Chapter 31

153 7 0
                                    

| The Rain In Barceloñia |
Chapter 31

Lumipas ang dalawang linggo ng huli kong makita si Adee. Hindi ko magawang makabalik sa bahay naming dalawa. At kahit na tinatawagan at text niya ako ay hindi ko iyon pinapansin.

Andito ako sa garden namin habang pinagmamasdan sina Ate at ang anak nyang si Gael. Napapangiti nalang ako habang makikita kong tumatawa sila.

"Tita Ona! Let's play! Come here! Let's have fun!" Napatingin ako kay Ate at sinenyasan naman niya ako kaya pumunta na ako sakanila.

"Taya ka po!" Sigaw ni Gael ng maabot ako. Nagulat naman ako ng bigla akong makaramdam ng hilo. Napansin naman yon ni Ate kaya tumigil muna kami sa paglalaro.

December 18 ngayon at alam kong bukas na ang alis ni Adee kaya naman napaiyak ako.

"Yeona? Are you okay?" Alalang tanong ni Ate at tumango naman ako. Pero nahihilo talaga ako.

"Akyat na muna ako sa taas ate..."

"Kaya mo ba?" Tumango nalang ako at nang makatayo naman ako ay nandilim na agad ang paningin ko.

Khloris's Point of View

Hinihintay lang naming magising si Yeona. At lahat ng kaibigan niya nandito rin pati sina Mom at Dad. Kinakabahan ako kase kanina pa siya walang malay. At hindi pa rin nakakapunta ang doctor dito para sabihin ang resulta.

"Excuse me" nagulat nalang kaming nagbiglang magbukas nag pinto at napatayo naman kami.

"Mr. And Mrs. Devilya, can i talk to you?" Tanong ni Doctor Santino.

"Oh sure" agad naman nagtungo sina Mom at ang doctor sa loob ng kwarto ni Yeona. Ilang sandali pa ay lumabas na din si Doctor Santino at pinapasok ako. Naiwan naman ang mga kaibigan ni Yeona.

"Khloris! Your sister is 2 weeks pregnant!" Napatakip ako ng aking bibig.

Omg. Im so happy for her.

"Magkaka-apo na ulit kami!" Masayang sambit ni Mommy. Napayakap naman ako kay Mommy at Daddy.

"Our Yeona are going to be a mother....im so happy for her..." napatango nalang sila. Nagulat nalang kami ng biglang mumulat si Yeona kaya napalapit kami sa kanya.

"Where are we?" Tanong niya.

"Nawalan ka ng malay kanina kaya eto nandito tayo sa Barceloñia Hospital" nagpalinga-linga pa siya.

"Am i okay??" Tanong niya.

"Oo naman..." sambit ko.

"Baby, we have a good news to you...." nagkalingunan muna kaming tatlo nina Daddy.

"Ano po yon?" Tanong ni Yeona.

"Anak, your pregnant....you're gonna be a mother....." halos mapatakip rin siya ng kanyang mukha at hindi mapigilang hindi mapaiyak sa sobrang saya.

"I hope he's here...." napalingon kami. Agad akong lumapit sakanya.

"Gusto mo ba sab---" pinutol niya ang iniimik ko.

"Wag muna ate...." sambit nya. Kaya tumango nalang ako. But, Azrael need to know this too....

"But Yeona, he's the father of your child" napaiwas siya ng tingin. Nilapitan ko siya at inangat ang kanyang mukha.

"I know...pero aalis na sya ate..."

Nakita ko ang unti-unting pagpatak ng kanyang luha kaya agad ko siyang niyakap. Pati sina Mommy ay sobrang nalulungkot.

The Rain In Barceloñia | RAIN SERIES #1 |  ✓Where stories live. Discover now