" Ma ayaw ko niyan!" sobrang sama ng tingin ko sa pinakita sakin ni mama na dress, it's red long dress, fitted sya pag dating sa bewang tapos kita din ang dibdib ko at balikat
" Ano kaba ang ganda niyan oh! Pak!" Napaismid ako, minsan hindi ko alam kung may alam din ba si mama sa fashion
" Ma vocal competition sinalihan ko hindi pageant" natatawa kong sabi, nandito kami ngayon sa bayan, nag hanap agad si mama ng malapit na boutique na pwede mabilihin ng mga long gown na pwede i-hire, talagang suportado niya ako
" Ito!" Napatingin ako sa kinuha ni mama na yellow fitted long gown, ' simple lamang ang design at ang nagpapaganda lalo ay ang makikintab na nakapalibot sa bandang ibaba
Napansin ni mama ang titig ko sa dress kaya't pinasukat nito ito sa akin, natatawa akong pumasok sa dressing room at sinukat ito
" Perfect" ngiti ko ng makita ang sarili ko ba suot ito, hindi ko kailangan ng mamahaling gown maging ng mga alahas para magmukang elegante sa araw na iyon
Nang lumabas ako at ipinakita kay mama ay ngumiti ito
" Ano final na ba yan anak? Pasok na yan sa Disney!" Muli nitong
" Walang ng balikan this ma! Final na!" Tuwang tuwa ako habang hawak ang damit na nabili ko, ngayon na lang ulit ako na kabili ng damit, hindi man sya brand-new atleast may masusuot na ako.
" Ma magkano ito?" Hindi ko pala na tingnan ang presyo nito kanina, hindi ako nito pinansin at dere-deretso na pumunta sa kabilang bilihan.
Napabuntong hininga na lamang ako, babawi ako kay mama kapag lumakas ang kita ng mga halaman ko.
Tinulungan ko ito na mamili ng mga kakailanganin sa Bakery, kulang na kasi kami ng All purpose flour maging sa bread flour at cornstarch maigi na yung pasigurado.
Tuloy tuloy lamang ang pamimili namin ng may tumawag kay mama, Dali Dali naman niya itong sinagot, agad ako na napatingin dito at kita rito ang pag iba ng kanyang ekspresyon.
" Anak dadalhin ko na ito mauna kana sa bahay huh" ngumiti ito sakin, tatanungin ko pa sana kung saan ito pupunta pero tuloy tuloy na itong lumabas ' naiwan akong mag isang nakatayo
" Ingat ma" bulong ko
Wala akong ibang nagawa kundi umuwi, natatakot naman akong mag stay doon, mamaya ikidnap pa ako, edi ang swerte ng mga kidnapper ngayon.
Ipinatong ko ang dress na nabili ko sa mesa at napangiti
" Oh pak!" Tuwang tuwa ako ng makita muli ang sarili sa salamin, inilugay ko ang mahaba kong buhok at ngumiti.
Ibinalik ko narin ito at inilagay sa cabinet ko ng mabored ako, wala parin sila, nahiga ako sa sofa at nanuod ng tv wala na akong ibang gagawin, natapos ko na ang mga labahan ko 'maging ang mga report at homeworks ko
" Bakit ang tagal nilang umuwi" bulong ko, naisipan kong pumasok sa kwarto ni mama, tutal wala naman siya, ako na lang ang gagawa ng linisin nila.
Agad akong tumayo at binuksan ito, pagpasok ko dito agad na bumungad saakin ang mga bayong na kanyang ginagawa, bumigat ang dibdib ko sa dami nito.
BINABASA MO ANG
Whisper Of Love
Fanfiction" Boring" I said, everything make's me boring and I hate it, I don't have any friend's that I can call ' Buddy ' because life is sucks and I don't like trusting anyone this day's. Maria Zaybelle is one of the scholar and ranked student of Montecillo...