Chapter 18

18 2 0
                                    

" Hollow St." Basa ko sa posteng nakatayo sa harapan ko, ito rin ang huling streetlight na nadaanan ko " Nasan na yung asungot naiyon?"




Madilim sa parte na ito, kapansin pansin din ang naglalakihang mga puno, naupo ako sa gilid ng poste at naghintay, wala naman sigurong aswang dito.





" Hija?"

" Ay pwet ng kabayo!" Napaupo ako sa lupa sa gulat ng marinig ang boses ng matandang nakatinding sa gilid ko, pinagmasdan ko ito ng maayos, marumi ang damit nito, may dala dala itong sako



" Naku pasensya napo, may kailangan po ba kayo Lolo?" Pinagmasdan lamang ako nito, gusto kong mailang sa paraan ng kanyang pagtitig " Lo?"




" Anong ginagawa mo dito Hija?" Tanong nito tumingin ito sa magkabilang kagubatan.



" Ah ano po, hinihintay kopo ang kaibigan ko" ngiti ko dito, nasan naba si Jae.



" Hija mabuti pa mauwi kana" tinataboy ako nito paalis, naguluhan ako sa inaakto nito pero nanatili ako sa pwesto ko.




" Naku may hinihintay po kasi ako lo pasensya napo" nagulat ako ng kinapitan nito ang kamay ko.





" Hija kung tama ang pagkakarinig ko sa iyong tinuran may kaibigan kabang nakatira sa lugar na ito?" Tumango ako dito, natatakot ako sa inaasta niya.




" Kung ganon ako na ang mag sasabi sayo hindi tayo ang kaibigan mo" natigilan ako sa sinabi niya.



" Po? Ano pong ibig niyong sabihin na hindi tao ang kaibigan ko?" Kinuha nito ang sakong dala dala niya at naglakad pa kayo.




" Umalis kana sa lugar na ito, walang namamalagi sa lugar na ito Hija" nagsimulang mangatog ang tuhod ko sa sinabi nito " Umalis kana!" Dahan dahan akong napaatras.






Napatingin ako sa paligid ko, sinalubong ako ng malakas na hangin na nagpatindig sa balahibo ko, nawala na ang matandang kanina ay kausap ko, nag simula akong tumakbo, sobrang bilis ng itinakbo ko ngunit naguluhan na ako sa lugar.




" Dumaan na ako dito kanina" bulong ko tumakbo ulit ako, takbo ako ng takbo pero sa sobrang hingal ay napaupo ako, napatingin ako sa paligid ko nandito parin ako sa Hollow St.




Napayuko ako sa pagod, bakit hindi ako makaalis?






" Belle?" I frozed when I hear someone calling my name napatingin ako sa lalaking nakatindig sa harapan ko.






" Bakit ang putla mo? May nangyari ba?" Dali dali akong yumakap dito, natatakot ako.





" Belle what happened? Tell me?" Hinarap nito ang mukha ko.





" May... matanda kanina dito" ang bilis niyang nawala " Ang sabi niya umalis na ako, hindi ko matandaan ang huli niyang sinabi pero ang alam ko patungkol saiyo" kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.




"  Don't me him, let's go" inakay ako nito, napatingin ako sa paligid nakaalis kami sa lugar na iyon, napatingin tuloy ako kay Jae, may hiwaga ba tong lugar na ito, ilang beses akong nagpabalik balik dito.






Napatingin ako sa malaking bahay na nasa malayo, napapaligiran ito ng nagtataasang puno ng Acasia, nag tataasan din ang mga damo nito na para bang napabayaan na.






" Are you sure this is you house?" Bumalik ang kaba na nararamdaman ko kanina, napakapit tuloy ako ng mahigpit sa laylayan ng damit niya.





Whisper Of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon