Chapter 40

144 5 0
                                    

| The Rain In Barceloñia |
Chapter 40

Nagising ako ng bigla kong narinig ang alarm ko. 6 a.m na pala. Kaagad akong bumaba. Nakita ko na gising na ang kambal at kumakain na.

"Good Morning, Mommy!" Bati nilang dalawa. Lumapit ako sakanila at hinalikan ang kanilang ulo.

"Good morning! So today si Tita Khloris ang maghahatid sainyo ha? Maaga si Mommy papunta pa sa ating company si daddy Xy nyo naman may din kaya sabay muna kayo kay Kuya Gael and Tita Khlo, ha?" Tumango sila.

"Okay po mommy" belle.

"Okay po mommy" merah.

Napangiti ako. Nagpaalam na ako sa kanila na maliligo na ako. Nagmadali narin ako dahil may new business partner na ang company.

Hindi pa nga nasasabi ni Kuya ang pangalan pero mukhang hindi ko rin malalaman kaagad kase nga mysterious daw yung man na yon. Ewan ko ba kay Kuya ang daming alam. Tsk!

Natapos akong magbihis at kumain na rin ako kaagad. Hindi ko na din naabutan ang sina Ate malamang ay nasa byahe na sila papunta sa school ng mga bata.

"Yeona, bakit ang unti lang ng kinain mo?" Tanong ni manang.

"Ah ano po kailangan ko na po kase magmadali, may kailangan pa po akong abyadin sa company" napatango si Manang.

"O'sya siguraduhin mo lang na hindi ka magugutom. Tignan mo oh....namamayat kana..." sambit ni Manang. Tumayo na ako.

"Nako sexy po in-short" napatawa ako sa sarili ko. Natawa rin naman si Manang.

"Hala na, malalate kana" tumango na ako at nagpaalam.

"Kuya Driver, tara na po?" Tumango na si Kuya. Pumasok na ako sa kotse at pinaandar naman agad ni Kuya Driver.

YZKAMERAH COMPANY

Habang naglalakad ako sa hallway. Binati na ako ng mga empleyado. Todo ngiti at bati sila sa akin. Yung iba hindi ko nababati.

"Good morning, Madame!"

"Good morning, Ma'am!"

"Morning!" Sambit ko. Pumasok na ako ng elevator. Nasa 15th floor ang office ko. Habang nag-iintay ako ay naka-received ako ng text galing kay Kiera.

Pero hindi ko naman yon agad nabasa dahil biglang tumunog na yung elevator. It means 15th floor na. Tch.

Wala masyadong nagkalat na empleyado dahil si Kuya mismo ang pumili ng magagaling at responsable sa trabaho.

Pagkapasok ko sa office nandun na si Kuya. Mukhang inip na inip na siya sa pag-iintay sakin.

"Sor----"

Naputol ang iniimik ko.

"Okay lang. Mamaya pa daw si Mr. Baldes mga 1 p.m nasiraan daw siya ng kotse" nakahinga ako ng maluwag.

Agad akong umupo at nagpahinga. Bigla naman may kumatok.

"Good Morning, Ma'am/Sir! Do you want coffee po?" Tumango ako. Umiling naman si Kuya.

"Black coffee po? Or Mixed Coffee?" Tanong ni Laidee.

"Mixed nalang siguro" tumango siya.

"Oo nga pala, asan si Ariana?" Biglang tanong ni Kuya.

"Si Ariana? Ah nagpaiwan sa probinsya kasama si Atticus" nag-roll-eyes pa si Kuya ng banggitin ko ang pangalan 'Atticus.'

The Rain In Barceloñia | RAIN SERIES #1 |  ✓Where stories live. Discover now