Chapter 25

168 6 0
                                    

| The Rain In Barceloñia |
Chapter 25

Isang buwan ang lumipas ng matapos kaming grumaduate. Bakasyon kami ngayon at nandito kami ni Adee sa Quezon Province sa (Lucena City) dito raw kase dati lumaki si Adee kasama ang lolo at lola niya.

"Lola Carlota, talaga po bang sana'y po si Azrael na mag-isa?" Napangiti si Lola Carlota.

"Oo Sweetie este! Yeona....." napatawa ako kay lola.

"Si lola naman ginagaya pa si Adee" tumawa narin siya.

"Laging mag-isa si Adee non dahil hindi talaga sila magkasundo ng kakambal niya....awan koba sa kambal na 'yan kung bakit hindi magkasundo palagi, kaya nung bata pa si Adee dito sya nagtira dahil dito rin niya gusto hanggang sa mag-labing dalawang taon sila ni Rhys, e bumalik narin si Adee sa bahay nila ro'on sa maynila..." napatango ako.

Talagang hindi talaga sila magkasundo simula bata sila. May ganon palang kambal?

"Alam mo ba yan si Azrael ay ayaw sa mga babaeng lapit ng lapit sa kanya...." mukha nga e.

"Oo nga po lola napansin ko rin yan nung una kaming nagkita..." napatango si Lola Carlota.

"Hija..."

Nagulat ako ng biglang sumulpot si Lolo Benji.
Kaya dali-dali ko siyang inalalayan pag-akyat ng hagdan.

"Lolo Benji, asan po pala si Adee?" Tanong ko. Inayos ni lolo benji ang kanyang damit.

"Nasa palikuran naliligo" napatango ako.

"Lolo Benji, meron po ba kayong picture nung bata pa po si Adee?" Tanong ko.

"Ay! Meron! Nako! Makikita mong kamukha ni Lolo Benji mo ang iyong Adee!" Napangiti ako kay Lola Carlota. Agad niyang inabot saakin ang isang lumang album na may nakaguhit pa sa gitna na 'A' .

Binuklat ko ang album at bumungad saakin ang napaka-cute na baby! At yun si Adee! Natawa lang ako ng nakita ko ang bird niya na maliit pa. Duh?!

"Ano 'yan?" Napalingon ako. Si Adee na naka-panjama lang at t-shirt na grey. Habang nagtutuyo ng kanyang basang buhok.


"Ang cute mo dito Adee!" Sambit ko. Napangiti siya.

"Ako ba talaga o yung little version ng Bird ko?" Hinampas ko siya. At napatawa naman sina Lolo at Lola.

"Hmp! Ikaw syempre!" Tinawanan niya ako.
Umupo siya sa tabi ko. At inakbayan ako. Narinig kopa ang pangungutya ni Lola Carlota at Lolo Benji. Jusmeyo!

"Tignan mo ito Sweetie..." binuklat niya ulit ang pahina at nagulat ako ng makita ko ang picture nila ni Lolo Benji at lola carlota.

Kamukhang-kamukha nga nina Adee si Lolo Benji! Kaya pala ang Daddy ni Adee ay ang gwapo din e! Mana kay lolo benji.

"Parang kaming pina-xerox lang.." pagsasalita pa ni Adee. Tumango ako. Wow! Magkakamukha silang Apat nung mga bata pa sila!

"O'sya kumain na muna tayo, naghanda na si Bonita ng hapunan pumunta na kayo ron" sambit ni lola Carlota. Tumayo na kami ni Adee at pumunta ng kusina. Kahit maliit lang ang bahay nina Lola ang ganda ng loob at labas. Maaliwalas pa sa mata.

The Rain In Barceloñia | RAIN SERIES #1 |  ✓Where stories live. Discover now