ba kayong practice?" Wala ang mga member ng dance club kanina nung mag klase kami, kasama na doon si Ellyse " Diba dapat kasama ka? " Tumawa lang ito sa sinabi ko.
" Tulad nga ng sinabi ko pinilit lang ako, hindi ko talaga gusto sumali don" walang gana nitong paliwanag, paano naman si Ellyse baka pumunta iyon dito, sabihin pang pinilit ko siyang mag 'stay dito edi away nanaman nakakagigil na yung bruhilya na iyon.

BINABASA MO ANG
Whisper Of Love
Fanfiction" Boring" I said, everything make's me boring and I hate it, I don't have any friend's that I can call ' Buddy ' because life is sucks and I don't like trusting anyone this day's. Maria Zaybelle is one of the scholar and ranked student of Montecillo...