Chapter 2

44 5 0
                                        

  

I packed my things and my books, Dali dali akong nag suot nang sapatos ko

" Haays! Bakit ba ngayon lang ako nagising" sinuklay ko ang long black hair ko at nilagyan nang hair pin sa may gilid nang tainga

Nag polbo pa ako at nag pabango diba muka na ulit akong tao


" Anim na buwan nalang Maria Zaybelle Anim na buwan!" Sigaw ko pag natapos na ito bakasyon na kami at makakapag pahinga na ako


2nd quarter palang kami at gusto ko nang matapos tong school year na to

" Hoy Tara na, nag imagine ka pa diyan, malalate na tayo!" Sigaw ni kuya, hinigit ko ang bag ko at tumakbo na pababa




"Ma alis na kami ni kuya!" Sigaw ko dito, kinuha ko ang baunan namin ni kuya at Dali daling lumabas

" Oh kuya baon mo" binigay ko sa kanya yung lunch box na kulay blue, kulay pink kasi sakin

" Sayo muna yan, pupunta nalang ako sa room nyo" binalik nya ito sakin, nginisihan ko naman ito

" Ikaw kuya hah napapansin na kita napapadalas na ang pagpunta mo sakin" pang aasar ko dito " Ako ba talaga dinadayo mo o yung katabi naming room?" Pang aasar ko dito malimit ko kasi si kuya mapansin na may sinusulyapan sa kabilang room katapat lang nang room namin ang  Room nang Grade 11 Students halos magkakahilera na ang mga ito hanggang grade 12 except sa room nila kuya na pinagbagsakan ng lupa,  nasa 4th Floor kasi sila kami 3rd Floor

" Shut up Zai " sabat nito at naglakad nang mabilis

" Hoy kuya ikaw ah! Sino dinadayo mo dun! Sino!" Pang aasar ko dito pero ambilis nya

Nang makarating kami sa school halos nandon narin ang mga seniors lumiko na si kuya at naiwan naman ako


Pumasok nako sa room at pagkapasok na pagkapasok mo makikita mo agad ang grupo grupo nila


" Hoy nabalitaan nyo ba yung naaksidente? Balita ko anak daw yun nang mayaman ah!" Rinig kong bulungan nang mga kaklase ko

" Kaya nga eh Sabi ni mama kahit itong lupang pinagtatayuan nang Montecillo High kaya nilang bilhin" tuloy tuloy nilang banggit

" Ang alam ko hindi taga rito yun, taga Manila daw, grabe no" Hindi kaya yun yung nabalitaan nila mama

Hindi ko nalang pinansin ang mga bulong bulungan at naghintay nalang na magsimulan ang klase



"Ok let's proceed to our lesson " hinanda ko na ang notebook ko pati narin ang ballpen, mahilig ako mag sulat nang mahahalaga para may reviewer sa exam at quizzes



Nakatingin lang ako Kay Ms. Rufa our English Teacher, nagsusulat sya sa board nang dumating si Luis, malapit na mag recess at eto sya late

" Mr. Kheirol Luis why are you late?" Tanong nito dito pero tahimik lang ito at sinuot ang headset nya, talagang nagbago na sya


Hindi sya ganyan noong first year kami, magmula nang mamatay ang Lola nya ang dating Head Mistress nang Montecillo High, Mrs Violeta Montecillo nag bago na sya, napapasama na sya sa mga bullies, malimit mapatawag sa faculty room, andami na nga nyang record pero nadadamay lang sya, palaging late pero nasa rank parin, sya ang rank 1 kahit ganyan sya hindi ko sya matalo


" Mr. Kheirol Luis I understand your situation but please your still a student of this school" tiningnan nya lang si Mr. Rufa at nagsimula nang mag sulat


Napabuntong hininga na lang ako, crush ko parin naman sya


Nang matapos ang discussion ay binigay samin Isa Isa ni ma'am ang quizzes namin sa English at halos

" I only got 56 score out of 60" halos nasapok ko ang ulo ko, Maria Zaybelle apat nalang minali mo pa

