Chapter 37

135 6 0
                                    

| The Rain In Barceloñia |
Chapter 37

Lumipas ang ilang buwan nasa hacienda parin kami. Malapit ng mag-isang taon ang kambal. Naghahanda na rin kami para sa gagawing party.

"Ate, asan si Sav?" Tanong ko. Habang kumakain.

"Umalis kasama si Hinro" napatango nalang ako.

"Yeona, pumunta ka muna sa DaBrus pinapapunta ka ron ni Xycan" habang umiinom ako ng pineapple juice ay muntikan na akong masamid.

Sa DaBrus?! No! No! Andun si Atticus ayaw kong kulitin na naman niya ako kahit naron si Xycan nagpapanggap na fiancé ko.

"Pero ate..." hinawakan niya ang balikat ko.

"Sige na, kailangan ka niya don" napabuntong-hininga nalang ako at napatango. May nag-aalaga na naman sa kambal kinuha ko kase ang anak nina Aling Pasing na sina Gigi at Beya. Buti nalang at mababait sila at marunong mag-alaga ng mga bata.

Habang naglalakad ako sa labas ng mansyon ay nakita ko ang ilang mga nagtatarbaho dito. Isa-isa nila akong binabati. Ganto talaga dito, magagalang at mababait ang mga tao.

Pagkarating ko sa DaBrus ay sa hindi kalayuan nakita agad ng aking mga si Atticus na may buhat na isang sakong bigas. Walang damit at pawis na pawis siya. Napaiwas ako ng tingin ng mapabaling siya sa aking gawi.

"Yeona!"

Nataranta ako.

"W-Wag mo akong lapitan" nauutal na sambit ko. Napalunok ako.

Isa itong napaka-hirap na sitwasyon para sakin. Sobrang hirap!

"Yeona, ngayon ka na lang ulit napadpad rito. Hayaan mo nalang i-welcome kita sa aming resto" hindi ako nagpatinag sakanya. Narinig ko pa ang pagbababa ng bigas. Kaya naman nilampasan kona siya.

Laking gulat ko naman ng mahawakan niya ang aking braso. Halos hindi ko magawang makawala dahil ang lakas niya.

"Iniiwasan mo na naman ako. Ano bang nagawa ko? Wag naman ganto." Napabuntong hininga ako at hinarap na siya.

"Pwede ba! Tigilan mona ako! Hindi mona ako madadala sa mga paganyan-ganyan mo! Tama na......ayaw ko na ng gulo....kaya pwede ba?! tigilan mona ang pangungulit sakin? Please. Nakikiusap ako. Gusto ko ng manahimik" bigla niyang inalis ang pagkakahawak nya sa aking braso.

Hindi na siya nagsalita pa at binuhat na ulit ang isang sakong bigas. Kumaliwa na ako para hanapin si Xycan at nagulat ako ng makita siyang nakatitig sakin. Kumaway siya at ngumiti. Kumaway na rin ako at tumakbo papalapit sa kanya.

"Hinahanap mo daw ako? Bakit? May problema ba?" Tanong ko. Sinenyasan niya akong umupo.

"Yeona, naisipan kong magpagawa tayo kay Tito Vrent ng cake. Natikman ko kase itong gawa niya, nasarapan ako. Malapit na naman ang birthday ng kambal, hindi ba?" Napangiti ako.

"Sige, Xy. Pwede ko din bang tikman?" Tumango nalang sya. Nailang ako dahil sinubuan pa niya ako.

"Masarap ba?" Tanong niya. Napangiti ako at napathumbs-up sakanya.

Ang sarap nga! Tama lang ang tamis.

"Sige magpapagawa ako" hinahawakan niya ang kamay ko. "Ako na" napailing ako.

"Ako na, Xy. May pe---" tinakluban niya na ang bibig ko para maputol ang iimikin ko.

"Ako na, please. Ako na din ang mag-aayos ng lahat. Please...gusto ko ito....gusto kong maging masaya ang mga a-anak ko..." napaiwas siya ng tingin.

The Rain In Barceloñia | RAIN SERIES #1 |  ✓Where stories live. Discover now