CHAPTER 23

4 0 0
                                    

Kinaumagahan, pakiramdam ko lalagnatin ako. Lahat ng parte ng katawan ko ay masakit. Nag talukbong ako ng kumot ng maalala ang nangyari kagabi.

I silently groaned because of mixed emotions. Zikretto! I can't believe you're not a virgin anymore!

Sumilip ako sa kumot at dinungaw ang higaan ni Gideon, nakatupi na iyon. Sinuyod ko rin ng tingin ang buong kwarto at nag pasalamat na wala siya dito.

Last night was unexpected but I can't deny that I enjoyed it damn it!

Sinilip ko ang sarili ko at nanlumo ng makitang t-shirt at undies lang ang suot ko. Nang tumingin ako sa orasan ay alas syete na ng umaga. Kaya nag madali akong kumilos.

Pero ng akma na akong tatayo ay napangiwi ako at napahawak sa side table. Ang sakit!

My gosh don't tell me I have laceration?

Humakbang ako kahit na masakit at nag punta sa bathroom. Naligo na ako para linisin ang sarili, nangingilabot pa dahil nararamdaman ko pa rin ang kamay at katawan ni Gideon sa akin.

Nang sa wakas ay matapos na akong mag ayos ng sarili ay lumabas na ako ng kwarto. Pero parang gusto ko ulit pumasok ng kwarto ng makita kong napako ang tingin nila sa akin.

Ang mga tenants, si Caleb, si Tito at lalong lalo na si Gideon. Gustong gusto ko na lang na bumuka ang lupa at kainin ako nito at hindi na ibalik.

Pakiramdam ko alam nila ang nangyari sa amin ni Gideon kagabi.

"Good morning Zik!" Si Liam ang bumasag ng katahimikan.

"Good morning, tinanghali ka rin ng gising? Sarap matulog no ang lamig kasi." Dagdag ni Benjie.

Natikom ko ang bibig ko at tumango.

"Uh yeah Good morning."

Ni hindi ko maigalaw ang mga paa ko lalo pa't nanonood sa bawat galaw ko si Gideon. Gustong gusto ko siyang sigawan dahil sa ginawa niya sa akin pero sa t'wing naiisip ko kung paano ko isigaw ang pangalan niya kagabi ay nanlulumo ako at kinakain ng kahihiyan.

Sobrang rupok ko.

"Oh Zikretto gising ka na pala. Halika tulungan mo akong mag ayos ng hapag."

Pilit akong ngumiti kay Tita at marahang naglakad palapit sa kaniya. On the side of my eyes I saw how Gideon raised his brow with his serious face.

Nang dumaan ako sa gilid niya ay hinawakan niya ako sa braso. Libo libong boltahe agad ng kuryente ang naramdaman ko, sa hawak pa lang 'yon ah gano'n ako ka rupok nakaka disappoint ka Zik.

"Masakit ba?" He whispered.

Inis ko siyang binalingan ng tingin, iniisip na nanunuya pero seryuso at may halong pag aalala ang ekspresyon niya kaya naman umiling na lang ako bilang sagot.

Pumunta na ako ng kusina at tumulong kay Tita. Tumila na ang ulan at bahagyang sumisilip ang araw. Mukhang tapos na ang bagyo.

Mabuti na lang at tinanghali rin sila ng gising dahil kung hindi paniguradong magtataka si Tita sa oras ng gising ko lalo pa't kasama ko si Gideon sa kwarto.

Kumain kami ng sabay sabay at bawat pag lunok ko ay ingat na ingat ako dahil sa talas ng tingin na nararamdaman ko.

Humupa na rin ang baha at kasalukuyan ng binabalik ng mga tenants ang gamit nila sa mga kwarto nila. Samantalang si Gideon naman ay kausap si Tita maya't maya pa rin ang tingin sa akin.

"Zik halika nga rito."

Sobrang kaba ang agad kong naramdaman ng marinig si Tita. Hindi ko alam kung aatras ba ako o lalapit pero sa huli ay lumapit na rin ako.

HYPNOTIZING LOOKS(Looks Series #2)| OngoingWhere stories live. Discover now