Chapter 39

4 1 0
                                    

" Nugagawen natin?" Nakaupo lang ako sa lamesa na mahaba dito sa labas ng auditorium, nakataas pa ang mga paa ko " Ano dito lang talaga tayo?" Nakaupo sa damuhan si ate Zairle.

" Bakit gusto mo ba puntahan yung anak ng mayor?" Nakita ko pa na tumaas ang kilay ni kuya palibhasa hindi niya matanggap na mas gwapo sa kanya yung anak nung mayor.

" Hindi mo lang talaga tanggap kuya" ang sarap nila asarin, alam ko naman na sila na eh hindi lang umaamin " Yung totoo ano meron sainyo?" Kita kong umiwas ng tingin yung dalawa, ts damot ayaw mamahagi ng chika.

Iniisip ko padin hanggang ngayon yung sinabi ni Jae, bakit nga ba ako pumayag grabeng kahihiyan na talaga ang ginawa ko sa buhay ko.

"Ikaw Zai may gagawin ka ba this weekend?" Ngayon weekend yung date namin eh ay naks kakilig naman

" Oo kuya eh hehe" dapat naba ako magtatalon dito at ipakita na kinikilig ako, ay hindi bawal pala.

" Tara date tayo Cel gusto mo?" Wow makaakit may pera ka kuya may pera " Sama nalang natin si Zai para naman may tagabit-"

" 'wag na kuya hindi na kailangan, gagawin niyo lang ako thirdweel" pinagpagpag ko ang palda ko.

" Bahala kayo lablayp niyo 'yan, sibat na'ko"

Buhay nila 'yan, hindi ko kailangan maki-esyoso sa labidabi nila, may kailangan akong unahin syempre si ano hehe.

_________________

Nagsuot ako ng pink dress, sakto lang ang haba nito, may konting mga flowers siya sa palda.

" May pupuntahan ka?" Natigilan ako sa pag aayos ng buhok ko ng makita si mama, nakaharap kasi ako sa salamin kaya natural kita ko talaga .

" Parang may date ang anak ko ha, sino 'yan" nakangisi pa ito na animo natutuwa sa nakikita niya, eh kahit naman ako napapangiti sa ginagawa ko eh.

"Mamasyal lang kami ni-" sasabihin ko ba? Nabanggit ko na siya noon.

" Hindi mo na kailangan sabihin, huwag kang magpapagabi Maria Zaybelle" napangiti ako, makikipag-date lang naman ako sa multo ma para alam mo.

" Dito ka maupo ka, ako magpupuyod sa buhok mo" kinuha ko ang suklay at tumingin sa salamin " Nakuha mo ang mga mata ng papa mo"

" Talaga ma?" Hindi ko naman kasi alam ang muk'a niya, kahit picture nga wala eh " Ma kahit ba picture wala ka naitabi?" Natigilan siya sa pag aayos ng buhok ko " Hindi ko man lang alam ang muk'a niya, kahit birthday niya hindi ko alam, wala kayo nai-kwento sa'kin, may tinatago ba kayo? Kayo ni kuya" Hindi na niya inaayos ang buhok ko, napahigpit ang kapit ko sa upuan.

Silent means yes nga naman.

" Ano- una na siguro ako ma, hindi ako magpapagabi" kinuha ko na ang mga gamit ko, ganito nalang lagi ang reaksyon nila sa'kin, anak ba nila ako?

" Ang papa mo-" bigla siyang nagsalita bago pa'ko makalabas ng pintuan " Bigyan mo muna ako ng tamang panah-"

" Hindi na po kailangan" ngumiti nalang ako bago umalis, ilang taon na kaming magkakasama pero pakiramdam ko hindi ako parte ng pamilya.

________

Gusto ko matawa kasi omg ang effort niya pala, lumulubo yung puso ko please help " Ang cute naman " nandito kami sa Mercedes or sabihin na natin sa paborito namin na tagpuan.

" Nagustuhan mo ba? Kulang pa nga 'yan eh" nag pout pa ito, nanggigil ako pigilan niyo ako yayakapin ko 'to.

" Oo naman, ano kaba" gusto ko tumawa sa itsura niya, halatang naiilang kasi siya " Dito ka tabi tayo" inayos ko ang palda ko bago maupo.

Date naman talaga 'to di'ba? Syempreee date 'to 'wag niyo na sirain imagination ko please.

