Chapter 41

8 1 0
                                        

"Belle do we really need to go here?" I want to laugh at his face right now, he's trembling like hell.

" Okay lang 'yan! Halika na!" Pagpasok namin sa bahay napatingin sa'kin si kuya, and as usual he didn't saw Jae right beside me.

" Saan ka galing?" Saad nito, ngumiti lang ako, pumasok na'ko kasama si Jae at nasa likuran namin si Guardian, sabi niya kasi sasama siya para bantayan kami.


" Belle I can't stay here.. I-" hindi ko napigilan tumawa, para siyang nagtitiis ng ihiin sa lagay niya, putla na nga siya lalo pang nagmukang putla.

" Act normal, he can't see you right? Just stay beside me" I almost whispered, agad na kumunot ang noo ni kuya sa inaasta ko kaya naman lumapit ako sa kanya at pinitik ang noo niya.

" What the-!? Para saan 'yon?!" Napahimas siya sa noo niya " something is weird right now, naka-drugs kaba?" Tanong niya muli, napansin ko na naglakad-lakad si guardian palibot sa bahay namin.

Kung siguro nakikita siya ni kuya ngayon kanina pa niya hinampas si guardian ng walis tambo.

"Normal naman ah, palibhasa hindi kayo okay na ate Zairle kaya bad mood ka eh" lalong kumunot ang noo nito na animo nahihiwagaan sa kinikilos ko.


"No, are you hiding something from me Maria Zaybelle?" Ano ba dapat sabihin ko.

" Kuya I want to tell you something, so listen carefully okay" umayos siya ng pag-upo, tumabi naman sa'kin si Jae naghihintay sa sasabihin ko, si Guardian naman ay halos mahatching na sa gilid kaka-amoy sa bulaklak sa flower vase ko.

" I have this friend na hindi nakikita, and he's very gwapo" saad ko " Actually he's with me right now and he's staring at you" nanlalaki ang mata ni kuya na tumingin sa'kin.

" You're joking right? Tigilan mo ako sa kung ano ano Zai" hindi ko na tuloy mapigilang tumawa, pati si Jae ay nadala sa itsura niya, kasi naman naduduwag si kuya pagdating sa ganito

" Ts of course I'm joking, bahala kana nga d'yan" sinenyasan ko si Jae and Guardian na sumunod sa'kin, ginawa naman nila.


Kumuha ako ng mga gamit ko sa cabinet habang sila parehong nakaupo sa kama ko.

" Saan nga ba tayo pupunta?" Nagkatinginan silang dalawa matapos kong sabihin 'yon, alanganin ang muk'a ni guardian, at nararamdaman kong may kakaiba.


" It's a secret" tugon nito, nagkibit balikat nalang ako, nagsuot ako ng white dress, pinusod ko lang ang buhok ko at nag-iwan ng konting hibla ng buhok na nakalaglag sa gilid ng mu'ka ko.

Sumilip ako sa bandang ibaba ng bahay at nakita ang dalawa na pasimpleng nakatingin sa mga halamanan namin ni mama.

" Mu'ka silang mag tatay" wala sa sariling napangiti ako sa aking naisip, agad naman napawi ang ngiti ko ng marinig ang isang tawag sa sala kaya naman agad akong bumaba.


" Kuya may natawag!" Sigaw ko pero wala sumasagot, nakita ko si mama na kakapasok lang at halatang pagod, napansin ko din ang nasa likuran niya, si guardian.


" Sino 'yan anak?" Tiningnan ko ang cellphone pero unknown number lang ang nakalagay dito, binigay ko nalang kay mama siya ang sumagot.



Sinuot ko na ang bag ko at magpapaalam na sana ng biglang mabitawan ni mama ang cellphone at lumabas.

"Ma?" Saad ko pero para ang hangin na hindi nito pinansin at dali-daling umalis, pinulot ko ang cellphone pero wala na ang kausap nito.



"Belle let's go" napatingin ako kay Jae na pasimpleng naka-tayo sa labas, nawala si Guardian, sinundan ba niya si mama?

"Maybe it's an emergency" bulong ko at sinakbat na ang bag ko, sinusundan ko lamang si Jae sa kung saan mang lugar siya pupunta, napapatingin ako sa mga halaman na sumasabay sa hangin.


" Don't overthink too much" Saad ni Jae " Everything will make sense" habol niya dito.


" Sa tingin mo may dahilan lahat ng nangyayari?" Tanong ko sa kanya, pakiramdam ko kasi napaka-misteryoso ng buhay ko o masyado lang akong nag o-overreact sa mga bagay bagay na nangyayari sa'kin.



" Everything has a reason Belle" kung meron nga eh ano? Nahihirapan na'kong tanungin ang sarili ko sa mga pwede pang mangyari, natatakot ako na baka sa bukas, sa isang araw baka mawala na'ko, napa-unexpected ng lahat kung iisipin eh.



" Tayo? Bakit kaya tayo pinagtagpo ng ganito?" Tanong ko sa kanya, kusa siyang napatigil kapansin-pansin ang malamig na hangin na naramdaman ko, may kakaiba sa paligid ko o siya ang nagbibigay non.



" I don't know.." nagtuloy na ito paglakad ng bigla itong napaluhod, nanlaki ang mga mata ko ng sunod sunod na nalanta ang mga halaman na kanina tinititigan ko, lalo akong nataranta ng biglang naglalaho si Jae.


" Jae?! Teka anong nangyayari?!" Naglalaho siya bigla at babalik tapos magiging ganon ulit, napakapit ito sa'kin at hindi ko na napigilang umiyak sa itsura niya, nahihirapan siya.


" Jae?! Tumingin ka sa'kin please" kinapitan ko ang mga kamay nito at hindi ko maiwasang magtaka kung bakit bigla itong iinit at lalamig, tuluyan siyang napahiga sa hita ko at gusto ko ng magtawag ng maraming gods sa nangyayari sa kanya.


Naramdaman ko nalang Ng may humawak sa likuran ko at lumapit kay Jae, si Guardian.. saan ba siya pumunta at iniwan niya kaming dalawa.


" No..Its happening.." bulong nito, nagtataka ako sa kanyang tumingin, happening? Ang alin? Iiwanan naba niya ako? Hindi! Hindi pwede..


" No, Jae please don't leave me.." binuhat ni Guardian si Jae at halos hindi ko alam kung anong i-aakto ko, nasasaktan ako, bakit kailangan mangyari 'to..


" Don't feel sorry for him belle" tuloy-tuloy ang agos ng luha ko.

" Tell me what should I do? Tell me please?! Guardian bakit..?! How can I help him?!" Sunod sunod na ang tanong ko sa kanya habang siya ay hindi makapagsalita, naglalaho-laho parin si Jae pero sa pagkakataon na ito, wala na siyang malay.


" Acceptance Belle.. that's the least thing you can do" kusang kinurot ang puso ko sa sinabi niya, ilang beses pa ba ako gaganituhin ng mundo " Time has come belle, we don't when he will vanished to this world" saad niya napatingin ako kay Jae, kusa na akong napaluhod sa damuhan, ang sakit sobrang sakit.


Kahit kailan hindi ko ginawang makipag-kaibigan sa kahit na kanino, siya lang ang namumukod tanging naging kaibigan ko at pinaka-una at sa huli siya rin ang mawawala.


" I can't..I can't accept this guardian, tell me there's a way to make him stay!? I'm.. begging you.." kusang nawala sa paningin ko si Guardian naiwan ako sa gitna ng mga halamanan.



" Ang duga mo naman sa'kin Lord lagi nalang bang ganito..!?" Sigaw ko.

Napapagod na'ko..pagod na pagod na'ko..


______________________________________

EDITED_

Whisper Of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon