PROLOGUE

17 1 0
                                    

"Zik!"

"Zik!"

"Zikretto Oceana!"

Napa itlag ako at diretsong bumangon dahil sa gulat.

"Tita bakit po?" Namamaos kong tanong at kinuha ang salamin.

"Anong bakit? Tanghali na po at yung mga labahan mo hinihintay ka na."

Nag unat ako ng katawan at tiningnan ang orasan bago kinuha ang towel at lumabas.

"Anong oras ka ba natulog kagabi o kung natulog ka pa ba?"

"Natulog po ako alas kwatro nga lang ng umaga."

"Hay naku Zik, sa ginagawa mong 'yan baka maging pasyente ka muna bago maging doctor."

Uminom ako ng tubig.

"At least sa hospital pa rin ang bagsak diba? Ligo lang po ako."

"Pilosopong bata. Yung labahan sa kwarto ng mahal na prinsipe kunin mo ah."

"Opo."

"Oh siya, pupunta na ako sa mansiyon sumunod ka na agad."

"Bibilisan ko Tit-Ahh ang lamig!"

Tumalon talon ako na parang palaka dahil sa sobrang lamig ng tubig.

"Ay hala yung salamin ko!"

"Napano ka?" Boses ni Gara ang narinig ko.

Pabuntong hininga kong inalis ang salamin at inilabas sa pintuan.

"Gara palagay naman nito sa ibabaw ng kama ko."

"Ayun, nabasa na naman. Araw-araw na lang Zik."

"Nakalimutan ko na naman."

"Iba rin ang utak mo, kapag tungkol sa medical terminologies memorize mo pero yung salamin mo palagi mong nalilimutan."

"Nawalan na yata ng space yung utak ko para matandaan na may salamin akong suot."

"Aish! Sige na bilisan mo ng maligo pupunta na rin ako sa supermarket."

"Ingat ka!"

Ipinag patuloy ko ang pag ligo ko at diretsong nag bihis ng kulay itim na uniporme ko at puting sapatos.

Uniporme na nag sasabing katulong ako sa isang malaki at magandang mansiyong ito.

Kinuha ko na ang basket at sumimsim lang ng kape na iniwan ni Tita saka kumuha ng tinapay at lumabas sa maid's quarters para pumunta sa loob ng mansiyon.

"Good morning Zik."

"Good morning Kuya Emz."

"Kumain ka na?"

"Opo. Punta lang ako sa taas."

"Okay,"

Isang abalang umaga na naman para sa mga katulong sa loob ng bahay na ito. Umakyat ako sa elegante at engrandeng hagdan at ngumuso ng mag simula na namang gumawa ng malikot na imahinasyon ang utak ko.

I'm imagining me wearing a beautiful gown while walking down on this staircase with my prince charming waiting for me.

Tsk. Another day dream Zikretto. I shook my head and continue walking.

"Good morning Ma'am, kunin ko lang po yung laundry niyo."

"Good morning too Zik, you can get it now but be quiet because Lei is still asleep."

"Okay po Ma'am Calli."

Dahan dahan at buong pag iingat kong binuksan ang pintuan at nag lakad papunta sa C.R.

Hindi ko dapat magising si Lei dahil bukod sa mapapagalitan ako ay hindi rin ako makakapag trabaho ng maayos dahil kukulitin na naman niya ako.

Nahugot ko ang hininga ko ng marinig ko siyang umungot at gumalaw sa kama. Halos ngumiwi rin ako at parang balahibong nag lakad palabas.

"Hay thankyou Lord." I held my chest in relief.

Sunod kong binuksan ang kwarto ni Ma'am Katie at naabutan ko siyang naka tunganga sa laptop niya. Ang aga aga.

"Good morning Ma'am, kunin ko lang po ang laundry niyo."

"Morning, go ahead."

Naka pantulog pa siya at halatang bagong gising lang din pero nasa laptop na agad ang mga mata niya.

Katulad ko lang din. Ang kaibahan lang ay nakaupo siya ngayon sa komportableng upuan samantalang ako ay nangongolekta ng mga labahan.

Gamit niya ang mamahalin at bagong laptop, samantalang ang gamit ko ay yung laptop na burado na ang tatak sa likuran at bakbak na ang kulay dahil sa kalumaan.

"Gusto niyo po bang dalhin ko na lang dito ang breakfast mo?"

"No, baba na lang ako thankyou."

Sagot niya ng hindi inaalis ang atensyon sa ginagawa.

"Sige po, excuse me."

Lumabas na ako ng kwarto niya at pumunta sa pinaka dulong kwarto kung saan matatagpuan ang unico hijo ng pamilyang ito.

"Good morning," Pabuntong hiningang bati ko sa tahimik na namang kwarto.

"Hayst! Bibihira na nga lang mauwian napakarami pang kalat."

Umiling ako at pinulot ang mga kalat sa sahig. Inayos ang gusot gusot na bedsheet, at tinupi ang mga labahan na basta na lang nakalagay sa gilid ng sink.

Ngumiwi ako habang inaangat ang brief niya. Large size huh?

"Salaula talaga ang lalaking 'yon."

Pag ka tapos kong kunin ang labahan ay inayos ko naman ang kwarto. Hinawi ko ang kurtina at ng maliwanagan naman ang kwarto.

Inayos ko rin ang mga displays sa estante at pinag masdan ang portrait sa itaas nito.

"Hello Mister, it's me again. Palagi na lang portrait ang nakakausap ko sa t'wing pupunta ako rito."

Pinag masdan ko ang mukha niya at sinuri ang bawat parte nito. Sa araw-araw kong ginagawa iyon ay memoryado ko na ang bawat sulok ng mukha niya, kung ilan ang nunal at kung ano ang eksaktong anyo nito.

"Staring at your portrait makes me realized that Greek God do exist and I'm staring on one of them right now. With a bleak eyes though," I said almost a whisper.

"Make it happy then."

Umawang bigla ang bibig ko at hindi naka galaw sa kinatatayuan ng marinig ang malalim na boses sa likuran ko.

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko ng marinig ang yabag niya na papalapit sa akin.

"No one told me that someone's looking at my portrait every morning."

Lalo kong kinagat ang labi ko at napapahiyang yumuko.

"S-sorry po."

"Look at me." He commanded.

I grip on the hem of my shirt before lifting my eyes to him. I expect that I will see his mad or irritated reaction but I got disappointed when I saw nothing but his emotionless face.

He stared at me for a while and I'm not breathing for the whole time he's staring.

"Get all the mess out of my room. I want to rest," He dictate boredly.

I blinked twice and hurriedly step back to grab the basket.

"S-sorry sir."

Tumalikod siya sa akin habang kinuha ko na ang mga labada ko at ang basura galing sa kwarto niya.

Nang maka labas na ng kwarto ay doon pa lang ako naka hinga ng maluwag. Pero may kung anong mabigat ang naiwan sa dibdib ko kaya nilingon ko ulit ang pintuan.

Sa lahat ng tao sa bahay na'to, siya lang ang hindi ko man lang makausap at makita ng maayos.

What seems to be your problem Gideon Xrus Mañejas?

HYPNOTIZING LOOKS(Looks Series #2)| OngoingWhere stories live. Discover now