I keep on running but I feel like there's no end on this place, I don't know what's going on, I'm starting to get scared.
" Jae?" He's here with me, I know he's here " Jae where are you?" I keep on shouting his name but his nowhere to be found.
" Mama? Kuyaaa?" Napakapit ako sa tuhod ko, bakit wala sila nasan ang mga tao.
Pakiramdam ko hinihigop ako pailalim, patuloy ako sa pagtakbo gusto ko ng umalis sa lugar na ito.
" Jae? Please magpakita kana!" Sigaw ko kanina pa ako tumatakbo ngunit tanging dilim ang naaaninag ko.
Nagulat ako sa liwanag sa harapan ko, dali dali kong tinahak ang lugar na iyon ngunit kinakapos na ako ng hininga.
Pakiramdam ko hindi ko na mararating pa ang hangganan ng liwanag na iyon, napatingin ako sa paligid, ngayon ko lang napagtanto na nasa gubat ako.
Napakaraming patay na puno, sira ang mga bahay, walang katao tao halos lanta na ang mga halaman papunta na ito sa pagkasira.
" Where am I?" Napaupo ako sa damuhan, napahawak ako sa tuhod ko sa sobrang takot, nag iisa ako.
" Belle!" Napalingon ako sa likuran ko ng marinig ang pamilya na boses.
" Jae?" Bulong ko agad akong tumayo at pinuntahan ang direksyon kung saan ko narinig ang boses niya " Jae nandito ako" kahit hinihingal ay patuloy ako sa pagtakbo.
" Bellee!" Patuloy ito sa pagsigaw nandito siya hindi niya ako iniwan, binilisan ko ang pagtakbo ngunit bigla nalang ito tumigil.
Natigilan ako " Ano 'to" napatingin ako sa paanan ko puro buhangin.
" Belle" agad akong napaharap nakita ko si Jae na nakatungo sa harapan ko, sobrang dumi ng damit nito.
" Jae nandito na ako, hindi mo ako iniwan" lalapit na sana ako sa tabi nito ngunit lumayo ito sakin.
Nagtataka ko itong tiningnan ng itaas niya ang muka niya ay napaatras ako.
" Jae...what.. happened to you?." Nakatingin lamang sakin si Jae ang kanyang mga mata ay nag kulay itim na, napakapit ako sa damit ko tumingin ako sa paligid ngunit ang alon na nagmumula sa dagat ang naririnig ko.
" I'm here Belle" ngiti nito sakin may inilabas itong bulaklak, itim na rosas " I'm sorry for leaving you" aktong lalapit ito sakin ngunit lalo akong napaatras.
" Why are you scared of me?" Ngiti nito sakin panay ako ng iling hindi ikaw yan.
" Hindi ikaw ang kaibigan ko lumayo ka" tinawanan lamang ako nito napahawak ako sa tainga ko dahil sa lakas ng boses niya, sa sobrang takot ay nagsimula nakong tumakbo walang tigil ang pagtakbo ko.
Nakita ko ang mga taong nasa paligid ko, ngunit nakakatakot ang kanilang mga muka lahat ito nakangiti sakin na animo tuwang tuwa sa aking ginagawa.
" Parang awa nyo na lubayan nyo ako" napaupo ako sa takot tinakpan ko ang tainga ko, wala akong kasama, nag iisa lang ako, iniwan nila ako.
" Parang awa nyo na tama na" nakaramdam ako ng pag uyog sa akin, naririnig ko ang boses ni kuya unti unting nag liwanag ang paligid.
"Maria Zaybelle gumising ka!" Naging maliwanag ang paligid, nakita ko si kuyang nag aalala sa gilid ko " Nananaginip ka" tuloy tuloy na umagos ang luha ko sa muka ko.

BINABASA MO ANG
Whisper Of Love
Hayran Kurgu" Boring" I said, everything make's me boring and I hate it, I don't have any friend's that I can call ' Buddy ' because life is sucks and I don't like trusting anyone this day's. Maria Zaybelle is one of the scholar and ranked student of Montecillo...