-THE LITTLE GIRL EVERYONE FEARED-
"Dalawang araw na rin pala ang lumipas." Si Agnes ay nakaupo sa sirang bintana ng botanical garden ng bahay habang nakatanaw sa gate na animo'y may hinihintay. Hinimas-himas niya ang madulas na balat ng kaniyang alagang palaka. Ito ang kulay itim na American frog na nakilala niya nitong nakaraan. Nakatira ito loob ng mismong botanical garden at dahil na nga rin sa kalumaan, at sa sira-sirang detalye nito, the room was already weathered by time into a natural habitat for animals and other insects.
Bumaling ng tingin si Agnes sa alagang palaka, "Penong, sa tingin mo, ano ba'ng dapat kong gawin ngayong araw?"
The frog only resonated a sound as it inflated its vocal sac shortly.
"Agnes!" Muling napatingin si Agnes sa gate ng mansyon kung saan may nakita siyang pamilyar na lalakeng nakangiting kumaway sa kaniya, ang pinsang si Vanjoss.
Tanaw sa baba ni Vanjoss ang nakababatang pinsan na umalis mula sa bintana at hindi pa nagtagal nasa harap na niya ito.
Agnes decided to open the gate and let her cousin enter. Kahapon lang ay dinalaw rin siya nito, at kagaya ng nagasanaya'y pormal ang pananamit ng nakakatandang binata.
"Agnes, dali, mamasyal tayo sa sentro nang malibang ka naman kahit papaano, tsaka upang mamalengke na rin."
"Hmm. Okay. Kunin ko nalang muna ang aking payong." Hindi na hinayaan pa ng dalaga na muling makapagsalita ang pinsan at tumalikod na upang gawin ang nais.
"Magbihis ka na rin!" pahabol pa ni Vanjoss, Agnes only swayed her hand in approval.
Pagbalik ay dala na nga ng dalaga ang kaniyang payong. "Tara."
"Teka, nakapagbihis ka na ba? Parang iyang damit mo ay yung sinuot mo lang kanina, kahapon, at noong isa pang araw. Sandali, tama ba?" Napatungo si Vanjoss sa langit at napakamot pa sa sintido na tila nag-iisip.
"Kuya, hindi ka na nasanay pa. Nakakalimutan mo yatang iisa lang ang desinyo ng damit ko. Tsaka, pakialam ba ng iba kung mukha akong hindi naliligo. Aamuyin pa ba nila ang singit ko?"
Si Vanjoss ay nagpakawala ng tawa, "Oo na, oo na. Hindi ka na mabiro. Alam mo pinsan, minsan ay kailangan mo ring umalis diyan sa comfort zone mo. Subukan mo naman yung ibang estilo ng pananamit."
"Ang dami mo namang sinasabi, ako'y nais mo ba talagang isama, o buong hapon mo ako pangaralan?"
"Heto naman, nagsasabi lang." Ginulo ni Vanjoss ang kaniyang buhok at siya naman ay muling inayos ang nagulong buhok nang inalis na ang nakakatandang binata ang kamay mula sa kaniya.
Now she's certain he'd be playing as her guardian. After all, he was a father figure to her ever since...
"TSK. Confinement na naman, akala ko ba'y sa susunod na tatlong araw pa, eh bakit napaaga yata kahapon ng hapon?" Inis na napahalukipkip ang binatang si Aquil habang naamoy na naman ang pamilyar na baho ng antiseptics at ang lambot ng kama ng kaniyang kwarto sa ospital.
"Pasensiya ka na, Aquil, sinusunod ko lang ang utos ng iyong mga magulang." Manang Esther was putting the things he'll be needing in his nth stay in the hospital.
"Sino ba kasi sa kanila ang nakaisip na ipaaga ang pagpasok ko ulit dito?"
"Yung mama mo ang may sabi, Aquil." Si nurse Joy naman ay tinutulungan si manang Esther sa ginagawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/270716035-288-k160507.jpg)
BINABASA MO ANG
Victims of Medusa|PUBLISHED UNDER UKIYOTO
Novela Juvenil[The Jose Memorial Awards for Literature WINNER] Set in the late '80s, antisocial teenager Agnes Delgado, suffers from a mental disorder that makes her not cry, and a genetic condition that devoids her tactility. But what happens when she meets Aqui...