| The Rain In Barceloñia |
Chapter 38Nagising ako ng maaga dahil bigla nalang may kumatok sa kwarto ko. Pinapasok ko. Nagulat ako ng makita ko si Xy na maagang nakabihis.
"Good moring" hinalikan niya ako sa noo.
"Good morning, ang aga mo ata?" Smabit ko.
"May kailangan lang akong bilhin"sambit nya.
"Halika na sa baba, kumain kana muna baka magising pa ang kambal baka hindi ka pa makakain, hindi pa kase nadating sina Gigi at Beya" tumango na ako at bumaba na sa aking higaan.
Hinawakan niya ang kamay ko. Naiilang na naman ako. Bumungad samin ang ilang mga katulong meron ng mga nakahaing pagkain.
"Teka! Xy! Hindi kaba kakain?" Nilingon niya ako. "Nakakain na ako, sorry hindi na kita nasabayan" tumango ako.
"Okay lang sige na...mukhang mahalaga ang pupuntahan mo" tumango na siya at nagpaalam.
Habang kumakain ako ay bigla akong nakarinig ng tawag sa labas ng bahay.
"Yeona! May tao ba dito? Pasensya na! Napa-aga kami!" Pamilyar ang boses na yon. Kaya napatayo ako at sinenyasan ang mga katulong na buksan ang pinto.
Biglang bumungad ang mga kaibigan ko na may dala pang maleta. Napailing ako. Tss.
"Omg!! Namiss ka namin!!!" Sigaw nilang lahat at kaagad akong niyakap.
"Teka! Teka! Hindi ako makahinga!" Sigaw ko. Napatawa siya at kumalas sa pagkakayakap.
"Gurl! Nag-iba kana! Look oh! Yung hair mo bagay na bagay sa'yo! Mas mahaba sya ngayon! Tas parang nagbata ka lalo ah...alagang ano ba?" Napailing ako sa sinabi ni Ariana.
"Tsk! Pumasok nalang ka'yo. Alam ko naman na maganda ako di mo pa deretsohin" tumawa sila.
"Oo nga naman!"
"Manang, padala naman po nito sa guest room. Magpatulong nalang po kayo kay Caloy" tumango si Manang.
Naglibot ang mga kaibigan ko at napadpad sa kwarto ng kambal. Nagulat nalang ako na gising na pala ang dalawa. Buti nalang at nakita daw yon ni Gigi at Beya. Kadadating lang nila.
"Ang ganda ng inaanak natin! Manang-mana sa mommy!!" Sambit ni Vanessa habang nanggigil sa pisnge ni Belle at Merah.
"Kamukha talaga ni Yzkabelle si Azrael, mas kuha niya ang mata at ilong. Si Mearah naman pinaghalong, Yeona at Azrael" Kiera.
Napaiwas ako.
"Asan pala si Martha?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Ah nasa kotse pa may kinukuha lang. Kasama nya rin si Baby Justine" nanlaki ang mata ko.
"Talaga? Kasama si Justine?" Tumango si Eirene.
"Yeona!" Napalingon ako sa pinto at biglang bumungad si Xycan na sobrang daming dala. Kaya kaagad ko siyang sinalubong.
"Ano 'to? Para kanino itong lahat?" Tanong ko. Ngumiti siya.
"Para sainyo" nginitian niya ako. Binaba niya ang lahat ng yon. At bigla naman akong nagulat ng may bigla may mga taong dumating.
Nagtataka ako kung sino yon. Nanlaki ang mata ko saka napatakip ng sariling bibig. Sina Mom!
"Mom! Dad! Buti nakapunta kayo!" Kagaad ko siyang sinalubong ng yakap.
"Oh my gosh! Is that you? My baby?! Wow..." napangiti nalang ako.
"Asan ang aking magagandang apo?" Tanong ni Dad. "Kasama po nina Ariana sa taas" tumango si Dad at nagpaalam na dun muna siya.
YOU ARE READING
The Rain In Barceloñia | RAIN SERIES #1 | ✓
RandomThe Rain In Barceloñia [RAIN SERIES #1] Completed✓ ○TAGALOG ○GENRE- Romance Lahat pwedeng magmahal. Lahat pwedeng masaktan. Lahat pwedeng umiyak pero hindi ibigsabihin non ay mahina kana. Merong dalawang tao na aksidenteng nagkagusto sa isa't-isa ng...