| The Rain In Barceloñia |
Chapter 34"Baby Merah and Baby Belle love na love kayo ni Mommy...."
Hinalikan ko sila parehas sa noo. Hindi pa din ako makapaniwala na hindi manlang ako pinahirapan ng kambal. Sobrang saya ko.
"Yeona...."
Napalingon ako.
"Tita Amie?" Nanlaki ang mata ko. Bakit siya nandito? Bakit alam na niya?
"Ang mga apo ko...ang gaganda..."
Hindi ko maiwasang hindi mailang.
"Tita, pano nyo po nalaman?" Tanong ko.
"Sinabi sakin ni Khloris...wag kang mag-alala ako lang ang nakakaalam nito at si Azrhys..." napatango nalang ako.
Ayaw kong malaman ito ni Azrael. Ayaw ko.
"Anong pangalan nila?" Tanong ni Tita Amie.
"Si Azmerah Hezekiah po ang buhat nyo at si Yzkabelle Trine naman po ang buhat ko. Si Merah po ang panganay at si Belle po ang bunso" napangiti si Tita Amie habang hawak-hawak ang kamay ni Merah.
"Kung nandito lang ang anak ko paniguradong sobrang saya na niya...pasensya na...."
"Okay lang tita" sambit ko.
"Mama nalang" napangiti ako at napatango.
"Kamukhang-kamukha nyo ang kambal parang xenorox copy lang" napangiti ako.
Tama ka, Mama.
"Yeona, patawarin mo sana ako" napakunot ang noo ko.
"Po?" Tanong ko. Ibinaba muna namin ang kambal para makapag-usap ng ayos.
"Patawarin mo ako dahil ako mismo ang nagtaboy kay Azrael papuntang London, hindi dapat siya ang pupunta roon at si Azrhys dapat..."
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Bakit ganito? Parang nagagalit ako na naiinis na ewan.
"That time kase Azrhys are mad at me. I can't text him or either call him that's why i texted Azrael that his have a flight na dapat ay si Rhys....im so sorry...and i know...Azrael will do his promise to you and to your family...im so happy to the both of you" niyakap niya ako habang umiiyak. Nakatulala lang ako.
Bakit si Azrael nalang palagi? Bakit parang sa pamilya niya siya ang utusan? Tapos pag may nagawa syang kasalan sobrang laki ng galit nila kay Adee? Bakit ganon? Kase kahit ako nasasaktan sa sitwasyon ni Adee sa tuwing may mga problema ang pamilya niya siya ang umaayos. Siya ang tutulong.
Ang unfair talaga ng mundo.
"Yeona, pagmay kailangan ka tawagan mo lang kami ng papa mo okay?" Tumango ako at ngumiti.
"Sige po mama" niyakap niya. Nabigla naman ako. "Thank you" nagpaalam na siya at kinawayan ko nalang.
Bigla naman pumasok si Ate. Napabuntong-hininga ako.
"Don't worry napag-usapan na namin ni Tita Amie ang lahat" napatango nalang ako. Pero hindi ko pa din maiwasang hindi mag-alala.
❤❤KINABUKASAN❤❤
Maaga kaming umalis dahil papunta kami sa probinsya sa dating bahay nina Lolo. Namiss ko ng pumunta roon kaya napagisipan namin ni Ate na dun muna kami manuluyan hangga't maaari. Tahimik pa.
YOU ARE READING
The Rain In Barceloñia | RAIN SERIES #1 | ✓
RandomThe Rain In Barceloñia [RAIN SERIES #1] Completed✓ ○TAGALOG ○GENRE- Romance Lahat pwedeng magmahal. Lahat pwedeng masaktan. Lahat pwedeng umiyak pero hindi ibigsabihin non ay mahina kana. Merong dalawang tao na aksidenteng nagkagusto sa isa't-isa ng...