| The Rain In Barceloñia |
Chapter 8"Yeona, una na ako ah! May practice pa ako!"
Tumango nalang ako. Meron palang practice si Martha ngayon. Dahil sa magaganap na pageant. At ang makakalaban niya ay yung Arniz yung maarte na babae. Tss.
Maya-maya habang kumakain ako tumatawag pala si Ariana at kaagad ko naman yon sinagot.
"Hello?"
"[Yeona, asan ka?]" Tanong niya.
"Sa condo, bakit?" Ano naman kayang problema nito.
"[Uhm...ano kase si Xycan at si Azrael nag-aaway! Andito sa gym! Jusko! Alam kong sayo lang makikinig si AD--este si Xy! Kaya please pumunta kana dito!]" Sambit niya.
"O sige sige papunta nako!!" Agad kong ibinaba ang linya. Nakakaasar dahil saan na naman ba sila nagaaway? Tss.
NANG makarating ako sa gym. Bumungad sakin ang tipon-tipon na estudyante. Kaya agad akong tumakbo. Hindi kopa masyado makita dahil marami silang nakaharang.
"Excuse me" sambit ko.
Tumabi naman yung iba. Nang pagkalingon ko. Nakita ko si Xy na may dugo sa kilay at si Azrael naman sa labi medyo basa ang buhok niya at galit na galit talaga ang ekspresyon ng kanyanh mukha ganon narin si Xy.
"Layuan mona sya!" Nagulat kami ng sumigaw si Xy.
Oh my gosh.
"Why? Because you love her?" Naguguluhan ako. Ano bang pinag-aawayan nila.
"Yes! I love her because she's my bestfriend! I don't want her to get hurt because of you!"
Halos tahimik ang lahat.
"Masyado kang OA" susuntukin na sana ni Xy si Azrael pero pinigilan ko sila.
"Tama na! Ano ba! Xy! Azrael! Ano bang pinag-aawayan nyo?!" Tinignan ko sila pareho.
"Nothing" galit na sabi ni Azrael at umalis. Napatingin naman ako kay Xy. Umiling siya at iniwasan ako. Luh? Ano bang nangyayare sa kanila? Hahabulin kopa sana sya pero pinigilan nako ni Kiera.
"Hayaan mona muna sya" aniya.
Tumango nalang ako at pumasok nalang sa room. Apat na araw nalang bago maganap ang pageant at laban ng lions at eagle. Hindi ko alma kung makakapanood bako ng laro nina Xy. Balita ko kase magkalaban sila nina Azrael. Hays.
"Ms. Yeona Devilya, pwede ba kitang makausap?" Tumango nalang ako at sumunod kay Sir. Amadeo.
"Bakit po sir?" Tanong ko.
"Meron lang akong napansin about last week dun sa projects mo, congrats dahil napili ni Mr. Cortez ang isa mong design para sa kanilang company. Im so proud of you, Ms. Devilya. You deserve it" halos manlaki ang mata ko. Talaga? Omg!!! Salamat!!!
"Yes!! Thank you, Sir!!" Sigaw ko. Binigyan niya ako ng isang malaking ngiti.
"Alam mo kahit anak ni Mr. Cortez ay isang ring engineer, yung iyo parin ang pinili niya" huh? May anak pala si Mr. Cortez ang nagpatayo ng university namin?
"Talaga sir? Sino naman po ang anak nya?" Tanong ko.
"You know him. He's Azrael Dave Cortez" halos manlaki ang mata ko. Tatay nya si Mr. Cortez??? As in??? Wow!! Pero bakit hindi yung gawa nya ang pinili?
YOU ARE READING
The Rain In Barceloñia | RAIN SERIES #1 | ✓
RandomThe Rain In Barceloñia [RAIN SERIES #1] Completed✓ ○TAGALOG ○GENRE- Romance Lahat pwedeng magmahal. Lahat pwedeng masaktan. Lahat pwedeng umiyak pero hindi ibigsabihin non ay mahina kana. Merong dalawang tao na aksidenteng nagkagusto sa isa't-isa ng...