Chapter 33

149 6 0
                                    

| The Rain In Barceloñia |
Chapter 33

Walong buwan ang lumipas, naging maayos naman ang pag-bubuntis ko palagi na din akong dinadalaw ng mga kaibigan ko. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako nakakapag-pa-ultrasound dahil tinatamad ako.

"Yeona, tara na kase!" Sigaw ni Kuya Kenneth.

"Kuya! Tinatamad nga ako! Bukas nalang" sambit ko habang kumakain ng saging. Nakakainis!

"Ayaw mo talaga?" Pinanliitan ko siya ng mata. Grr!

"Oo na! Tara na nga!" Tumayo na ako at nagsimula ng maglakad pa labas ng masyon.

"Sigurado akong malapit kana talagang manganak" napalingon ako kay Kuya.

"Manghuhula ka ba? Tss..." inirapan nya ako at umuna para pagbuksan ng pinto ng van.

"Oh bat ang daming ganto?" Tanong ko kay kuya. Eh kase naman! Hindi pa naman nasakit ang tyan ko tsaka hindi pa naman ata ako manganganak eh.

"Para sigurado" napabuntong-hininga nalang ako.

Habang nasa byahe kami ay tinext ko si Kiera na papunta ako sa ospital. Ang akala nya ay manganganak na rin ako pero magpapa-ultra lang naman ako.

"Nandun na si Khloris" tumango nalang ako.

Nang makarating kami sa ospital ay sinalubong agad ako ng mga kaibigan ko. Nakakagulat sila dahil nandito silang lahat.

****

"Good news Ms. Devilya! , baby girl sila" napakunot ang noo ko. Sila?

"What do you mean?" Tanong ni Kiera.

"Kambal ang baby!" Masayang sambit ng doctor. Napatakip ako ng bibig. Oh my gosh. I can't believe this! Tama ang hula nina Ate na kambal ang baby ko!

"Oh fuck! Hope all!" Sigaw ni Ariana.

"Stop it! Yayain mo kase para magkaron na rin kayo" inirapan ni Ariana si Vanessa kaya natawa ako.

"Iniwan ako gago" Ariana. Malungkot tuloy ako sakanya.

"Masaya kami para sa'yo..." napalingon ako kay Eirene, hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon.

"Kamusta si Martha? At si Baby Justin?" Tanong ko.

"Okay naman silang mag-ina, at buti na nga lang at nagbalik na ang sigla ni Martha" napatango nalang ako. Mabuti naman at maayos na si Martha.

"Kuya Kenneth, sasabay na kami sa inyo" sambit ni Eirene. Tumango nalang si Kuya.

Habang naglalakad kami nakaramdam ako ng sakit, banda sa tyan ko.

"Yeona, okay ka lang?" Tanong ni Vanessa.

Napahawak nalang ako sa kanya habang iniinda ang sakit.

"Oh my gosh! Manganganak na si Yeona! Sabi kona nga ba!" Sigaw ni Ariana. Kaya naman tumawag si Kuya ng nurse at kaagad akong isinakay sa wheelchair.

"Kiera, ikaw na ang bahala sa kapatid ko at sa baby nya" tumango si Kiera.

Gosh! Baby....wag nyong pahirapan ang mommy....

The Rain In Barceloñia | RAIN SERIES #1 |  ✓Where stories live. Discover now