CHAPTER 6

10 0 0
                                    

At dahil katulong lang ako at amo ko siya, wala akong nagawa kung hindi ang sumunod.

Ang sarap sanang humiga ngayon sa kama at matulog lalo pa ngayong pagod at nahihilo ako pero dahil sa bugnutin kong amo ay napilitan akong maligo kahit malamig pa ang tubig.

Inggit na inggit akong tumingin sa mga kasama kong halos maghilik na sa pagtulog. Kaya sinuot ko na lang ang salamin ko at kinuha na lang ang dustpan, walis tambo at duster. Saka bumalik sa mansion.

Mabigat ang mga hakbang ko papunta sa kwarto ni Gideon. Makailang irap na rin ang ginawa ko bago pinihit ang doorknob at pumasok.

Nang sumungaw ako ay nakita ko siyang nakaupo sa sofa niya. He look me above the screen of his laptop and I continue to go inside.

Agad akong nadismaya ng makita ang mga kalat sa sahig. Isa pang problema ay salaula siya at hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niyang ilagay sa tamang lalagyan ang mga basura niya.

Bumuntong hininga ako at nagsimulang pulutin ang mga kalat.

"May basurahan naman hindi na lang ilagay tss," Bulong bulong ko.

"Excuse me?" His monotone voice echoed on the room.

Umirap ako. Hindi niya naman ako makikitang umirap dahil nakayuko ako.

"Papalitan ko ba ulit ang bedsheet mo?" Halos mag tunog naiirita na ako.

"Yes and the curtains too."

Karton ng chuckie, ginusot na mga papel at canned beer. Kinuha ko ang isa sa mga ito at yinupi na nakagawa ng tunog. I lifted my eyes to him and I caught him staring at me. Ako na lang ang umiwas.

Sa buong minutong pagpupulot ko ng basura ay nasa sofa lang siya. Lalo tuloy akong naiilang na magtrabaho dahil may nakabantay. Pero imbis na pansinin siya ay nagpatuloy na lang ako sa pag alis ng bedsheet. Tahimik lang siya at tunog lang ng keyboard ang naririnig ko pati na ang aircon. Nang inalis ko ang isa sa mga kurtina ay sumulyap ako sa labas at sandaling tumigil.

May kulay kahel na sa langit hudyat na malapit ng sumikat ang araw. Bagaman naroon pa ang north star na siyang agaw pansin sa madaling araw.

Bahagya akong ngumiti ng magandahan sa nakita saka ipinagpatuloy ang paglalagay ng panibagong kurtina. Nilinis ko na rin ang banyo at study room niya, pati mga labahan ay kinuha ko na rin.

Nang matapos ay lumingon ako kay Gideon.

"Malinis na. May gusto ka pa ba?" Tanong ko handa ng umalis.

Sinulyapan niya ako pati na ang mga dala ko.

"Maglalaba ka ba?"

Obvious ba? Tsk.

Tumango ako sa kaniya.

"Bring my breakfast here."

"Baka tulog pa si Nata, alas tres pa lang po."

He smirked.

"I said bring my breakfast here. That means you'll cook my breakfast."

I gritted my teeth.

"Okay."

Lumabas ako ng kwarto niya at hinatid ang mga labada sa likod bago bumalik sa kusina at magsimulang magluto.

Bacon, scrambled eggs, fried rice and steamed cabbage. I also made a sauce for it. Iyon lang naman ang paborito niyang gulay sa umaga.

Habang paakyat sa hagdan pakiramdam ko ay mahuhulog ako dahil sa gaan ng ulo ko. Marahil dala ng antok. Alas kwatro na rin at maya-maya ay magigising na ang mga kasama ko.

HYPNOTIZING LOOKS(Looks Series #2)| OngoingWhere stories live. Discover now