| The Rain In Barceloñia |
Chapter 16"Bes, you want coffee?"
Inalok ako ni Vanessa ng kape at hindi ko naman yon tinanggihan. Busy ako ngayon dahil sa finals. Arghh! Andami neto! Labo-labo na tong projects ko! Isang linggo rin ang lumipas ng sabihin saakin ni Azrael na mahal niya ako at hindi ko parin malimutan ang araw na 'yon.
"Last 20 minutes bes! Gosh!" Napabuntong-hininga ako at niligpit ang gamit ko. Sa wakas tapos na 'rin ako. Napatingin ako sa relo ko. 11 am.
Napatingin ako sa cellphone ko. Napangiti ako ng mabasa ko ang text ni Adee.
From: Adee
Where are you sweetie?
Enebe! Kahit wala pa kaming label ang sweet sweet niya! Nakakawalang stress! Grabe!
To: Adee
Nasa puso mo:)
Natawa naman ako sa ka-corny-han ko! HAHAHAHHA para akong baliw dito na tumatawa! Maihahagis ko ang cellphone ko ng makita ko kung sino ang tumatawag sa cellphone ko!
Ang puso ko! Lumulundag!
"Hello? Adee? Andito ako sa condo ni Vanessa. Asan kaba?" Narinig ko pa ang buntong hininga niya.
"Well, im here at my condo. Masyado akong napagod sa practice kanina....malapit na kase ang finals" napatango nalang ako. Ang ganda ng boses niya. Nakakakilig!
"Ganon ba....sige na magpahinga kana" sambit ko.
"Punta ka dito. I need you, ikaw ang pahinga ko" parang akong nabuhusan ng malamig na tubig ng dahil sa sinabi niya!
Kinikilig ang lola nyo! Kingina!
"Sige wait me there" agad kong kinuha ang bag ko.
"Okay sweetie i'll wait you here" napangiti ako ng sobra. Grabe!!!
"Okay bye Adee....." pinatay ko ang linya at agad na nagpaalam kay Vanessa. Iniwan ko muna yung project ko kay Vanessa dahil mamaya ay kukuhain ko ulit yon.
Pumara ako ng taxi at nang makarating ako sa condo ni Adee. Agad akong kinabahan ewan koba kung bakit....kumatok ako at agad naman itong bumukas. Bumungad si Adee na mukhang bagong ligo. Ang bango bango niya!
"Hi Sweetie" agad niya akong hinalikan sa noo at hinila pa pasok sa loob. Pinaupo niya ako at nakita ko pa ang kalat ng kanyang lamesa dahil mukhang may project rin siya.
"Adee, kamusta? Ilang araw rin tayong hindi nagkita ah" umupo siya sa tabi ko at agad niya akong inakbayan.
"Okay lang naman ako, sweetie" sambit niya.
"Namiss kita"
Napangiti siya sa sinabi ko.
"Namiss rin kita" hinalikan niya ang kamay ko.
"Sweetie, mahal kita" sa tuwing sasabihin nya ang katagang iyon. Biglang kumakabog ang puso ko.
Hindi ko pa man masabi sa kanya ang salitang yon, handa naman daw siyang mag-intay kung kailangan ko yon masasabi sa kanya.
"Alam kong hindi mo pa masabi ang salitang 'mahal kita' , handa naman akong mag-intay kung kailan mo rin masasabi ang salitang iyon kahit gaano pa katagal ako'y magiintay..." ngumiti ako at binigyan nya rin naman ako ng ngiti.
"Thank you, Adee" niyakap ko siya. Ansarap sa pakiramdam. Narinig ko ang tibog ng puso niya, ang bilis.
***
YOU ARE READING
The Rain In Barceloñia | RAIN SERIES #1 | ✓
RandomThe Rain In Barceloñia [RAIN SERIES #1] Completed✓ ○TAGALOG ○GENRE- Romance Lahat pwedeng magmahal. Lahat pwedeng masaktan. Lahat pwedeng umiyak pero hindi ibigsabihin non ay mahina kana. Merong dalawang tao na aksidenteng nagkagusto sa isa't-isa ng...