" Wag mong hampasin ulo mo" napatingin ako sa likudan ko at nakita ko si Luis na nakitingin sakin nang seryoso " atleast nakapasa ka" Saad nito napalunok tuloy ako


Humarap na ako sa papel ko hanep may batas din talaga sya minsan nasa unahan minsan hulihan ngayon sa likudan ko astig no

Nang mag bell Dali Dali akong tumayo at lumabas Ng room nakasulubong ko pa si kuya na tutok na tutok sa libro


" Kuya!" Halos mabitawan nya yung libro nya nung sumigaw ako

" Kailan kaba magsasalita nang Hindi sumisigaw, kung may sakit ako sa puso kanina pako namatay" Saad nito umakto pa na gulat na gulat



" Ang o.a mo sa sobrang galing mo umakting pasado ka nang aktok" asar ko dito


" Ano yang binasa mo" pinakita naman nya sakin, halos lumuwa ang utak ko nang mapagtanto ito


" Probability and statistics? Ah hehe yan pala yun" ngiti ko dito, ginaya naman nito yung sinabi ko



" Dali no ang Dali" pang aasar nito sakin

" Kapal nang face porket magaling ka sa math eh, torpe naman sa crush nya" sigaw ko agad naman nyang tinakpan yung bibig ko



" Oh bakit totoo naman ah!" Bulyaw ko dito agad naman nitong nilagyan nang tinapay bibig ko


" Yan ang ginagawa sa mga taong napakadaldal na katulad mo" napasimangot naman ako at nginuya nguya yung nilagay nya sa bibig ko


" Tsee bala kana nga diyan, Kunin mo mag isa yung lunch box mo sa room" pambawi ko dito pero Hindi gumana bala sya diyan


Naglakad lakad ako pababa, Hanggang sa madaan ko na ang hallway papunta sa library

Nang makapasok ako binaba ko ang mga gamit ko at naupo nag hanap pa ako nang book sa history 10 para mamaya nang may mahanap ako ay naupo nako


Pag tumitig ka sa library gugustuhin mong tumira dito, kung book lover ka Hindi ako magdadalawang isip na itakas to except sa math book hehe



Napansin ko yung Isang lalake sa dulo nang table 4 nakaupo lang ito at tulala napakalalim nang iniisip

Nang mapansin kong wala itong Kasama lumapit ako, Hindi naman ako makikipagkaibigan makikichismis lang


" Woi" kulbit ko dito pero tiningnan lang ako nito " are you okay?" Tanong ko dito nag English nako mukang foreigner eh

" Who are you?" Ayan Sabi ko na nga ba mukang transfer sya dito, inilahad ko naman ang kamay ko




" I'm Maria Zaybelle Alarcon, Zai nalang kung gusto mo" tiningnan lang ako nito at mukang problemado




Sa sobrang ngalay ko binaba ko nalang kamay ko, naupo ako sa gilid nito at doon nag basa, panay nang tingin ito saakin na animo nagtataka kung bakit ako tumabi sa kanya



" Wala ka kasing kasama kaya tumabi ako, ok lang naman siguro yun sayo no?" Tanong ko dito tumango lang ito

Tahimik lang ito at napakalalim parin nang iniisip

" Nag transfer kaba dito sa Montecillo High?" Pagtatanong ko ulit " o scholar karin tulad ko?" Tiningnan lang ako nito at



" Me? Ah no, Mrs Cedvhil she's one of the --"sasabihin na sana nito ngunit itigil nya

" She's ahm- my father's schoolmate yeah bumisita lang kami, bakasyon namin " Saad nito tumango tumango naman ako


Nang marinig ko ang bell dahil tapos na Ang recess inayos ko na ang mga gamit ko at dinala ang libro, nagpaalam ako sa librarian na hihiramin ko muna ito


" Paano ba yan, nice meeting you--" nang mapagtanto na Hindi pa sya nagpapakilala, tumayo ito at inilahad ang kanyang kamay

" I'm Jae" Saad nito, nakipag shake hands nalang ako

" Nice meeting you Jae,  I have to go na see you again!" Sabi ko dito

Jae huh nice name


_________________________________________



Whisper Of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon