-WE ARE ALL DECEIVERS AT TIMES-
"... Kapag si Agnes ay makakaramdam ng napakatinding emosyon, kagaya na lamang ng pagiging masaya o 'di kaya'y matinding lungkot, ay maari itong mag-expand at the moment of her emotional state, which can cause her pain, but given she's a CIP patient o may analgesia hindi niya ito mararamdaman."
Bumalik iyon sa isip ng dalaga sa kaniyang pag-iisa habang nakaupo-de-Indian sa kaniyang kama. Nakababa ang kaniyang tingin at tinatabunan ng kaniyang buhok ang mukha niyang nandidilim na naman.
"Whether I can feel pain or not, I'm truly not meant to be happy nor feel emotional, am I?" Kapansin-pansin ang pagtiim ng kaniyang bagang, at pagkuyom ng kamao sa sumunod na sandali, tila ba nagpipigil ng kung anong emosyon.
'What is this?' Napahawak siya sa kaniyang dibdib, sa panibagong pagkakataon, may kung anong 'di pamilyar na pakiramdam ang namamayani sa loob ng kaniyang puso.
Muli siyang napaisip, 'What is this burning emotion that starts to ignite in the inside of me?'
'It feels strange, it feels odd, and it feels over what's warm...'
Bumuga siya ng hangin, "Is this what they call, rage?"
"Ibig sabhin ba nito'y nagagalit na ako sa halimaw na sumumpa sa akin sa sitwasyong ito?" She clenched her fist again.
Sa sumunod na sandali'y ibinaba na ng dalaga ang kaniyang mga paa at hinawakan ang bakal na sabitan sa kaniyang pagtayo. Agnes with a straight face headed to the door at eksaktong pumasok na rin ang kaniyang pinsang si Vanjoss na nanggaling pa sa labas.
"O, Agnes, saan ka pupunta?" tanong nito sa kaniya.
"Nais ko lamang po magpahangin," sagot naman ng dalaga.
"Okay sige, basta mag-iingat ka doon ha." Ngumiti si Vanjoss sa kaniya bago siya lumabas.
Nagtungo si Agnes sa pasilyo ng ospital. The arched corridor windows were like the eyes of the building from the inside that let her see the night sky outside. Namataan niya ang binatang si Aquil sa unahan, sa wheelchair nito habang tahimik na nakatingin sa labas na tila ba may malalim na iniisip.
Bumalik sa isip ni Agnes ang nakitang lihim na pagluha nito sa ilalim ng takipsilim bago magdilim nitong nakaraan.
Later did she realize, he was already staring at her. Their eyes met and were only a few windows away from each other. The graceful psithurism registered in their hearings. Aquil once again smiled at her brightly.
'He's wearing that fake smile again,' she thought before deciding to continue. Lumapit din sa kaniya ang binata hanggang sa pareho silang huminto sa pinakagitnang binta kung saan nakapinta ang maliwanag na buwan sa langit na pinamamahayan ng mga bituing tila niyebe sa kalangitan.
"Magpapahangin?" tanong ng binata.
"Hmm," may kasamang pagtango ni Agnes.
"Ako rin." Aquil laughed afterward.
Both special teens put their eyes through the windows.
"Strange isn't it?" Aquil asked out of the blue, implicit of what he's pertaining to, but later on was being able to clarify it. He looked at her, wearing the same smile, "Walang hamog sa gabing ito, kung mapapansin mo, hindi ba?"
"Hmm. Wala nga, marahil hindi nakikisabay ang lamig ng gabi sa mga emosyong nadadarama natin ngayon." That candid point from Agnes made Aquil a vague jerk, making his fake smile get to be more pronounced. Nag-alis ng tingin si Aquil sa dalaga at napatingin sa baba bago muling tumingin sa kalayuan.
BINABASA MO ANG
Victims of Medusa|PUBLISHED UNDER UKIYOTO
Teen Fiction[The Jose Memorial Awards for Literature WINNER] Set in the late '80s, antisocial teenager Agnes Delgado, suffers from a mental disorder that makes her not cry, and a genetic condition that devoids her tactility. But what happens when she meets Aqui...