-PARASOL VERDICT-
LUMIPAS na ang dalawang araw. Abala na naman ang mga kalye sa munisipyo at kapansin-pansin ang mga karwaheng pinagagalaw ng mga masunuring kabayo, overpowering the minority of high-technological vehicles that are owned by crazy rich capitalists and oficials in the municipality.
Si Agnes ay nagbabasa ng kaniyang libro habang nasa tabi naman niya ang nakatatandang pinsan na si Vanjoss sa loob ng isang karwahe.
Ilang araw na rin pala simula noong pumanaw ang ina nito, at ngayon ay unti-unti na ring humihilom ang sugat sa nagluluksa nitong puso. Sinasamahan ito ng dalaga papunta sa terminal ng munisipyo.
Hindi pa nagtagal, tumigil na rin sa wakas ang ingay ng pagulong-gulong na gulong na kanina pa naglalaro sa ere; isa sa mga hudyat na sila'y nakarating na sa kanilang destinasyon.
Agad na bumaba ang dalawa sa karwahe at pumasok na sa loob ng isang hindi kalakihang terminal kung saan naghihintay ang mga sasakyang papunta sa labas ng munisipyo, -mga naglalakihang karwahe na pinagagalaw ng dalawa hanggang apat na kabayo.
"O, paano pa iyan pinsan, kailangan ko nang humayo," ani kuya Vanjoss nang huminto sila saglit upang mag-usap.
"Hmm. Ingat."
"Hays, huwag mo akong bigyan ng ganiyan. Namamaalam na nga, eh ang lamig-lamig mo pa kausap. Giniginaw tuloy ako sa'yo," pabirong sabi ng kaniyang kuya Vanjoss at ginulo ang kaniyang buhok.
Agnes' expression did not change tho, and only replied, "Well, this is not our last time to see each other again, kuya."
Si Vanjoss ay napakamot sa kaniyang ulo, he just can't outwit her. Natawa nalang ang binata at sinabing, "Hay naku, tama ka nga. Kailangan ko rin balikan ang bahay namin."
"Talaga bang ika'y sigurado na sa desisyon mo?" tanong pa ng binata, pertaining to what they talked the night before.
Pasimpleng tumango ang dalaga at napahawak sa kaniyang dibdib, "Oo kuya, iyon rin naman kasi ang huling hiling ni tiyang."
Si Vanjoss ay napangiti nalang.
"Kuya, bago ka umalis, may pinapabigay nga pala si tiyang sa iyo."
"Huh?" nagtataka namang reaksyon ng binata, at hindi pa lamang ito nakapagtanong nang maayos ay bigla na lamang siyang niyakap ng dalaga.
It was a bit awkward at talagang ang binata'y nanibago tuloy.
Tap, tap, tap, Agnes patted his back three times and said, "Yakap ni tiyang."
Slowly, Vanjoss was able to absorb what his cousin was pertaining, and he can't help it but feel mixed emotion of both happiness and nostalgia. Mahigpit siyang napahawak sa kaniyang briefcase.
"She told me to do this, nang minsa'y nagkausap kami sa ospital. Isang araw bago siya namaaalam."
Sa huli, niyakap niya ng mahigpit ang pinsan niyang para naging tunay na kapatid, at hindi na mapigilang maluha.
"Hmm. Okay na kuya, 'wag na magmalabis," monotonous na paalala ni Agnes sa kaniyang pinsan with a boredom on her eyes as usual.
"O siya, baka maiwan pa ako ng karwahe. You can stay in our house hangga't gusto mo. Mag-iingat ka dito ah. Maging masaya ka."
'It was me and kuya Vanjoss latest conversation. He will be going back to the city to continue his profession, while I'll be staying here in the countryside. We already talked about it, and it was the best option to do.'
BINABASA MO ANG
Victims of Medusa|PUBLISHED UNDER UKIYOTO
Ficção Adolescente[The Jose Memorial Awards for Literature WINNER] Set in the late '80s, antisocial teenager Agnes Delgado, suffers from a mental disorder that makes her not cry, and a genetic condition that devoids her tactility. But what happens when she meets Aqui...