Chapter 13

177 7 0
                                    

| The Rain In Barceloñia |
Chapter 13

"Nag-iintay na si Ariana"

Lumabas na kami ni Martha ng condo at pumunta na sa parking lot. Malalate na kami pero nakapag-paalam na naman ako kay Sir dahil may pinagagawa rin siya saakin. May kukuhain pa akong libro sa library. Hays.

"Yeona, okay ka lang?" Napatingin ako kay Martha na mukhang nag-aalala. Wow.

"Oo naman...okay lang ako" at ngumiti. Naiisip ko na naman kase si Xycan. Nasan na kaya siya? Sana pumasok na siya mamaya.

"Nako! Sabi kona nga ba! Si Xycan ba ang iniisip mo? Nako! Nagtext pala siya saakin kahapon at kanina ko lang nabasa, sumama raw kase ang pakiramdam niya kaya umalis siya ng maaga"

Huh? Akala ko nagpunta siya sa lola niya? Iba rin magdahilan si Xy noh? Ang galing. Pero kamusta na kaya sya?

"Ganon ba...." napatingin nalang ako sa bintana ng sinasakyan namin ngayon. Ilang saglit pa nakarating narin kami sa campus. Si Ariana naman ay pumasok na sa Palsavillion. Para naman akong nalungkot.

"Bes, okay ka lang ba talaga?" Tanong ni Martha. Ngumiti ako.

"Oo naman, sobrang okay lang ako" sambit ko. Tumango siya.

"Sige mauna na ako sayo ah? Ingat ka" sambit niya tumango nalang ako at pumunta na sa library para kuhain ang libro na pinapakuha ni Sir. Medyo mabigat pa naman ang mga yon.

Nang matapos kong makuha ang lahat. Nagtaka ako na bakit ako pa ang pinakuha ni Sir eh pwede naman yung mga lalaki kong kakaklase ang kumuha nito. Sa dami ba naman at hindi ko pa ata kaya eh.

Habang naglalakad ako sa hagdan naramdaman kong medyo hilo ako. Gawa siguro nalimutan kong mag-breakfast. Para akong nanghina na agad na nahulog ko ang mga librong hawak ko, kasabay ng pagpikit ng mga mata ko.

-Martha-

Nag-aalala talaga ako kay Yeona ngayon. Andito kami sa clinic, dinala raw kase siya dito kanina. At kanina pa daw hindi gumigising si Yeona. Kinakabahan ako.

"Martha? What happen?" Nagulat ako ng pumasok sina Vanessa, Kiera at Eirene.

"Nawalan daw malay si Yeona kanina at buti nalang nakita siya ni Kuya" turo sa lalaking bumuhat kanina kay Yeona para isugod dito sa clinic.

"Oh! Gosh! We need to call tita" sambit ni Vanessa. Pinigilan ko siya.

"Wag! Baka magalit si Tita pagnalaman pa niya ang nangyare kay Yeona" sambit ko. Napatango sila.

Nagulat nalang kami ng may tumunog na phone. Kay Yeona yon! Kinuha naman yon ni Kiera at agad na sinagot.

"Hello? Sino 'to?" Napakunot ang noo ko.

"Azrael? Omg! Thank god! Si Yeona? She's here now at the clinic, masama ang pakiramdam niya nawalan siya ng malay. Talaga? Pupunta? Pero pano? May pasok, right? Weh? Osige! Iintayin ka namin, dito"

"Pupunta raw si Azrael dito" sambit ni Kiera tumango nalang kami. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag.

Ilang sandali pa. Nagulat kami ng magising na si Yeona.

"A-anong nangyare? Bat nandito ako?" Tanong niya.

"Nawalan ka ng malay kanina at buti nalang nadala ka ng isang estudyante. Sayang nakaalis na siya pero nakapagpasalamat na naman kami wag ka ng mag-alala" sambit ni Eirene.

"Anong nararamdaman mo? Okay kana ba? Anong masakit sayo?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Wala wala okay na ako, gutom lang to' guys!" Napatawa kami. Mukha nga.

The Rain In Barceloñia | RAIN SERIES #1 |  ✓Where stories live. Discover now