Chapter 44

12 1 0
                                    

Maria Zaybelle POV

Naglalakad ako ng mag-isa pabalik sa Amin, pakiramdam ko buong pagkatao ko ang nawala. Hanggang ngayon nakikita ko padin sa utak ko kung paano siya bumitaw at nawala ng tuluyan sa paningin ko.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko na halos gusto ko nalang magpakalunod sa dagat. Bakit kailangan mangyari sa'kin 'to? Ang saya saya pa namin. Ang Daya naman ni lord sa'kin.

Napadako ang tingin ko sa bahay at kapansin-pansin ang apat na sasakyan g nakaparada sa labas. Tiningnan ko ang aking suot na dress. I wear this cause it's my birthday and I didn't even bother tell Jae that it's today.

" He finally gave me the most memorable gift" hinawakan ko ang bracelet sa braso ko at hinawakan 'yon ng mahigpit.

Binuksan ko ang gate namin at dumeretso sa pintuan, hinang hina akong naglalakad, feeling ko pasan ko ang buong mundo sa kalagayan ko, pati pagngiti ay hindi ko magawa.


" Bakit kailangan mong magpakita sa'min?! Bakit ngayon pa?!" Napaurong ako matapos marinig ang boses ni mama, hindi pa'ko tuluyang nakakapasok sa bahay ngunit sigawan agad ang bumungad sa'kin.


" Macy hinanap ko kayo, ilan taon akong naghanap at ngayon ito na" kaninong boses iyon at bakit hinanap niya kami?

Binuksan ko ang pintuan at halos mapaupo ako ng bumungad sa harapan ko ang mga lalaking nakasuot ng itim na damit, lahat ng baril nitong hawak ay nakatutok sa'kin.



"Anak?" Tumingin ako sa kinaroroonan ni mama, lahat sila gulat na makita ako.

" Are you..?" Kumunot naman ang noo ko sa lalaking nakatindig sa harapan ko, napansin ko pa na naluluha ito, wala akong panahon makipag-dramahan, pagod na ang puso't isip ko.


" Zai.." napatingin din ako kay kuya katabi niya si ate Cel na ngayo'y gulat din sa direksyon ko.


" What's happening here?" Naguguluhan ko silang tiningnan, napamasahe sa sintido si kuya matapos kong marinig ang hagulgol ni mama. Naglakad sa direksyon ko ang lalaki na nakapang-mayaman na suot, nagulat ako ng hinawakan nito ang magkabilang balikat ko.


" Anak.." para akong sinampal ng malaking alon matapos marinig ang sinabi nito sa'kin, pakiramdam ko nabunutan ako ng malaking tinik.


" I spend 16 years looking for you, for all of you.. and I can't believe what I'm seeing right now..ang laki laki mo na.." Saad nito, Wala akong maramdaman na kahit anong pag-iyak sa sitwasyon ko, naguguluhan ako sa pangyayari? Hindi ko maintindihan..


" Ma..anong sinasabi niya? Hindi ko siya maintindihan..ano na ba 'to? Palabas?" Tanong ko sa kanya " Ay wait oo ganito yung napapanuod ko sa k-drama eh, may film po ba kayo? Pasensya na hindi ako nakapaghanda eh.." ngiti ko ng pilit, kusa akong lumayo sa pagkakahawak nito at akmang lalakad na sana ng biglang nagsalita si mama


" He's your..father Maria Zaybelle.." father? Kailan ako nagkaroon ng tatay? Humarap ako muli sa kanila at nagtatakang tumingin.


" Nagbibiro kaba ma? Ma 'wag muna ngayon ano kasi pagod na pagod pa yung utak ko" dahilan ko " Hindi ko na ata kakayanin itong araw na 'to sa mga nangyayari eh"


" He's alive Zai, kahit kailan hindi namatay si papa" biglang singit ni kuya, naiiyak ito sa'kin at halos gusto ko nalang magpalamon sa lupa dahil sa ginagawa nila.


" I don't understand.." bakit ngayon pa..bakit kailangan ngayon pa? " So after many years..all this time my father..is freaking..alive?!" Hindi ko na napigilang tumaas ang boses matapos mapagtanto na ang tatay na matagal ko ng inaasam-asam na makasama ay buhay pala..


Whisper Of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon