What a great day to start! Bumangon ako sa aking kama at binuksan ang bintana, napatingin ako sa mga halaman ko na nasisikatan na nang araw
"Zai!" Sigaw ni kuya sakin, agad naman ako napatakbo, madadali nanaman ako nito
Kinuha ko agad ang tuwalya na nakasabit sa upuan ko at agad na pinusod ang buhok ko, sumilip pa ako sa salamin at woah
" Muka akong pulubi hanep!" Inamoy ko pa ang damit ko at halos mapatakip ako sa sarili ko dahil ang asim ko
Dali Dali akong bumaba, nakaabang na si kuya hawak hawak ang remote sa sala
" Magluto ka na daw sabi ni mama" simangot nito, lumapit naman ako dito aba gusto ko maupo eh
" Zai! Ano bayan ang asim! Maligo kana nga!" Sigaw nito nang paupo na ako, Hindi panga lumalapat yung pwet ko tinulak tulak nako
" Hoy! Ang arte paamoy nga!" Inamoy amoy ko pa ito kunwari " Kala mo naman ang bango bango eh halos dalawang beses ka nga lang maligo sa isang linggo!" Bulyaw ko dito
Agad namn nitong binatikal yung remote sakin na agad ding nasambot ko
"Zai alam mo maligo kana, gutom na gutom na ako maawa ka sakin" nag paawa effect pa ito na akala mo nakakaawa
" Heh kuya tumayo ka diyan wag kang tamad!" Asar ko dito at dumeretso sa cr
Pagtapos kong magpalit nakita ko si mama na nasa labas at nagdidilig ng mga halaman
" Maa! Good morning!" Sigaw ko dito at tumakbo papunta sa kanya na parang 6yrs old
" Zai anak, ay bata ka!" Tinawanan ko ito dahil nagulat ito sa biglang pagsigaw ko, tinawanan naman ako nito at ginulo ang buhok ko
" Tara na sa loob ma kakain na nagluto na si Kuyaa!" Sigaw ko para marinig ni kuya sa loob, natawa naman ako dahil sumigaw si kuya na ang tamad tamad ko daw na anak at siya pa daw ang pinag aasikaso ko
Maliit lang ang bahay namin, Hindi katulad nang mga mayayaman, kung titingnan mo ito napakaordinaryo lang may itaas din at sakto lang para saaming lahat, pag lumabas ka naman ay napapalibutan nang mga bulaklak ang aming paligid, pag lumabas ka pa sa bakuran ay matatanaw mo ang dagat sa bandang ibaba diba ang sosyal
"Ma ako na niyan pasok na kayo sa loob" inagaw ko ang regadera Kay mama
" Pumasok ka narin at kumain zai" pangungulit nito sakin pero sa huli naiwan ako mag isa
Kumuha ako nang mga halaman at inayos ang mga paso, ang mga nalalantang mga dahon ay inalis ko
Sa buong buhay ko dito, Hindi ako nagkaroon nang mga malalapit na kaibigan, at ayos lang din sakin, kuya and mama is enough for me
Being alone is literally not boring sa totoo lang kapag may kasama naman ako tsaka ako nabobored Hindi ko rin maintindihan sarili ko
Kaya kapag may naririnig ako na nagsasabi na ang panget daw nang buhay kung wala kang kaibigan I guess it's not, imagine having someone na sobrang mong pinakatiwalaan tapos malalaman mong pinaplastik ka, tapos mag sisiraan kayo, dati kayong magkakasama pero ngayon dinadaan daanan kalang, that's why I choose to be alone, I don't want to socialize with anyone, I'd rather be alone until I graduate

BINABASA MO ANG
Whisper Of Love
Fanfiction" Boring" I said, everything make's me boring and I hate it, I don't have any friend's that I can call ' Buddy ' because life is sucks and I don't like trusting anyone this day's. Maria Zaybelle is one of the scholar and ranked student of Montecillo...