Chapter 36

134 6 0
                                    

| The Rain In Barceloñia |
Chapter 36

"Madam, pinabibigay po ni Mr. Atticus"

Napalingon kay Cintia. Tss. Hindi talaga ako titigilan ng lalaking yon! Nakakainis!

"Itapon mo na wala naman yang kwenta" tumango nalang si Cintia at naglakad paalis. Kaagad kong kinuha ang phone ko buti nalang at dala ko ang wifi. Kaagad bumungad sakin ang mga chat ng mga kaibigan ko.

Xycan George

Yesterday 11:11 pm ---

Kamusta, Leme? Maayos ba kayong nakarating dyan?

Ariana

Yeona, papunta kami jan!!

Nagulat ako ng biglang may nag-appear sa gmail ko. Biglang lumakas ang pintig ng puso ko sa nabasa ko.

From: Azrael Dave3

Hi Sweetie, how are you? I miss you so much.....always remember that i love you....every second, every minute, every hour, everyday and forever....take care always...sorry ngayon lang ako nagparamdam...don't worry about me...im always fine sapat na ang palagi kang nasa isip ko....iniisip ko nga rin kung meron ba tayong naging anak?? Hindi kona yon aalamin pero kung meron man....sobrang saya ko....can't wait to see you...3 years and half month nalang...pagnaka-uwi na ako magpakasal na tayo kaagad at gumawa ng maraming-maraming baby....Hahaha! Joke...uhm....i love you, Sweetie. *Hugs and kisses*

Napahikbi ako. Sobrang saya ng puso ng makita at mabasa ko ang mensahe niya.

Nagtype kaagad ako.

To: Azrael Dave3

I will wait you, Adee. I love you more....sobrang miss na din kita.

Sinend ko agad yon. Naghintay ako ng reply galing sakanya pero wala. Hinayaan ko nalang dahil baka busy rin siya.

Napaisip ako sa sinabi niya....tama sya...may naging anak kami at ang kambal yon. Napangiti ako. Iintayin ko siya kahit gaano pa katagal.

"Yeona?" Napatalon ako ng biglang sumulpot si Ate Khloris.

"Sino iyan?" Tanong niya.

"Ate minessege ako ni Adee!" Masayang sambit ko. Nanlaki rin ang mga mata niya at hindi mapigilang hindi tumili.

"Mabuti naman at nagparamdam siya" sambit ni Ate sabay ngiti sakin. Napatingin tuloy ako sa kambal.

"Kailan mo sasabihin sa kanya? Yeona?" Napatingin ako kay Ate. Seryoso ang mga titig nya. Napabuntong hininga ako.

"Ate, hindi ko alam...wala pa akong balak.." napabuntong-hininga na rin siya at kaagad akong inakbayan.

"Rerespetuhin ko ang magiging desisyon mo, Yeona. Pero kapag mali kana, sana hayaan mong ako na ang mag-tama" tumango ako at ngumiti ng mapait.

Tumayo na siya at nagpaalam na aalis muna kasama si Tita.

Habang nag-i-instagram ako nagulat ako ng bigla kong makita ang my day ni Adee.

Isang litrato kasama ang isang babae na kahalikan niya. Mukhang ginusto niya dahil nakahawak pa sya sa baywang nito. Halos malaglag ang cellphone ko ng makita ko iyon.

Parang tinutusok ang puso ko. Ansakit. Akala koba?? Ako lang??

"Aaaah!!!!!"

Sigaw ko sabay labas ng kwarto. Buti nalang at hindi nagising ang kambal.

Kaagad akong pumunta sa kusina para makapaghanap ng alak na maiinom. Bigla akong nakakita ng dalawa kaya kinuha ko kaagad iyon at binuksan. Umupo ako sa sahig at saka lumaklak ng alak. Hindi ko mapigilan ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko.

"A-Ansakit! Fuck you ka talaga! Azrael! Bakit sinasaktan mo ako ng sobra?!"

Panay mura ang naiimik hanggang sa maubos kona ang isang bote ng alak. Ako'y nahihilo na. Wala na ako sa sarili ko.

"Yeona?! Anong ginagawa mo?!"

Napalingon ako at laking gulat ko ng makita ko si Xycan. Bakit nandito sya?

Kaagad niya akong nilapitan at saka kinuha ang kutsilyong hawak ko. Niyakap niya ako at napahagulgol naman ako at napayakap ng mahigpit sa kanya.

