| The Rain In Barceloñia |
Chapter 17"Thank you! Xy!"
Binigyan ako ni Xy ng milktea. Kase bukas raw mapapaos ako sa kaka-cheer sa kanyang ka-gwapuhan tss.
"Welcome as always bebe leme.." napairap ako.
"Bebe mo mukha mo!" Tinawanan niya ako.
"Just kidding..." hahampasin ko sana siya ng inalok niya ako ng maple. Grabe....mukha ba akong matakaw sa paningin niya?
"Busog na'ko!" Sigaw ko sakanya.
"Okay...okay....napansin ko lang kase na medyo namayat pa ng konte kaya kailangan mong kumain ng madami ngayon"
luh?! Ang sexy ko kaya!
"Sexy kaya ako!" Inirapan ko siya.
"Anong sexy? Mas okay kung may laman ka naman ng konte kase ampanget tignan pagpumayat ka lalo" sambit niya. Well, tama siya.
"Okay doc" tumawa siya dahil sa sinabi ko. OA rin kase nitong bestfriend ko daig mo pang ako'y kanyang anak na laging may suply ng pagkain....char.
"Una na 'ko" sambit ko.
Nagpaalam na ako sa kanya. Ipapasa kona ulit itong project ko. At tapos na!!! Wala ng project! Tapos graduate na rin ako bilang engineer!! Tapos kabilang narin ako sa company nina Adee (Azrael). Sobrang excited nako!
"Good Morning Lions! Next month graduate na kayo!" Nagsigawan ang iba at nagpalakpakan.
"Bukas na rin pala ang finals! Lions vs Tigers! Ihanda nyo na ang inyong mga lalamunan HAHAHAHA para maicheer ang inyong mga idolo" talaga lang sir! Baka ikapaos ko ang pag-cheer kay Xy!
Nang matapos kami dumeretso ako sa gym aakitin ko lang si Xycan maglunch antagal na kase namin hindi nakakapagsabay eh nung last namin magkakasama ng kompleto ay nung nilibre nya kaming lahat dun sa Verson. Tsaka namiss ko rin siya.
"Oh Yeona andito ka pala! Hanap mo ba si Xycan? Nako umalis may kasamang babae ewan ko kung sino yon mukhang taga-p.u"
Napakunot ang noo ko. Sino na naman kaya ang kasama niya? Tss. At taga-p.u. pa ah.
Playboy na ata ang lalaking yon! Grabe kung sino-sino ang kasamang babae.Tsk! Tsk! Tsk!
"Ganon ba sige una na 'ko...Jelo, salamat" tinanguan niya nalang ako. Umalis na ako ron at napabuntong-hininga na lang.
Tawagan ko kaya si Adee?
Tama! Tama siya nalang ang isasabay ko!
Kaagad kong dinial ang number niya pero hindi niya iyon sinagot. Arghh! Nakakainis! Asan rin kaya ang lalaking yon?! Grr! Solo na nga lang! Hindi rin kase makakasabay sina Martha kaya solo nalang ako ngayon.
Sa canteen nalang muna ako mag-lulunch. No choice....paniguradong wala masyadong tao don. Tahimik pa.
-canteen-
Umorder lang ako ng juice at spaghetti. Habang kumakain ako napansin ko si Xy may kasama siyang babae, tama nga si Jelo taga P.U ito. Tsk! Teka! Teka! Dito sila maglulunch! Makikita ko rin ang mukha ng babaeng kasama niya.
"Xycan, ayaw ko dito! Dun nalang tayo sa Verson o dikaya sa Barcebeque!"
Yuck! Ang arte naman ng babaeng yon! Hindi ko masyado makita ang kanyang mukha pero parang pamilyar ang boses niya.
YOU ARE READING
The Rain In Barceloñia | RAIN SERIES #1 | ✓
De TodoThe Rain In Barceloñia [RAIN SERIES #1] Completed✓ ○TAGALOG ○GENRE- Romance Lahat pwedeng magmahal. Lahat pwedeng masaktan. Lahat pwedeng umiyak pero hindi ibigsabihin non ay mahina kana. Merong dalawang tao na aksidenteng nagkagusto sa isa't-isa ng...