" How's school?" Tanong niya, natutuwa ako sa mga paro-paro dito, bumukadkad na kasi ulit ang mga bulaklak

" Ayon nakita ko na naman mga bruhiya ko na kaklase tapos kahapon alam mo ba naka-perfect ako sa quiz 1 to 50 'yon " tuwang tuwa ko na sabi " Naalala ko din tuwing dadaan ako sa canteen para silang nakakita ng multo, nagkukusa na silang lumayo" nakatingin lang siya sa'kin habang nagke-kwento.

" Talaga ba? Nakakatakot ka daw kasi" eh totoo naman matakot na sila sa'kin dahil anytime pwede ko sila kalbuhin.

" Aba eh dapat lang, pagtapos nung mga ginawa nila sa'kin, hindi ko sila ginagantihan ha ayaw ko lang na ginaganon-ganon nila ako" kasi naman lagi nalang nila ako ginaganon eh hindi naman ako kaganon-ganon kaya ginanon ko sila para same kaming nang ganon di'ba.

" Hindi kita hahadlangan" ngiti niya " Basta sa tama Belle, gawin sa tama" saad nito may kinuha sya sa bulsa niya pero agad niya din ibinalik.

" What if bigla ako mawala..ngayon sa harap mo?" Ano ba naman klaseng tanong 'yan.

" Hindi ako papayag" kahit anong sabihin niya d'yan hindi ako papayag.

" Belle I'm doing this for you" para sa'kin? Sapat na siya para sa'kin kaya tigilan na niya 'yan.

"Kung gusto mo bumawi, manatili ka dito.." Saad ko " sa tabi ko" hindi na'ko papayag na mangyari ulit 'yon, nagkamali ako noon kaya bumabawi ako.

" Hindi kaba natatakot sakin?.." parang ano talaga ano ba dapat reaksyon ko ngayon natatakot?

" Jae kahit manananggal kapa, tikbalang, zombie, pugot ang ulo walang paa, may kapansanan .. wala akong pake alam" umawang ang bibig nito na parang hindi pa makapaniwala sa mga sinabi ko.

" Ano sige ano pa tanong mo at sasagutin ko" napangiti ito, 'yan tama 'yan ngumiti ka gusto ko talaga panuorin mga ngiti mo. May tama na'ko sa bestfriend ko at wala akong planong umamin.

" Kung dumating man ang araw..na tuluyan na'kong nawala sa tabi mo.." Saad niya habang nakatingin sa mga ulap " Huwag na huwang mong sisisihin ang sarili mo" bawat salitang lumalabas sa bibig niya, sobrang sakit pakinggan.

Ngumiti ako sa kanya ng alanganin, sobrang dami ng nagaganap sa buhay ko hindi ko na alam kung ano pa susunod, mamatay nadin ba ako? Malabo.

" Kapag na-miss mo ako tingin ka lang sa langit tapos sigaw mo pangalan ko ha" parang gusto ko umiyak.

" Teka nga ano ba 'to pamamaalam? Kaya mo ba ako inakit sa ganto para sabihin 'yan?" Gusto ko siya sakalin nitong tela na inuupuan namin.

" Give me your hand" taka akong tumingin sa kanya, nagulat ako ng nilabas niya yung bracelet na nahulog niya dati " Before I leave wear this" Saad niya " After that I'll tell you my name, my true name"

" I know you finally met him" met who? " The guide spirit who use black magic" bigla akong kinabahan akala ko..akala ko ako lang ang nakakakita sa kanya.

" You know him?" So all this time he's also a ghost like him not just ordinary ghost I guess.

" Tulad ni guardian mataas ang katungkulan nilang dalawa, hindi ko nagawang sabihin 'to sa'yo dahil baka matakot ka" now I understand, kung bakit niya ako pinapalayo kung bakit niya ako pinapapili.

" I met him before the grand ball, now I understand why I felt dizzy that time  , he used some black magic.. sobrang dilim ang dilim dilim ng paligid" tandang tanda ko ang panahon na 'yon.

" Bakit niya ginagawa 'yon? may atraso kaba? May kasalanan kaba?"

" Masyadong malalim kung ipapaliwanag ko Belle, pangalawa hindi mo mauunawaan" pakiramdam ko hindi ko parin talaga siya kilala

Napatingin ako sa bracelet na gawa ko napaganda nito, parang alahas na mamahalin nga eh.

Montemayor

" Just keep it, it's a goodbye gift" kumikinang ito tuwing nasisikatan ng araw, tinago ko ito sa bag ko at ngumiti sa kanya kahit ang totoo ayaw ko pumayag.

" If the time come's  and you don't  have other choice but to leave " lumapit ako sa kanya " always remember that you'll always be part of me Jae" he's looking at me in pain

" Always and forever "

Whisper Of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon