Chapter 4

315 10 1
                                    

|The Rain In Barceloñia|
•Chapter 4•

Habang naggagayak ako narinig ko ang sigaw ni Martha. Kaya naman natigil ako at pinuntahan siya.

"Ano to'?"

Halos mapatingin ako kay Martha. Meron siyang hawak na kulay puting papel. Teka---naalala ko pala kahapon may ibinigay yung babaeng nakasalamin sakin.
Hinablot ko iyon kaagad kay Martha. Baka kung ano ang nakasulat roon. Ni hindi ko nga rin kilala kung sino yung Mr. Cortez na yon.

"Uy! Andaya! Love letter ba 'yan?" Natawa ako.

"Tanga hindi! HAHAHAHA" bulyaw ko.

love letter at sino naman ang magbibigay saakin ng love letter? Wala pang sumubok nan. Duh?!

Tinabi ko muna ang papel na'yon at naisipan nang umuna kay Martha. Pagkababa ko sa parking lot. Sumakay narin ako sa kotse ko at sinimulan ng magmaneho ng makalabas ang kotse ko, umuulan pala dito sa Barceloñia.

NANG makarating ako sa University, agad akong tumakbo. Dahil no choice ako. Wala akong dalang payong. Malakas pa mandin ang ulan. Sana naman eh hindi ako mabasa ng sobra.

Habang tumatakbo ako. Lalong nararamdaman kong lumalakas talaga yung ulan. Kingina! Wala ako masyadong maaninag. Nababasa narin ako. Buti nalang waterproof ang bag ko. Hala....pano toh? Tumakbo lang ako ng tumakbo.

Nagulat ako ng mapabunggo ako upang mapatalsik yung bag ko. Waaaah! Minamalas ba ako ngayon? Putcha naman oh!
Napatingin ako sa nakabunggo ko. Napagtanto ko na hawak na niya ang kamay ko. Pero paano nangyare yon?

"I already said...it will rain" huh?

"Ano? Teka sino kaba? Tsaka wala ka namang sinasabi sakin ah!" Sigaw ko at bumitaw sa kamay niya.

"So you didn't read it?" Hindi ko talaga maintindihan.

"Sino kaba? Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo! Hindi ka naman si kuya Kim ah! " Nanlaki ang mata ko ng hawiin nya ang buhok ko. Pota.

Napagtanto ko na si Azrael Dave pala ito. Waaaaahhhh! B-bakit.....

"Teka asan na yung bag ko?!" Sigaw ko. At hinanap yon. Sobrang basang-basa na kami pareho. Agad ko naman nakita yung bag ko.

"Sabay na tayo" napalingon muli ako sakanya.

"Sige" sambit ko.

At nagulat ako ng hilahin nya ako. Nang makarating kami sa isang building ng school. Maraming tao ang nagsi-tinginan dahil siguro basang-basa kami ngayon nitong lalaking 'to. Tss.

"May pamalit ka?" Tanong nya. Tumango ako. Nasa locker meron. Buti may extra ako dun.

"Ikaw ba?" Tanong ko.

"Oo meron, wag mo akong alalahanin" Aniya.

Seryoso talaga sya ngayon ano bang nangyare bakit ang cold at ang seryoso na niya.

"Azrael, sorry pala nung isang araw at ngayon" napayuko ako. Nakakahiya.

"Ako dapat ang magsorry kase hindi ko hiningi ang permiso mo na---" naptol ang iniimik niya ng pinigilan ko siya.

"Okay lang. Basta sorry talaga at salamat" aniko. Ba't ganto iba yung feel. Whoooo!

"Magpalit kana, iintayin nalang kita roon may gusto lang akong itanong" tumango siya. Aba ambili niyang makinig. Napasyahan ko na magpalit na.

The Rain In Barceloñia | RAIN SERIES #1 |  ✓Where stories live. Discover now