| The Rain in Barceloñia|
Chapter 6
Arestell Barceloñia"Ingat ka, anak!"
Tumango nalang ako at pumasok na sa kotse. Hindi ko alam kung kelan ulit kami magkikita nina Mommy dahil magiging busy na naman sila sa aming company. At sina kuya naman may trabaho rin. Ako may pasok.
Naisipan kong pumunta sa condo ni Ariana. Wala naman kaming pasok ngayon dahil sabado kaya naisipan ko na dun muna ako sa kanya. Makakwentuhan sya.
Nang makarating ako sa condo nya. Narinig ko ang tugtog na Baby by Justin Bieber. Uso ata ngayon toh? Ewan koba. Kumatok ako. At pinagbuksan nya naman ako.
"Yeona!" Agad niya akong niyakap at pinapasok. Pinaupo nya ako.
"Bakit ka pala na papunta rito?" Tanong niya.
"Wala lang. Pwede bang dito muna ako hanggang mamaya?" Ngumiti siya. Hinamapas nya ako.
"Kahit habang buhay pa, Yeona!. Mamaya punta tayo sa Arestell andun rin sina AD" sambit niya.
Speaking of AD.....hindi ko parin siya maintindihan.
"Okay sasama ako" napatalon si Ariana. O.A masyado. Porque ba sasama ako? Tss.
"Crush mo si AD noh??" Halos samaan ko sya ng tingin. Ako? Magkaka-crush don? Aba'y malay ko.
"Hindi ah" sambit ko. Kiniliti nya ako. Kaya napatawa ako. Pinigilan ko sya pero wala talo ako.
"T-tama na HAHAHAH" pigil ko. Tumigil na siya at kinuha ang cellphone.
"Gusto mo kwentuhan kita?" Tanong niya. Tumango ako.
"Alam mo ba nalaman ko na kung bakit ganon si AD medyo cold, kase raw nagalit si Mr. Cortez sakanya nung isang araw ng dahil sa inayawan ni AD ang anak ni Mr. And Mrs. Perez na si Arniz" huh? Kilala ko yon ah. Yung babae na maarte. Tss. Pano aayawan e ang arte-arte.
"Ang napagpasyahan daw ni Mr. Cortez ay si Azrhys daw ang magpapakasal kay Arniz pero ang problema naman eh ayaw ni Arniz kay Azrhys kaya ayon anlaking gulo" napailing si Ariana.
"Maarte kase yon babae na yon kaya siguro aniyawan ni Azrael" napakunot ang noo nya.
"Pano mo naman nasabi? Eh ang bait bait ni Arniz sakin bes!" Tss.
"That's we called plastic" sambit ko.
"Parang hindi naman" sambit pa niya.
"Okay then, wag kang maniwala okay lang malalaman mo rin ang lahat pagnakita mo" sambit ko.
"Tch. Bahala na" sambit niya.
Nang mag-gabi napagpasyahan namin ni Ariana na kumain muna at maligo para makaalis narin kami papuntang Arestell
"Andun na daw sina Martha" napalingon ako habang nagaayos ng akinh sarili.
"Mga excited kase andun yung mga crush nila" sambit ko. Tumawa kami pareho.
"Ikaw ba? Hindi kaba excited?" Tanong niya. Halata naman na nangaasar siya.
"Hindi kase makakapunta rin naman ako don" aniko tumango siya.
"Naikwento kona ba sayo na may nagugustuhan nako?" Napalingon ako at napakunot ang noo.
"Hindi pa. Sino ba yon?" Aniko. Ngumiti siya.
"Nakilala ko sya last time sa PU siya ang SSG president grabe ang bait-bait niya sakin as in sobra! Tapos nung isang araw nung umuulan nakapag-cut ako kasi nga as in basang-basa ako kasama sya buti nalang at naging excuse nalang kami. Tapos ngayon we're already friends na. Pero kyaaaahhhhh basta crush na crush kona sya!" Halos mapatawa ako.
YOU ARE READING
The Rain In Barceloñia | RAIN SERIES #1 | ✓
De TodoThe Rain In Barceloñia [RAIN SERIES #1] Completed✓ ○TAGALOG ○GENRE- Romance Lahat pwedeng magmahal. Lahat pwedeng masaktan. Lahat pwedeng umiyak pero hindi ibigsabihin non ay mahina kana. Merong dalawang tao na aksidenteng nagkagusto sa isa't-isa ng...