Chapter 15

190 7 0
                                    

| The Rain In Barceloñia |
Chapter 15

"Mukhang traffic na naman ah!"

Ilang sigaw ang naririnig ko mula sa paligid. Kasama na nagsi-sigaw ang maingay kong bestfriend. Si Martha. Pinaglihi talaga 'to sa manok.

Napapailing nalang ako dahil sa lakas ng sigaw niya na abot siguro sa maisan ni Mang Berto HAHAHHAHA joke lang! San ko ba nakuha yung 'Mang Berto at yung maisan?' HAHAHHAHAHA. Ganto ba pagmasaya?? Siguro nga.

"Teka nga! Kanina ko pa talaga napapansin yang ngiti mong yan!" Sambit ni Martha.

"Oh? Anong problema mo? Gusto mo atang sumimangot nalang ako palagi" inirapan niya lang ako.

NANG makarating kami sa campus sinalubong kami nina Eirene at nandun rin si Xycan. Napawi ang ngiti ko ng makita ko siya.

"Leme, are you mad at me?" Iniwasan ko siya.

Pilit naman siyang lumalapit kaya sinagot kona ang kanyang tanong.

"Oo Xy! Nakakainis ka kase! Bat ganon nalang? Sino ba yung babaeng kasama mo? Tsaka bat ka nagiba? Anong nangyare?" Napabuntong hininga siya.

"Sorry. At yung babaeng yon? She's my cousin, sorry kung hindi ko siya pinakilala sainyo kase alam nyo? Masama ang ugali non, ayaw ko pati kayo awayin ng babaeng yon. Sorry talaga" teka!! Pinsan? Ngayon ko lang siya nakilala.

"Cousin lang talaga?" Tanong ko. Tumango si Xy. At lumapit sakin tsaka inakbayan ako. Napayakap naman ako sakanya. Namiss ko 'to!

"Leme, i can't breathe" napatawa ako sa kanyang reaksyon.

"Mamayang lunch libre ko kayo guys" nanlaki ang mata ko.

"Weh?! Talaga?! Sure pa sa sure??" Ginulo nya ang buhok ko.

"Oo nga ang kulet natin ah" napasimangot nalang ako. Oo na ako na ang makulit.

"Sige kailangan ko ng pumasok baka malate nako" sambit ni Kiera.

"Ako rin" eirene.

"Ako din" Vanessa at Martha.

"Syempre ako rin" sambit ko.

"Sige bye na mamaya na" paalam namin sa isa't-isa. Pumasok na ako sa room at bumungad ang aking mga kaklase na tila'y may meeting.

"Nangunguna parin si Devilya ah"

"Ang talino nya kase tapos ang galing pa mag-drawing kaya nga kinuha sya ni Mr. Cortez bilang ka-partner ng anak na si Azrael"

"Oo nga! Crush ko nga sya eh, bukod sa matalino, mabait at maganda rin"

"Sinabi mo pa"

Enebe masyado silang magaganda at gwapo char!! Kung makapuri naman sila sobra.

"Guys! Masyado nyo naman akong pinupuri" sambit ko kaya napalingon sila at naglapitan sakin.

"Yeona, congrats sayo! Ang galing mo talaga ikaw parin ang pinaka-taas" napangiti ako.

"Salamat salamat" sambit ko.

Napatingin ako sa board kung saan nandun ang average namin this 4th quarter. Omg! Magbabakasyon na! Pero syempre graduate muna. HAHAHAHA.

Nang dumating si Sir may pinasulat lang siya samin tapos pinalabas nya rin kami dahil maglulunch na. Nagsilabasan na yung iba at naiwan ako at si Jayson.

"Mr. Baldeavilla and Ms. Devilya, congrats sa inyo. Mabuti at pinag-butihan nyo ang inyong pag-aaral lalo kana, Yeona. Natutuwa ako sa iyong kasipagan at kagalingan. At ikaw Jayson, natutuwa rin ako sayo dahil mas maalam kapa saakin HAHAHAHA joke lang basta congrats sainyong dalawa" nagawa pa talaga ni Sir magjoke. Sabagay, kung hindi ako magaling magdrawing siguradong si Jayson ang magtotop samin.

The Rain In Barceloñia | RAIN SERIES #1 |  ✓Where stories live. Discover now