| The Rain in Barceloñia |
Chapter 49
Masaya ako para sa'inyoAndito ako ngayon sa bagong bukas na restaurant ni Eirene. Gusto ko sana siyang makausap pero wala siya, ewan koba sa babaeng yun kung saan-saan pumupunta eh pero baka naman nasa isla.
Ansarap ng mga pagkain dito grabe! Lalo na yung carbonara and shrimp avocado salad! Favorites lahat! Nac-crave din ako dun sa maple and dun sa banana cupcake. Kaya bumili narin ako.
Habang kumakain ako nakareceived ako ng text galing kay Xycan.
From: Xycan
Boss Ganda, ansarap naman ng kinakain mo pahingi naman jan!
Halos mapatingin-tingin pa ako sa paligid at nagulat ako ng makita ko si Xycan at kinawayan ako. Kaya naman sinenyasan ko siya. Lumapit naman siya. Mukhang lunch nya rin.
"Libre ba 'to?" Tanong niya. Tumango ako. Umupo siya at umorder pa ako.
Nagintay pa kami ng ilang minutes bago makarating yung order at kumain narin kami ni Xycan.
"So nagkabalikan na kayo?" Pagsasalita ko sa gitna ng pagkain namin.
"Uh-oo! Mahal ko rin eh tsaka wala naman akong chance, diba?" Para tuloy akong nasaktan sa sinabi ni Xycan.
"Asan pala si Arniz ba't di mo kasama?" Tanong ko. Natawa siya.
"Tinakasan ko eh, nakita kase kita dito kaya pumunta ako para kumain" inirapan ko siya. Umaasa sa libre. Parang ako dati HAHAHA.
"I feel you, Bro!" Sambit ko sabay inom ng frappe. Nag-apir pa kaming dalawa sabay tawa.
"Punta tayo sa Arestell mamaya! G?" Sambit niya. Napataas pa ang kilay ko.
"Talaga ba? Legit? Legit?" Tumango -tango si Xycan habang kumakain ng Carbonara. Napangiti pa ako sa itsura nya. Ang cute lang.
"Sige sasama ko si Azrael sama mo din si Arniz" tumango siya at nagthumbs-up pa.
Natapos kaming kumain at tinext ko si Azrael. Hindi kase siya nagpasok dahil nandun naman si Mama Amie sa company. At si Azrhys naman daw ay nasa London. Kaya pala iba na ang timpla palagi ni Kiera.
To: Adee
Bebs, arestell tayo mamaya? With my friends:)
Naglunch na pala ako with Xycan:)
Eat na kayo ng kambal ha? Iloveyou:*
Napangiti naman ako ng magreply siya.
From: Adee
Okay papatulugin ko nalang ng maaga ang kambal at dadalhan kita ng damit:)
Oh really? Pagnilandi ka tawagan mo ako.
Yeah, i love you too, Sweetie pie<3
Napangiti naman ako.
"Masaya ako para sa'inyo" napalingon ako kay Xycan nakita ko ang hawak niyang litarato. Napakunot ang noo ko.
"Xy..." napayakap ako sakanya ng makita ko ang litrato namin apat nung baby pa ang kambal.
"Thank you so much" sambit ko. Tumango siya at hinaplos ang buhok ko.
"Hindi ako nagpapakita sa kanila kase ayaw ko ng umiyak, hindi ko pa rin kase matanggap, hindi madali, lalo na't napamahal ako sa kanila..." napaupo siya sa bench at napahilamos sa kanyang mukha.
Tinabihan ko siya. Pinispis ko ang kanyang likod dahil umiiyak na si Xy. Napayakap tuloy siya sakin.
"Sobrang saya ko para sa inyo.....sobrang saya....mahal na mahal ko kayo..." he said with a broke voice. Tumango ako.
YOU ARE READING
The Rain In Barceloñia | RAIN SERIES #1 | ✓
SonstigesThe Rain In Barceloñia [RAIN SERIES #1] Completed✓ ○TAGALOG ○GENRE- Romance Lahat pwedeng magmahal. Lahat pwedeng masaktan. Lahat pwedeng umiyak pero hindi ibigsabihin non ay mahina kana. Merong dalawang tao na aksidenteng nagkagusto sa isa't-isa ng...