"Ayaw ko nito" walang gana kong sabi habang gumuguhit, nagkalat na ang maraming bond paper sa baba ng mesa ko " Naiinis na'ko wala akong maisip na iguhit!" Sigaw ko
"Zai! May tulog parang awa mo na!" Sigaw ni kuya sa kabilang kwarto, pikon akong lumabas at pumunta sa kusina, gutom lang siguro ako kailangan ko kumain.
" Oh anak, pang-ilan na kain mo na ng mansanas? Sigurado kabang ok ka lang?" Tanong ni mama habang nag hihiwa ako ng mansanas.
Hindi ko rin alam pero mahigit dalawang linggo na kami rito at hindi ko maikakaila na palagi akong iritable sa lahat, naiinis ako sa lahat na parang gusto ko ihagis si Jayi sa lawa at lunurin.
" Ma hindi ko na kaya bumalik na tayo" Saad ko, inaamin ko nami-miss ko na si Jae, mababaliw na ata ako
" Anak teka akala ko ba-"
"Ma omyghad I don't know what's happening to me this past few days pero kulang nalang magbigte na'ko sa hindi malamang dahilan" minsan wala ako gana, minsan naman nagsasalita ako mag isa, minsan hindi ako makatulog na mas matindi buong gabi walang tulog.
" Ano pa nga bang masasabi ko sa mu'ka mo ngayon Maria Zaybelle eh kulang nalang dalhin kita sa Zoo at magtabi kayo ng Panda sa itsura mo ngayon" sabat ni mama.
Pakiramdam ko mas lalong lumala simula nong umalis kami, ok pa nga ba ako?
" Overreacting lang 'yan ma gusto lang niyan balikan yung bestfriend niya" Saad ni kuya hawak hawak na yung mansanas na hinawa ko.
" Kuya naman akin 'yan eh!" Tatawa-tawa itong nakatingin sa'kin " lumayo ka sa'kin baka ihagis ko kayo ni Jayi sa lawa!"
" Hagis mo" bulong nito " Kung kaya mo" inis ko itong hinampas sa ulo, tumakbo naman ito palayo dala-dala yung mansanas ko.
" Gusto mo ba talaga bumalik?" Tanong ni mama, kahit ako ay naguguluhan, handa na nga ba akong tanggapin na hindi siya tao? Na hindi siya kagaya ko?
" Ma may hindi kaba nagustuhan kay papa noon?" Natigilan ito sa tanong ko, gusto ko lang malaman, teka bakit ko nga ba tinatanog 'to?
" Siguro yung pagiging mayabang niya" nakangiti ni mama na tugon " Mabait ang papa mo anak wala akong hindi nagustuhan sa kanya" Saad nito muli
" Ilang beses kami naghiwalay ng papa mo noon dahil sa maraming dahilan" nakinig na lamang ako kay mama habang nag huhugas ito ng mga gulay " Pero kahit ganon parati ko siyang tinatanggap kahit maraming pumapagitna, kahit maraming tutol pinili ko parin siya, tanggap ko kung ano siya" hindi ko alam na ganito pala ang kinahantungan ng lovestory nila ni papa, ngayon lang rin kasi siya nag open sa'kin, bakit nga ba hindi sa'kin si mama nag ke-kwento noon tungkol sa kanila.
" Kung may gusto kang balikan gawin mo, nasa huli ang pagsisisi anak" napatingin ako kay mama, kakayanin ko nga ba? Natatakot ako sa mga nalaman ko pero hindi ko maitatanggi na gusto ko siyang makita.
Ilang araw din akong ginagambala ng mga sinabi ni mama, paano kung pag bumalik ako bumalik sa dati? Masaktan na naman ako? Lokohin? Paikutin?
" Nagsinungaling siya sa'kin? Hindi ko siya dapat balikan di'ba Jayi?" Magkasama kami ni Jayi sa duyan, malayo kami sa tinutuluyan namin, hindi ko alam kung anong lugar ito.
" Meow meow" saad nito sa'kin nakangiti kong hinaplos ang balahibo nito na napakalambot " Grrr meow meow" si Jayi nalang siguro ang nakakaintindi sa'kin.

BINABASA MO ANG
Whisper Of Love
Fanfiction" Boring" I said, everything make's me boring and I hate it, I don't have any friend's that I can call ' Buddy ' because life is sucks and I don't like trusting anyone this day's. Maria Zaybelle is one of the scholar and ranked student of Montecillo...