|The Rain In Barceloñia|
▪Chapter 1▪Nakaupo ako sa hagdan ngayon. Ang boring kase. Wala pa kaming klase, lunch na kase. Ayaw ko pa naman kumain kase feel ko busog pa ako. -,-
"Yeona, tara na" akit sakin ni Kiera. Mag-lulunch na kase kami pero busog pa talaga ako.
"Busog pako e, kayo nalang muna" aniko. Sabay kuha ng cellphone ko at binuksan ang facebook account ko.
"Sigurado kaba?" Tanong niya.
"Oo naman sige na umuna kana iintayin ko nalang kayo dito" aniko tumango nalang si Kiera at pumunta na sa Cafeteria.
Scroll lang ako ng Scroll ng makita ko ang isang litro ni Xycan aba, nasa gym pala sya ngayon.
"Uy Leme!" Napalingon ako.
"Oh, Xycan! Teka kanina nasa gym ka lang bat ngayon nandito kana? Omgi! Ang galing mo naman mag-teleport paturo nga!" Sambit ko tumawa sya.
"Kanina pa ako nag-uuli dito hinahanap kita, pinost ko lang yan ngayon kase wala dong signal sa gym" napatango nalang ako.
Oo nga pala walang signal don.
"Teka nag-lunch kana ba? Leme?" Tanong ni Xycan.
"Hindi. Busog pako, ikaw ba?" Sambit ko. Umupo siya sa tabi ko at bumuntong hininga.
"Hindi pa nga e. Yayayain nga sana kita kaso busog ka pa naman" aniya.
Teka! Nako sabi ko nga hindi ako busog!
"Nako teka, Xy. Gutom na pala ako tara dun sa Barcebeque!" Tumayo ako at hinatak siya.
"Busog ka sabi mo" aniya sumimangot ako.
"Nagbibiro lang naman ako eh! Dali na Xycan George! Tara na sa Barcebeque!" Akit ko. Huhuhu nag-jojoke lang naman ako kanina e.
"Hayst tara na nga" ani ni Xycan kaya naman napatalon ako.
"Libre mo ha!" Sigaw ko.
"Ikaw ang nag-akit kaya, dapat lang na libre mo" halos mapatigil ako.
Sinamaan ko sya ng tingin.
Kaagad naman siya humalakhak. At inakbayan ako. At ginulo ang buhok ko.
"Nagbibiro lang ako, Leme. Tara na libre ko" napangiti ako at agad syang hinili papasok sa Barcebeque.
Pagkapasok pa lang namin nakakagutom na ang amoy! Gosh!Ambago at ang sarap sarap! Salamat nalang at ililibre ako nitong si Xycan!
"Leme, anong gusto mo?" Tanong nya.
"Kahit yan nalang barbeque at yang milktea" aniko. Tumango siya.
"Ganon nadin akin para parehas tayo" sabi nya. Umupo nalang muna ako at inintay siya.
Nagulat ako ng mahagip ng mga mata ko ung lalaking nakabunggo saakin.
Putcha pati ba naman dito?"Yeona!" Nagulat ako ng makinig ko ang isang sigaw. Sina Vanessa pala.
Tsk. Ingay.
"Ano?" Tanong ko. Umupo sila sa tabi ko.
"Akala koba busog ka?" Tanong ni Kiera.
"Nagutom ako bigla nung dumating si Xycan" aniko. Hinampas naman ako ni Martha.
"Grabe naka-asa ka talaga sa libre e yaman na yaman mo!" Putcha naman oh.
"Potek! Yang bibig mo Martha itikom-tikom mo! Gusto mo pa atang gawin kitang barbeque!"
Tumawa ang mga kaibigan ko. Tss.
YOU ARE READING
The Rain In Barceloñia | RAIN SERIES #1 | ✓
De TodoThe Rain In Barceloñia [RAIN SERIES #1] Completed✓ ○TAGALOG ○GENRE- Romance Lahat pwedeng magmahal. Lahat pwedeng masaktan. Lahat pwedeng umiyak pero hindi ibigsabihin non ay mahina kana. Merong dalawang tao na aksidenteng nagkagusto sa isa't-isa ng...