Chapter 28

146 4 0
                                    

| The Rain in Barceloñia |
Chapter 28

"Happy 2nd Aniversarry Adee!! I love you so much!!"

Sigaw ko kay Adee. Katatapos ko lang magluto at naabutan ko siya sa kwarto namin na para bang may inaayos. Nagulat pa nga siya e.

"Ano 'yan?" Tanong ko. Para kaseng may tinatago siya saakin. Kaya nilapitan ko siya.

"Wala ito" sambit niya. Napasimangot ako. Agad naman niya yon nilagay sa kanyang bulsa. Ano kaya yon? Hugis box e.

"Happy 2nd Aniversarry, Sweetie. I love you.....i love you...i love you...." sambit niya sabay halik sa pisnge, noo, ilong at sa labi ko.

"Wala tayong pasok ngayon...." napakunot ang noo ko.

"Wala? Bakit? Anong meron?" Tanong ko.


"Second aniversarry ng dalawang boss nila kaya walang pasok" napatawa ako.

"Ang laki talaga ng sapak mo ano? HAHAHAHA" napakunot ang noo niya. .

"Bakit naman? Sweetie....alam mo naman na napaka-special ng araw na ito sakin...satin...mamaya may Date tayo" sambit pa niya. Napatango naman ako habang nakangiti.

"Osige....pero ano muna yan?" Tanong ko. Napakamot siya sa kanyang ulo.

"Mamaya malalaman mo din kung ano 'to" napatango nalang ako.

"Mukhang napaka-ganda siguro nan" napangiti siya.

"Hindi lang siguro, siguradong-sigurado" sambit niya.

"Sige na Sweetie, may kailangan pa akong ayusin"

"Ha?! Akala koba wala tayong pasok?" Tanong ko.

"Oo nga....basta....may aayusin lang akong napaka-importante" sambit pa niya. Hinalikan na niya ako sa noo at nagpaalam narin saakin.

Naiwan naman akong solo. Napabuntong-hininga nalang ako. Naisipan kong matulog nalang muna. Wala naman akong gagawin.

***

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. May tumatawag pala. At pagkatingin ko nun si Adee pala kaya kaagad ko naman sinagot.

"Hello Adee?" Bungad ko.

"Sweetie, magbihis kana susunduin na kita jan" sambit niya.

Nagtataka na talaga ako.

"San ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"Secret, basta Sweetie mag-bihis kana ha? Iloveyou bye..." napakunot nalang ang noo ko. Kaagad akong kumain at naligo.


Nagbihis na rin ako ng isang simple pink dress at kaagad na nagmake-up ng simple lang rin. Napatingin ako sa aking sarili sa salamin. Ang ganda ko talaga....

"Sweetie?" Napalingon ako sa aking likuran.

Napangiti ako ng makita ko siyang nakabihis ng isang simpleng polo at black jeans. Kaagad ko siyang niyakap.

"Ang gwapo ng boyfriend ko..." sambit ko.

"Alam ko naman 'yon....tara na Sweetie" hinawakan niya ang kamay ko at sabay na kaming bumababa sa hagdan.

The Rain In Barceloñia | RAIN SERIES #1 |  ✓Where stories live. Discover now