" Two Chocolate cupcake Ms" mas pinili kong dumeretso ngayon sa bakery shop pakiramdam ko dapat ko munang iwasan si Jae.
" Ms?" Napatingin ako sa counter hindi ko pa nga pala naiibibigay ang order niya " Lumilipad ata sa kung saan ang isip mo mag focus ka sa work mo" masungit na saad nito napabuntong hininga na lang ako.
" Pasensya na po" nakarecieve ako ng text kay mama na hindi muna siya makakauwi ngayong linggo dahil may inaasikaso siya.
Kailan ba sya walang inasikaso, kahit naman tanungin ko hindi niya sasabihin.
Kinuha ko na lamang ang sketch notebook ko at gumuhit, masyado akong baging busy kaya't pati pag guhit ay napabayaan ko na.
Wala namang masyadong costumer, malapit ng lumubog ang araw.
Ngayon ko lang napagtanto na nasanay akong palaging kasama si Jae, ilang beses na nga ba kaming muntik mapahamak ng dahil sakin, para siyang hero bigla nalang susulpot kahit hindi mo tawagin.
Tinitigan ko ang dagat sa harapan ng bakery shop, dito kami unang naging close ni Jae, kung paanong tinanong ko kung anong problema niya, unang pag libre ko sa hindi ko kilala, ang kapal din pala talaga ng muka ko.
At syempre una ko ding naging kaibigan, sya lang din ang una kong dinaldal ng bonggang bongga akala niya panga lalasunin ko siya sa libre ko -eh ang sarap ng fish ball.
Tinitigan ko ang iginuhit kong larawan napangiti ako.
" It's you again.." bulong ko " Hanggang pag guhit ko ikaw parin ang naiisip ko.." naibaba ko ang sketch notebook ko at napabuntong hininga, hindi ko alam kung bakit ang bigat bigat ng pakiramdam ko.
" Bakit parang gusto kong magalit siya kasi kapartner ko si Luis.." kahit hindi ko aminin nag hahangad pa ako ng malala nung gabing magkasama kami, may kung anong hinayang akong naramdaman noong hinayaan niya lang ako.
" Sino yan?" Napabalikwas ako sa pagkakaupo ng sumulpot si Kuya sa harapan ko.. at kasama pa si Ate Zairle.
" Wala yan.." itinago ko na ang sketch notebook ko sa bag baka bigyan niya pa ako ng issue eh.
Napansin ko ang pag kunot ng noo ni ate Zairle sa iginuhit ko maging si Kuya ngunit kalaunan ay nawala din.
" Boyfriend mo?" Tanong ni Ate Zairle at naupo sa tabi ko " Hindi bored lang ako wala akong magawa eh.." ngiti ko
" Bored ka.. igawa mo ako ng Thesis" nanlalaki ang mata kong napatingin kay Kuya " Thesis mo muka mo!" Sigaw ko dito
"Napadaan kayo dito?" Ngayon lang niya dinala si ate Zairle dito.
" Gusto daw ng peace of mind nyang isa dyan kaya dinala ko dito" napatingin ako kay ate Zairle antahimik niya ngayon.
" Nasan ang Peace of mind sa lugar na ito?" Sagot ko sa kanya minsan may sapak din si kuya, di sana dinala manlang niya si ate Zairle sa garden or sa tabi ng dagat.
" I don't know what to do anymore..." Bulong nito " Mababaliw na ata ako.."napatingin ako kay ate Zairle, she looks really problematic.
" Bakit kasi hindi ka magkwento samin.. mapagkakatiwalaan naman kami" saad ni kuya at nagpatong ng cookies pinandilitan ko ito ng tingin " Oo babayaran ko sungit"
" Bakit ba nag e-exist pa ang mga De Guzman" inis nitong sabi " Hindi sa hinihiling kong mamatay na sila pero parang ganon na nga" ramdam ko ang problema nito sa paraan palang ng pagsasalita niya.

BINABASA MO ANG
Whisper Of Love
Fanfiction" Boring" I said, everything make's me boring and I hate it, I don't have any friend's that I can call ' Buddy ' because life is sucks and I don't like trusting anyone this day's. Maria Zaybelle is one of the scholar and ranked student of Montecillo...