Chapter 44

148 4 0
                                    

| The Rain in Barceloñia |
Chapter 44
COCOMELON

Ikalawang araw namin rito sa boracay, ang saya lang. Nakapagbonding rin kaming buong pamilya. Tanghali ngayon. Tulog pa ang mag-aama. Naisipan kong umorder ng breakfast. Champorado, Tea, Carbonara, Steak at Bacon with friedrice ang inorder ko. At pinadala kona dito sa cottage namin.

"Mga baby gising na kayo..."

Hinanda kona ang pagkain at ininom ko muna ang Tea. Habang inaantay ko ang tatlo na bumangon.

"Good morning, Mommy!"

"Good morning, Love" niyakap nila akong tatlo at halos maipit na ako.

"Good morning....ah! Aray! Naiipit nako...." naka-pout na sambit ko. Kumalas sila sa pagkakayakap at sinenyasan ko na umupo na.

"Order mo?" Tanong ni Adee. Ngumiti ako at tumango.

"Thank you, Love" nakangiting sambit ni Adee.

"Welcome, so let's eat?" Tumango sila at sinimulan na nag pagkain. Natapos kaming kumain at dumeretso muna ako sa banyo. Kailangan ko ng maligo pupunta pa kami sa resort.

Pagkaligo ko. Nagbihis na ako. Bihis na rin ang kambal at abala sa panonood sa kanilang ipad.

"Cocomelon...." napakunot ang noo ko ng makita ko si Azrael sa tabi ng dalawa na nakikinood rin. Agad kong kinuha nag cellphone ko at pinicturan silang tatlo.

"Cocomelon pala ha..." natatawang sambit ko. Sinamaan niya ako ng tingin. Natawa ako.

"Masama bang makinood? Ang ganda kaya ng cocomelon, diba nga anak?" Tumango ang kambal at bumalik na ang tingin sa ipad.

"Yeah!" Sabay na sabi ng kambal.

"Sweetie, dadating si Mom" he said.

"Oh really? Mabuti naman" i said. He smiled at me.

"Si Mom lang hindi makakapunta si Dad eh may trabaho pa" tumango ako.

"Okay na yon" sambit ko. Nagtataka lang ako bakit papauntahin pa nya si Tita? Okay lang naman kami dito eh.

"Gusto ni Mom na makabonding ang kambal. Kaya maya-maya tayo umalis intayin muna natin si Mom" sambit niya.

Nagtanggal muna ako ng sandals ko at naupo muna at nagbukas ng instagram.

Nakita ko ang story ni Azrael. Kaming tatlo ng kambal habanggang nakaupo sa tabing-dagat. Napangiti ako.

Nitong nakaraang araw naggawa ulit siya ng bagong account dahil na-hacked yung dati nya. Maya-maya nagnotif sakin ang post ni Kierra.

With my love:) -----♡

Anjeje niya may papuso pa, joke. Nakapost siya kasama si Azrhys nasa coffee shop ata sila ng Estarais. Mukhang happy na happy ang dalawang doctor.

"Hola!! Omo!!" Nagulat kami ng biglang pumasok si Mama (Mommy ni Azrael).

"Grandma!" Nabitawan ng dalawa ang kanilang ipad at dali-dali na bumaba sa kama. Tumayo kami ni Azrael at sinalubong rin si Mama.

"Oh ang aking mga apo....ang gaganda!" Hinalikan pa ni Mama ang dalawa.

"Hi Mom" bati ni Azrael kay Mama.

"Hi Ma" bati ko. Nagbeso pa kami ni Mama.
At pinaupo na namin at hinandaan ng juice.

"Thankyou, Yeona" sambit niya.

"Paalis na kayo hindi ba? Ako na ang bahala sa kambal don't worry" napangiti ako. Niyakap ko si Mama.

"Thank you, Ma" sambit ko.

The Rain In Barceloñia | RAIN SERIES #1 |  ✓Where stories live. Discover now