Chapter 22

20 2 0
                                        

"You what!" Napatakip ako sa tainga ko sa lakas ng boses ni kuya " Why did you do that?!"



" What? Nothing bad happened" it's not like I shaved her hair or something.




" Pero hindi mo dapat ginawa yun" Mariin kong binagsak ang baso at tinitigan siya.



" You're the one who told me to fight back" pasalamat nga siya hindi ko siya tinuluyan baka umuwi siya ng sira sira ang uniform.



" Oo sinabi ko pero-" hinarangan ko ang bibig nito para hindi na makakuda pa ang ingay eh.




" I can protect myself kuya there's nothing to worry about" at iniwan siya sa Sala.




Nahiga ako sa kama ko I don't know why I feel empty and drained today. Kinuha ko ang phone ko at nag scroll sa Facebook.. wala namang ganap puro sharedpost ng mga abnormal kong kaklase ang nakikita ko.





Inis kong pinatong ang phone ko sa mesa, bakit ba ako ganito pakiramdam ko may kulang.




" Nasan kana ba?" Napatingin ako sa bintana namimiss ko na siya, balik kana promise hindi nako magagalit pag umakyat ka sa bintana.





Kinuha ko na lamang ang libro ko at nagbasa, pero kahit anong gawin ko hindi ako makapag focus.




" What the hell is happening to me" I feel exhausted damn it.






Sa sobrang irita ko sa sarili ko nahiga na lang ako hanggang sa nakatulog na ng tuluyan.






"Zai let's go!" Kinuha ko ang lunchbox namin at lumabas hindi ko akalaing mala-late ako ng gising.





" What time is it?" Hindi na sumagot si kuya kaya naman dali dali nakong naglakad.




Pwede naman kasing sampalin ako or itulak sa kama para magising hinintay pa ako parang adik.





" Ano bang ginawa mo kagabi at late ka!" Sigaw nito.





" Nag aral" iwas ko ng tingin "Angat ka din bakit mo ako hinintay pwede ka naman mauna tamad ka lang mag asikaso!" Kuda ko daming satsat neto eh.





Pagkadating namin sa tapat ng gate sarado na ito nag uuli na rin ang mga guards.




"What now" bulong ni kuya sumilip ako sa may kaunting halaman, muntik pa akong ma-hatching, inis ko itong inilayo sa muka ko " Umayos ka nga kuya " tinulak ko ito sa likuran ko dahil nagkakaroon na ng dahon ang ulo ko kakatulak niya.





" Pag ako na higad dito kuya iuumpog ko talaga ulo mo dyan sa gate" napakapit naman ito sa bag niya.




"Siguro umakyat nalang tayo sa gate mukang aakyat sila sa College department hindi tayo makikita" suhestiyon ko.




" Ang ganda ng suhestiyon mo" Saad ni kuya " Faculty Room ang bagsak natin" isnab nito sakin.





" Umakyat ka nalang kasi kuya dami mo satsat eh" aakyat na sana ako ng may tumawag sa pangalan ko halos magtago na ako sa halaman sa gulat.




" Zaybelle what are you doing?" Napatayo ako ng mapagtantong si Luis iyon, ganitong sitwasyon pa niya talaga kami naabutan.





" Ah ano tiningnan ko lang yung halaman ang ganda kase diba kuya HA!HA!" siko ko kay kuya pero inirapan ako nito lalo.



Whisper Of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon