Chapter 27

20 1 0
                                        





Mga tuyong dahon, madilim na kapaligiran, malamig na simoy ng hangin, napakabalikwas ako ng mapagtanto kung nasan ako.


" Venor!" Sigaw ko hindi ako makagalaw, hayop na Venor oras na makalabas ako dito joke kala mo naman ang lakas ko.



" Venor hayop ka! Pakawalan mo ako!" Nakatali ang mga kamay ko sa puno, walang mga bahay natatakot ako paano kung dito na ako mamatay.



Nanindig ang balahibo ko ng may maramdaman akong kakaiba sa paligid, napatindi ng tensyon may nakamasid sa akin.



" Venor alam kong ikaw yan!" Duwag ako sa dilim at alam ko sa sarili ko na siya ang dahilan ng mga pinagdaanan ko noon, wala akong dalang kahit anong tubig na pwedeng mag pakalma sa akin.



" Venor pakiusap" Saad ko napatingin ako sa lalaking nakatayo sa harapan ko, may binuksan itong isang gasera at maingat na isinabit sa sanga, nanlilisik ang mata nitong tinitigan ako.




" Kamusta naman ang buhay, masaya ba?" Hindi ako makatingin, natatakot ako nag sisimula nanaman ang hindi ko maintindihan sa dibdib ko, hindi ako makahinga ng maayos.



" Ilang taon akong nakulong, siguro naman sapat na iyon para maging maligaya ka" Ramdan ko ang tingin nito, lumakad ito palapit sa akin, hindi Zaybelle lumaban ka, labanan mo siya.





Nilabanan ko ang titig nito, nakita ko kung paanong sumibol ang nakakalokong ngiti niya " Matapang ka nga bata" umupo ito sa harapan ko at nilabas ang isang matalas na patalim, marahan nitong hinaplos ang buhok ko " Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo" napasigaw ako ng malakas nitong hinaltak ang buhok ko.




Wag mong pangarapin na makawala ako dito Venor makikita mo talaga powers ni Naruto.



" Masyado ka namang concern sa naging buhay ko, eh ikaw?" Napataas ang kilay niya sa sinabi ko nakakatawa ang reaksyon niya" Kamusta naman ang buhay sa kulungan, maligaya rin ba?" Halata ang galit base sa naging reaksyon niya, nakagat ko ang labi ko ng lalo niyang diniinan ang pag higit sa buhok ko, kingina ang sakit.






" Masaya naman" agad niyang binitawan ang buhok ko at tumayo pinaikot-ikot nito ang patalim sa kanyang kamay " Napakasarap ng pagkain, maraming kaibigan" nagulat ako ng bigla niyang pinalipad ang patalim mismo sa tapat ko.




Sunod sunod ang naging paglunok ko, hindi ko namalayan na napapikit ako, buhay pa ako diba? Dahan dahan kong iminulat ang mata ko, buhay pa ako napatingin ako sa tigiliran ko ng makita na nasa gilid ko lang ang patalim, gilid ng ulo ko?!



" Kung gusto mo akong patayin, patayin mo na ako wag mo ng patagalin pa Venor" Matapang kong suhestiyon kahit alam kong kunti nalang makakaihi na ako, Zaybelle hindi mo alam ang mga sinasabi mo umayos ka!



" Wag kang masyadong atat bata gusto ko maging masayang alala ang araw na ito para saiyo kaya naman" naramdaman ko ang patak ng ulan sa mukha ko " Mag handa kana dahil hindi natin alam baka bukas pag lamayan kana" nakagat ko ang labi ko sa galit.






Unti unti nang lumakas ang ulan, napapapikit ako tuwing kumikidlat, ito yung nakikita ko sa mga Korean Drama eh tapos may sasagip saiyo, as if na may sumagip sakin sa gitna ng kabutan na 'to.




May naramdaman akong tumunog sa parteng likuran ko " Cellphone" bulong ko para akong tumama sa lotto tumingin ako sa dereksyon ni Venor pasimple itong kumukuha ng kung ano ano sa kanyang bag.




Kukunin ko na sana ito sa bulsa ko ng mamali ang hawak ko " Napatingin sa pwesto ko ang halimaw kaya naman agad itong napangisi tuluyan kong nabitawan, ang baliw mo Zaybelle!


Whisper Of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon