Chapter 32

152 7 0
                                    

| The Rain In Barceloñia |
Chapter 32

Dalawang linggo ang lumipas simula ng umalis si Adee. Hindi pa rin ako sana'y lalo na't pumapasok ako sa trabaho at hinahanap-hanap ko talaga siya. Lalo na ngayong nagdadalang-tao ako. Tuwing lunch ay tanging ako lang mag-isa. Hindi ako matanong ng mga empleyado dahil alam nilang magagalit ako sakanila. Medyo napapansin ko na rin ang tiyan ko na lumalaki. Napapangiti nalang ako pagpinagmamasdan ko ang tyan ko.

Napansin rin nina ate na bakit daw doble ang laki eh, isang buwan pa lang naman akong buntis. Niloloko at inaasar nila ako na baka kambal raw ang nasa tyan ko. Pero kung kambal nga sila sobrang saya ko lalo.

"Yeona, aalis na ako. Ingat ka, ha? Wag mo lilimutan na inumin ang mga gamot mo, okay? Kailangan malusog ang baby" tumango nalang ako at ngumiti sa sinabi ni Ate. Kasama ko si Gael ngayon at ang taga-pag-alaga niya.

"Ma'am Yeona, may nag-hahanap po sain'yo si Mr. Xycan po" napangiti agad ako at kaagad na lumabas para salubungin si Xycan. Simula kase ng umalis si Adee ay palagi na niya akong binibisita rito at dinadalhan pa ng mga kung ano-ano.

"Xy! Thank god your here! Imissyou!" Kaagad ko siyang sinalubong ng yakap.

"10 hours mo lang akong hindi nakita miss mo na agad ako" pagkakasabi nya non ay binigyan niya ako ng nakakalokang tingin kaya naman hinampas ko siya.

"Xycan! Tara na nga sa loob baka mapikon ako kaagad sa'yo!" Inakbayan nya nalang ako at pumasok na kami sa loob.

"Binilhan kita ng watermelon tsaka saging alam kong yan ang gusto mo" napangiti nalang ako.

"Tsaka eto pala cookies pinabibigay ni Xyra sa'yo mukhang namiss mo rin ang cookies nya" aniya.

"Thank you so much, Xy!" Niyakap ko siya at niyakap rin naman niya ako pabalik.

"Hala, kumain kana baka gutom kana eh" habang kumakain ako ng cookies ay ginagayat nya yung watermelon. Nagtataka lang ako kung bakit ang tagal niya. Kaya pumunta na ako sa kitchen kung nasaan siya.

Bigla akong napatawa ng malakas ng makita ko ang ginagawa niya.

"What's your problem?" Seryosong tanong nya.

"HAHAHAHA! ano kaba?! Watermelon babalatan mo? Pambihira ka naman, Xycan George! HAHAHAHA!" napahilamos siya sa kanyang mukha at puro mura ang lumalabas sa kanyang bibig.

"Tangina! Ang tanga ko! Nalimutan ko na hinihiwa nga pala yan hindi binabalatan!" Tinawanan ko lang siya ng tiwanan.

"Antanga ko 101 percent!"

"HAHAHAHA patawa ka eh!" Sigaw ko.

Habang nanonood ako ay nakita kong pana'y ang simangot ni Xy. Siguro ng dahil kanina. Tinawanan ko kase siya ng tiwanan. Mukhang pikon HAHAHA!

"Oh ba't ganyan ka makatingin? Sino bang may kasalanan? Diba ikaw?" Pinigil ko ang tawa ko habang siya ay panay irap sakin.

"Ewan ko sa'yo, Xy" nakita ko pa ang pagkabit balikat niya habang salubong ang kilay.

"Halika nga rito, para hindi na ako magtampo" lumapit ako sakanya at sumandal sa balikat niya.

"Alam mo, Xycan....ang swerte ng magiging girlfriend mo" tinignan niya ako.

"Bakit naman?" Tanong nya.

"Kase nasayo na ang lahat~~" kinanta ko pa yon at natawa pa siya.

"Pano kung ikaw yung naging girlfriend ko? Edi ang swerte-swerte mo?" Natigilan ako.

"Joke lang" sambit nya naman ulit.

The Rain In Barceloñia | RAIN SERIES #1 |  ✓Where stories live. Discover now