"Anong ginagawa mo? Bakit sinasaktan mo ang sarili mo? Yeona, sabihin mo nga kung anong nangyare? May problema kaba?"

Panay iyak lang ako. Habang umiiling. Hindi kona alam! Ayaw kona....ansakit na talaga....ang hirap ng sitwasyon ko....sobra.

"Xy, kiss me..." natigilan siya.

"P-Pero--" kaagad akong kumalas sa pagkakayakap sakanya.

At kagaad na inangkin ang labi niya. Napapikit ako. Hindi siya makagalaw.
Siguro ay hindi niya akalain 'to.

"Yeona...mali na 'to" kumalas siya at hinarap ako. Nangilid ulit ang mga luha ko. Saka hinampas siya.

"Xy, naman! Nasasaktan na ako! Sobrang nasasaktan! Nakita ko lanag naman na may kahalikan ang fiancé ko! At naka my day pa sa instgram! Tangina! Ansakit..." napaupo ako sa sahig at niyakap ang sarili kong mga binti.

"Andito lang ako, tatanggalin ko ang sakit na yan....hindi ko hahayaang masaktan ka...kase...." napalingon ako sa kanya. Pumantay siya sa akin at hinawakan ang ulo ko. "Mahal kita..." hinalikan niya ang noo ko. Napapikit ako sa kanyang ginawa.

Iniisi ko naman si Arniz.

"S-Salamat, X-Xycan..." inilahad niya ang kamay niya at inalalayan na nya akong makatayo. Umakyat na kami sa taas at pumasok sa kwarto.

Xycan's Point of View

Pinagmamasdan ko sina Yeona at ang kambal. Tulog na sila. Buti nalang at napatahan ko si Yeona. Pupunta talaga ako dito dahil nabalitaan ko na may kumukulit daw kay Yeona kaya naisipan kong magpanggap na 'fiancé' nya sa ngayon.

Nagtext kase si Ate Khloris saakin at sabi nya tulungan ko daw si Yeona. Kaya eto...tutulungan ko ang bestfriend ko.

Nagsabi na rin ako kay Arniz at pumayag naman siya. Naawa rjn daw siya kay Yeona. At madami siyang pinadalang prutas.

Habang nakatitig ako kay Yzkabelle at Azmerah ay napagtanto ko na hawig na hawig talaga nila si Azrael at Yeona. Kung baga pinag-halong Yeona at Azrael.

Nung una, nagulat ako kase nalaman ko nalang na buntis pala si Yeona. Akala koniloloko lang ako ni Ariana pero totoo pala ang lahat.

Nagbago ang lahat ng nakapag-tapos kaming lahat. Lalo na si Yeona at si Kiera. Si Yeona nasasaktan. Si Kiera naman, sinasaktan si Azrhys ng sobra.

"Xycan?" Napalingon ako sa pintuan. Si Savana pala.

"Anong nangyare? Bakit ang aga matulog ni Ate Ly?" Napabuntong-hinanga ako.

"Naabutan kong naglalasing may nakita na naman hindi maganda sa social media...si Azrael kase....may kahlikan" napatakip ng bibig si Savana. At napailing.

"No! No....hindi totoo yan! Malay mo may gumamit ng account ni Kuya Azrael tapos inedit na may kahalikan lang siya? Iba?? Madami na ngayong naninira ng relasyon...baka naman ganon lang..."

Napatango ako. Pwede rin naman yon. Kaso mukhang totoo talaga yon.

Nasasaktan rin tuloy ako, ayaw kong nakikitang nasasaktan si Yeona....kase...syempre...bestfriend ko siya at syempre...mahal na mahal ko siya...

"Pag-totoo ang lahat ng yon, matitikman ni Azrael ang suntok ng isang 'Xycan George'"

Napabuntong-hininga si Savana.

"Hindi yon magagawa ng isang, 'Azrael' ang lahat ng yon. Malaki na ang tiwala ko sakanya at alam kong hindi nya yon sisirain"

Napatingin kami kay Ate Khloris na parang may alam sa mga nangyayare. Kaagad na siyang umalis rin.

Hindi kaya may alam rin si Ate Khloris?

Hmm.....

The Rain In Barceloñia | RAIN SERIES #1 |  ✓Where stories live. Discover now