Chapter 10

30 4 0
                                        

"Ano? Parang pinagbagsakan ka nang lupa?" napatingin ako kay kuya na kagat kagat ang pandesal nya





" I'm not in the mood to talk right now kuya" kung bakit ba naman kasi binuksan ko pa story nya, napakasama nang gising ko





" Natulog kaba? Anong nangyare sa mata mo? Laki nang eyebags eh" kinuha ko ang phone ko at tingnan ang mata ko, napapadyak ako sa inis




Narinig ko ang yabag ni mama sa likuran ko, pero nanatili akong nakaupo, ilang araw pa may klase na ulit, parang ayaw ko nalang mabuhay makakasama ko nanaman yung bruhilya na iyon






" Zai! Maawa ka sa tinapay, maraming taong nagugutom" sa pikon ko hinagis ko sa kanya




"Edi kainin mo! Ang ingay ingay mo kuya! Alis!"





Hinding hindi ako makatatagal nang ganito kung palaging nasa harapan ko si kuya, sira na nga araw ko lalo pang sisirain






"Ano bang ikinapuputok mo?!" Sinamaan nadin ako neto nang tingin






Umalis nalang ako sa sala at lumabas, mas maigi pang asikasuhin ang mga halaman ko, wala panaman kwentang kausap si kuya baka masakal ko lang





Naisip kong mag lagay nang mga rose sa harapan nang bakod kaya kumuha ako sa likuran nang bahay






" He will never like you Maria Zaybelle" bulong ko sa sarili ko




Hindi naman ako ganitong nag seselos noon nung wala pa si Ellyse, masaya nako na nakikita siya, pero hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko kagabi noong makita ko ang story nya





" May relasyon ba sila?" Siguro meron, hindi naman imposible, nung araw na umalis agad si Luis sumunod sa kanya si Ellyse, hindi ko na alam kung anong nangyari pa







Kumuha ako nang mga Plastic Bottle na hindi na gamit at hinati ito sa gitna, kumuha rin ako nang kutsilyo at pintura para i-recycle ito






" Nagugustuhan ito panigurado ni mama" kinuha ko ang mga rose na nakuha ko at kumuha nang matatabang lupa, it can help the flower to grow faster






Inamoy ko ang bulaklak nito at napangiti ako, I colored some rocks and shell's, unti unti ko nang nakalimutan ang mga nakita ko dahil sa mga bulaklak






Papunta na sana ako sa likuran  nang may mapansin akong kakaiba, someone is looking at me I can feel it






" May tao ba diyan?" Tumingin tingin ako sa paligid ko dahil hindi naalis ang kaba ko, agad akong pumasok sa loob ng bakuran at humawak ng kahoy







Nagulat ako nang bumagsak ang plorera ni mama sa harapan kaya napatakbo ako, pagdating ko dito ay nanlaki ang mata ko






" Halaa!" Napasigaw tuloy ako kay mama at kuya sa loob " Ma! yung plorera!" Nakatulala lang ako dito at hindi makaalis










Pinakaiingat-ingatan ito ni mama dahil galing ito kay Lola, tapos nabasag lang, sinasabi ko na nga ba at may tao dito






" Paktay kang bata ka! Nabasag mo?" Maging si kuya ay gulat, inaasar pa ako nito na pagagalitan ako ni mama, nakailang lunok tuloy ako






" Lumayo kayo! Layo muna at baka masugatan kayo" inayos ni mama at kinuha ang mga nabasag






" Matagal na din ang plorera na ito, wag nyo na itong pansinin" Saad ni mama nalungkot ako






Whisper Of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon